Chapter 64

1345 Words

Chapter 64 "G-Gian saan ba talaga tayo pupunta? Saka paano sina Nanay?" tanong ko sa kanya habang binabagtas namin ang daan sakay ng isang pampasaherong bus. "Ipinasundo ko na sila sa isang mapagkakatiwalaang tauhan ko. Dadalhin nila ang parents natin sa rest house namin sa Baguio. Kapag maayos na talaga pwede ko na rin silang iuwi sa bahay." sagot niya. Napangiti ako. Maka 'natin' kasi siya sa mga magulang ko. Nakakatuwa tuloy. "Teka bahay niyo?" takang tanong ko. "Yeah. Iuuwi kita sa'min. Isipin mo na lang hindi tayo napatrouble. Kunwari na lang nagtanan tayo." ngisi niya. "Baliw. Uso pa ba ‘yon? Pero hindi ba nakakahiya? Baka makagulo pa ako sa inyo? Saka baka madamay pa kayo?" nag-aalangan kong sabi. Siyempre naman ayoko ng may madamay pa dahil lang sa pagtulong sa akin ni Gian.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD