Chapter 62 Samantha "H-Hayop ka talaga Vince!" nanghihinang singhal ko matapos niya kong iumpog sa pasimano ng hagdan. Pinipilit ko na lang labanan ang sakit dahil iniisip ko hindi ako pwedeng mawalan ng malay. Baka mas mapahamak ako kapag may laya na siyang isakatuparan ang kung anumang maisipan niyang gawin sa akin. "Hayop talaga ako! Demonyo pa nga, eh! At ipapakita ko sa'yo ‘yon ngayon!" humahalakhak na sambit niya sabay pagigil na sinambilat ang buhok ko kaya ramdam na ramdam ko kaagad ang sakit sa anit ko. Mas sinaklot ng kaba ang dibdib ko nang makitang may pumasok na ilang kalalakihan sa bahay na nasa tatlo ang bilang. Pulos malalaki ang katawan ng mga ito na parang kayang suungin ang kung anumang nakaambang kamatayan at panganib. Mga mukhang barbaro at simaron ang dating!

