Chapter 8

1991 Words
Gian Lee "Kamusta ka naman dito?" tanong ni JC nang magawi siya sa hacienda na pinagtapunan sa akin ng mga magulang ko habang nakaupo kami sa isang malilong na puno at tinatanaw ang kalawakan ng hacienda. "Ayos lang pero medyo boring. Wala kasing night life." sagot ko na ikinatawa lang niya. Wala naman kasi akong ibang ginawa kundi pamahalaan ang Hacienda. "Buti nga sa'yo!" buska niya. "Upakan kaya kita? Umuwi ka na nga sa Manila!" taboy ko. "Kararating ko nga lang palalayasin mo kaagad ako? Siguro may itinatago kang milagro dito?" nakangising aniya. "Mukha mo." inis na sabi ko. "Mukha ko? Mas gwapo sa'yo." ayaw paawat na sagot niya. "Asa ka." "Gian Lee!" parehas kaming napalingon ni James Carlo nang marinig ang boses na nakakairita sa pandinig ko! Araw-araw na lang nandito siya. Hindi ba siya nagsasawa sa pagsusungit na ipinapakita ko? "Who is she? Sinasabi ko na nga ba may itinatago ka kaya pinapaalis mo ako! May chicks ka pala dito?" ngisi ni JC at nilapitan ang makulit na babae. Parang nagulat naman si Samantha pagkakita kay JC. "I-Ikaw si James Carlo di ba?" tanong nito. "Kilala mo ko?" kunot noong ani JC. "Ano ka ba? Siyempre kilala kita! Si Samantha Briones ako. I mean Lopez pala dati, iyong namasukan kina Gian, kalaro din kita dati." pagpapaalala ni Samantha kay JC. "Ate Samantha? Woah! I almost didn't recognize you. Sobrang ganda mo na! Chicks na chicks ang dating mo." bulalas ni JC. "Ikaw naman bolero. Pero salamat! Pero buti ka pa natatandaan mo ako, samantalang iyang pinsan mo hindi raw ako kilala? Alam mo ba una kaming nagkita ulit doon sa bar sa Manila kaya lang parang hindi niya ako namukhaan? Tapos ngayon namang matagal-tagal na akong nandito hindi pa rin talaga niya ako matandaan!" napasimangot na anito sabay tingin sa akin ng masama. Umiwas naman ako ng tingin. Ayokong mabasa niya ang mga nasa mata ko. Natatandaan ko ang insidenteng iyon. Siya iyong babaeng engot na nakabangga ng kotse ko sa bar. "Hindi talaga kita kilala." nasabi ko at tumayo na saka lumapit sa kanila. "I remember that day! Iniwan niya ko sobrang pagkataranta nang makita ka niya! Ikaw pala iyong babaeng nakaencounter niya kaya siya nataranta at umuwi na lang. Haha." ani JC. "Shut up!" saway ko sa mga pambubuko niya. "Lakas pa rin ng impact mo sa kanya atras pa rin sa’yo, eh haha!" natatawang kwento pa rin ni JC. Sarap upakan ng isang ito sa sobrang kadaldalan! Pero si Samantha nga naman talaga ang nakita ko ng gabing iyon kaya nataranta ako ng wala sa oras. "Ang pakipot mo naman insan, 'tong ganda ni Samantha hindi pinapalampas. Sige ka, kapag naunahan ka ng iba baka hahabol-habol ka." panunukso pa ni JC kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw, ano namang ginagawa mo rito? Hindi mo ba alam na nakakasawa na 'yang pagmumukha mo?" baling at sita ko kay Samantha. "Nagsasawa ka na pala, eh, bakit ayaw mo pang umamin na kilala mo talaga ako kung ayaw mo ng makita pagmumukha ko?!" pagtataray niya na may kasama pang pag-irap. Hindi tuloy ako nakasagot. Ang kulit niya! "Bakit araw-araw ka bang nandito?" tanong ni JC. "Yup. Mahigit isang linggo ko na kayang ipinapaalala sa kanya na naging kaibigan niya ako kaso lang ayaw niyang umamin. Kaya nga kondisyon ko sa kanya kapag umamin siya hindi na niya ako makikita." sagot nito. Biglang napatawa si JC kaya naman parehas na nakakunot noo namin siyang tiningnan ni Samantha. "Kaya naman pala ayaw umamin, eh. Siyempre sa tagal niyong hindi nagkita tapos gano’n pa ang kondisyon mo? Baka kung ako si insan hindi talaga ako aamin 'wag ka lang mawala sa paningin ko." natatawang sabi pa ni JC at tiningnan ako ng nakakalokong tingin. Nang mapasulyap naman ako kay Samantha ay napailing lang ito na parang sinasabing kalokohan lang ang mga sinasabi ni JC. Sa gaspang ba naman ng ugaling ipinapakita ko sa kanya malamang hindi talaga siya maniniwala. "I