Chapter 61 "Ano'ng sweet? Kung intensiyon mong pakiligin ako pwes hindi mo nagawa. Nakakakilabot ka. Kinikilabutan ako sa'yo dahil parang namamaalam ka na. Saan mo nakuha ang mga salitang ‘yon? Wala ka namang dapat ipagpasalamat kung mahal kita. Dahil kung merong mas dapat magpasalamat ako ‘yon. Kasi pinapagtiyagaan at mahal mo ko. ‘Wag ka ng magsalita ng ganyan na parang iiwan mo ko." parang namumula na ang mga matang sabi niya. Napalunok ako. Iiyak ba siya? Iiyakan niya ko? "H-Hindi naman ako aalis, ah? Hindi na kita iiwan. Di ba nga wala na tayong iwanan?" paglilinaw ko. "Eh, bakit ganyan ka magsalita? May nalalaman ka pang sa susunod mong buhay? Parang sinasabi mong sasakabilang buhay ka na?" kastigo pa rin niya at tila kinikilabutang napakatok pa siya ng tatlong beses sa dashboard

