Chapter 60 Samantha "May dala kang payong? Medyo maulan baby." Napangiti ako sa tanong ni Gian habang kausap ko siya sa phone. Lunch break ko kaya nakakapag-usap kami. Busy rin siya kaya hindi niya ako mapuntahan. "Meron. Gian kanta ka." nangingiting request ko. "Kanta mo mukha mo." matigas na tanggi niya. "Kakanta ka ba o kakanta ka?" "Asan choice ko do’n?" pamimilosopo niya. "Wala kaya sige bira." utos ko. "Eh, hindi nga ako marunong. Gwapo lang ako." giit niya kaya napairap ako sa hangin. Hindi ko naman kasi siya makokontra. Kasi nga totoong gwapo talaga siya. "Kakanta lang, eh! Narinig ko na kitang kumanta so ‘wag ka ng mahiya, okay?" "Eh, bakit ba pinapakanta mo ko? Sasayawan na lang kita pag sinundo kita mamaya." kontra pa rin niya. Napangiti na naman ako. Member kasi da