said shut up." saway ko kay JC. "Whatever dude!" naiiling na sabi nito sa akin. "Ano na naman ba 'yang dala mo?" masungit na tanong ko kay Samantha nang mapansin ang bitbit niya. Mukhang may balak pang dumayo ng picnic ang babaeng ito dito dahil sa picnic hamper niyang dala. "Ah, lunch! May handaan kasi sa bahay, kumuha ako doon sa caterer. Nandoon kasi ang mga kapartido ni Papa para sa pagtakbo niya ng Governor sa darating na eleksiyon." sagot niya. "So mangangampaniya ka kaya ka nandito?" panghuhula ko. "Yes and No. Yes nandito ako sa Pilipinas para tulungan siyang mangampanya and No kasi hindi naman ako narito sa Hacienda mo para ipangampanya siya to think na hindi ka naman tagarito. I'm just here para may makasabay akong maglunch, iyon lang." mahabang explain niya. "Eh, bakit dito ka pa pumunta?" tanong ko. "Ayoko nga sa bahay maraming tao, puro politics ang pinag-uusapan. Ano namang alam ko do’n?" palag niya. "Paano mo matutulungan ang Papa mo, kung ayaw mong makihalubilo sa tao at ayaw mong alamin ang mga bagay na tungkol sa mundo ng pulitika?" giit ko. "Hindi porke't wala akong alam sa politics wala na akong maitutulong! Tutulungan ko lang siya sa campaign niya hindi naman ako ang tatakbo!" pagtataray niya. "Sinong maniniwala sa'yo?" asar na tanong ko. "Sarili ko, may angal? Alam mo kung ayaw mo akong makasabay then fine, iyon naman talaga ang bottom line, eh. Ayaw mo! Dami mo pang sinasabi! Tse!" irap niya at tumalikod na. Napikon yata? "Ah, Sam kung ayaw niya ako na lang. gutom na rin ako." ani JC at sinabayan ito sa paglalakad. "Talaga? Doon na lang tayo sa malayo sa bakulaw!" malakas na sabi niya at alam kong ako ang pinaparinggan niya. Ako ang tinutukoy niyang bakulaw. Medyo nasasanay na ako sa kakulitan niya, araw-araw na ba namang nandito siya. Nagulat na lang ako isang araw nasa harapan ko na pala siya. Sa batis ko siya muling nakaharap at naihagis ko siya ng wala sa oras dahil bigla na lang siyang sumulpot. Hindi ko nga alam kung may kinalaman ba rito ang mga magulang ko? Pinipilit niya na magkakilala kami at naging magkaibigan. Ilang beses ko ng sinabing hindi pero hindi talaga siya naniniwala. Muli akong sumulyap sa dalawa. Nang medyo makalayo na sila ni JC sa pwesto ko ay saka sila naglatag ng picnic mat sa malilong na parte ng Hacienda. Tanaw ko pa rin sila, nakita kong inilabas ni Samantha ang mga dala niyang pananghalian. Hindi ko alam pero kusang lumakad ang mga paa ko palapit sa kanila. "O insan, akala ko ba ayaw mo?" nakangising tanong ni JC na katapat ni Samantha. "Gutom na rin ako." maiksing sagot ko at umupo sa tabi ni Samantha. "Pakipot. Kakain rin naman pala." bulong ni Samantha na may kasama pang pag-irap. "Ikaw lang naman ang nagsabing ayaw ko." katwiran ko. "Eh, paano ayaw mo naman talagang nandito ako. Ayaw mo talaga sa'kin!" talak niya. "Ikaw lang din ang nagsabi niyan." pabigla kong sabi at huli na para mabawi ko dahil narinig na nilang dalawa. Grabe tuloy ang panunuksong inabot namin sa alaskador na si JC. "Pakipot ka talaga tsong! Kung ayaw mo kay Samantha, akin na lang." natatawa pang sabi ni JC. "Teka ate turing mo sa'kin di ba?" palag ni Samantha. Lumipat si JC sa tabi ni Samantha kaya napanggigitnaan tuloy namin siya. May ibinulong si JC kay Samantha na ikinakunot noo nito. "Puro ka kalokohan." ani Samantha kay JC at alanganing mangiti o mapasimangot. "Trust me baka pasalamatan mo pa ako kapag nagkataon." sagot pa dito ng pinsan ko. Nacurious tuloy ako sa kung ano bang ibinulong ni JC sa kanya dahil hindi ko narinig. Nakaramdam ako ng pagkairita sa pag-uusap nila. Pakiramdam ko outcast ako dahil hindi ko alam kung ano bang pinag-uusapan nila. "Kumain na nga tayo!" iritableng sabi ko. Tumawa na naman si JC. "See?" anang pinsan kong bugok kay Samantha at kumindat pa. Nagsimula na nga kaming kumain, pero si JC tuloy pa rin ang daldal. "Sabi mo nga pala nandito