Chapter 63 Samantha "Dito tayo!" ani Gian at sumuong kami sa madawag na kasukalan mula sa pakikipaghabulan sa mga sangganong tauhan ni Vince. "G-Gian nilalamig na ko." pasimpleng anas ko nang makapagtago kami sa isang bakante at masukal na lote. Halos nababad na rin kasi kami sa ulan. "Konting tiis na lang." bulong niya at inakbayan ako. Kahit papaano napanatag naman ako dahil ramdam kong hindi niya ako iiwanan sa gitna ng sitwasiyon ko. "Nawala!" napapitlag ako nang marinig ang boses ng kalbong tauhan ni Vince na tadtad ng tatoo sa katawan. Nangilabot tuloy ako sa isiping paano nga kaya kung nagtagumpay si Vince sa akin at ipasa ako sa mga hayok na m******s na ito? Baka mas gugustuhin ko pang mautas. "Hanapin niyo! Madadale tayo nito kay Boss!" pabalik na sigaw ng isang balbas sa

