Chapter 40 Samantha Dumaan ang araw ng eleksiyon at natutuwa ako dahil nagbunga ang mga pinaghirapan namin. Muling nahalal na Mayor si Papa ng bayan namin. "Congrats Papa!" masiglang bati ko at yumakap kami sa kanya ni Nanay. "Salamat sa suporta. Magpapavictory party ako. Sa beach resort tayo this weekend!" nakangiting sagot ni Papa dahil kapag weekend walang pasok. Ibig sabihin lahat ng mga kapartido at tauhan kasama. Farewell na rin ni Papa bilang Mayor. "Pa? Pwedeng magsama?" alanganing tanong ko. "Si Gian Lee ba? Oo naman!" mabilis niyang sagot kaya naman halos mapalundag ako. "Tawagan ko lang siya Pa." paalam ko. "Sabihin mo sa kanya salamat. Malaki rin ang naitulong niya sa dami ng naging fan girls niya rito sa'tin." natatawang pahabol pa ni Papa. Natawa naman ako dahil pan