ka lang sa Pilipinas kasi tutulungan mo ang Papa mo sa pangangampanya? Saan ka naman pupunta pagkatapos ng election?" tanong ng pinsan ko. Tahimik lang akong kumakain pero interasado ang tenga ko sa sagot niya. "Baka bumalik ako sa U.S. may mga pwede akong pasukang trabaho do’n." "Aalis ka?" hindi napigilang tanong ko. Hindi ko alam pero mas nadagdagan ang inis ko sa kanya dahil sa sinabi niya. "Depende. O kaya naman kung mawili ako rito baka tulungan ko na lang parents ko na mag-asikaso ng negosiyo nila. Iyong fast food sa bayan. Ngayon na lang kasi kami ulit magkakasama-sama, eh. Bakit ayaw mo bang umalis ako?" nakangiting tanong niya. "Asa. Gusto mo tulungan pa kitang mag-empake?" asar na sagot ko. "Malabong mawili ka rito. Sa sungit ba naman niyang si Gian. Kaya kung ako sa'yo doon ka na lang sa U.S." singit ni JC na mas ikinairita ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Naiirita ako sa presence ni Samantha kapag kinukulit-kulit niya ako. Pero mas naiirita ako sa isiping baka bumalik siya sa America tapos ginagatungan pa nitong pinsan kong ewan! Ayaw kong lumalapit sa akin si Samantha pero parang ayaw ko rin namang tuluyan siyang umalis? Tang orange talaga! Labo ko, ah. "Hmm tara mamasiyal dami kong nakain." yakag ni Samantha ng matapos naming kumain. "Umuwi ka na." taboy ko. "Ayoko! Gusto ko ngang mamasiyal!" pilit niya. Tsk ang kulit! "Mangabayo na lang tayo para masaya." yakag ni JC. "Hindi ako marunong, eh." ani Samantha. "Turuan kita." volunteer ni JC. "Talaga? Sige, sige! Teka lang manghihiram lang ako ng kabayo kay Peter." tukoy ni Samantha sa sota ng mga kabayo. "Ako ang may ari ng Hacienda di ba? Bakit kay Peter ka manghihiram ng kabayo, tauhan lang naman ‘yon dito?" palag ko. "Madamot ka, eh, kaya sa kanya na lang." irap niya at nanakbo na papunta sa kwadra. "I'm just wondering. If you are really pissed off sa presence ni Samantha bakit hindi mo siya ipa-banned dito para hindi mo na siya makita araw-araw?" biglang tanong ni JC noong kaming dalawa na lang ang natira. Naoffguard ako sa tanong niya at hindi kaagad nakasagot. Bakit nga ba hindi ko kaagad ipinabanned dito si Samantha para hindi na siya makapasok? "Hindi kaagad pumasok sa utak ko ‘yan." katwiran ko na lang. "Sige sabi mo, eh." natatawang sabi niya. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala." "Past will never had a way to rewind and play. Hanggang doon na lang ‘yon." biglang sabi niya. "What?" lito kong tanong. "Aminin mo. Kilala mo talaga siya." sa halip ay sabi niya. "Gulo mo." naiiling na sabi ko. "Alam mong si Samantha ang tinutukoy ko. Kung may nagawa siya sa'yong masama dati kaya ganyan mo siya pakitunguhan ngayon pwes kalimutan mo na. Nakaraan na lang ‘yon." makahulugan niyang sabi. "Parang gano’n lang kadali?" tiim bagang na sabi ko. "Eh, di inaamin mong hindi mo talaga siya nakalimutan?" seryosong tanong niya. "Wala akong sinasabing ganyan. Sino ba siya para matandaan ko?" salag ko. "Ikaw lang naman ang makakasagot niyan kung sino at ano ba talaga si Samantha para sa'yo." "Bahala ka na nga kung ano’ng gusto mong isipin." naiiling na sabi ko at akmang hahakbang na palayo nang magsalita na naman siya. "Know what Gian Lee, no matter how much you deny what you really feel inside, still your actions will show what you're really trying to hide." aniya sabay akbay sa akin. "Magtigil ka na nga." "Ito payong pinsan at tropa din. Hangga't nandiyan pa siya iparamdam mo na kung ano ba talaga ‘yang nararamdaman mo. Kasi kapag siya nawala ulit? Useless na ‘yang pagmamatigas mo. Ayaw mo naman sigurong maging nganga ang ending mo? Sayang lahi natin kung hindi mo ipagkakalat." medyo natatawa pero bakas ang kaseryosohang sabi pa niya saka tinapik-tapik pa ang balikat ko. Hindi ko tuloy alam kung magbibingi-bingihan ba ako o susundin ang mga sinabi niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD