Chapter 7
Samantha
"Ang dami mo naman yatang suman na ginawa? Mauubos mo ba 'yan?" nagtatakang tanong ng Nanay ko nang makita ang isang bilao ng suman na dala-dala ko.
"May pagbibigyan po ako." nakangiti kong sagot.
"Sino naman?" tanong ni Papa na pumasok sa kumedor saka humalik sa pisngi ni Nanay at umupo para kumain ng agahan.
"Old friend na matagal ko ng hindi nakita. Kuha kayo Papa, marami naman 'yan." alok ko pa sa kanila.
"Old friend? Sino nga?" pangungulit pa rin ni Nanay.
"Si Gian Lee po, ‘di ba nagustuhan niya itong suman noong pinakain natin siya dati? Sila po pala 'yong may ari ng hacienda Imperialeza diyan hindi niyo man lang yata nasabi sa akin?"
"Gian Lee Fortaleza? Iyong anak nina Sir Gino at Ma'am Lia na pinasukan natin dati?" tila gulat na tanong ni Nanay. Tumango ako.
"Hindi ko naman alam na sa kanila pala ang Hacienda Imperialeza dahil hindi naman kami nagagawi ng Papa mo doon at hindi iyon ang dating pangalan ng malaking Hacienda diyan. Siguro pinalitan dahil nabenta na." explain pa ni Nanay.
"Mabuti na lang pala at sumama ako kay Mang Igme kahapon dahil hindi ko malalaman na nandito lang pala si Gian Lee." komento ko.
"Kita mo nga naman oh, ang tagal niyong hindi nagkita tapos pinagtagpo kayo ulit." nangingiti pang sabi ni Nanay.
Gusto ko tuloy mapasimangot. Sila mukhang natutuwa na nagkita kami ulit ni Gian Lee samantalang iyon namang lalake na iyon parang ayaw akong makita.
"Teka-teka sino ba 'yang Gian Lee na pinagkukwentuhan niyo?" singit na tanong ni Papa.
"Kaibigan siya ng anak mo noong hindi pa tayo nagkakasama-sama. Anak siya ng amo ko. Iyong mga Fortaleza." sagot ni Nanay. Napatango-tango naman si Papa.
"Gusto ko one of these days makilala ko 'yang old friend mo." sabi ni Papa.
"I-I'll try." napapalunok na sagot ko.
Tsk paano ko naman maipapakilala si Gian Lee kay Papa kung mukhang hindi naman matandaan ng Anaconda Master na iyon na magkaibigan kami? Ilang saglit pa sabay na kaming lumabas ni Papa ng bahay saka sumakay ng kotse. Ako papunta kay Gian Lee habang si Papa naman sa kapitolyo. Nang makarating ako sa Hacienda Imperialeza medyo nakaramdam ako ng kaba.
"Anak baka naman pwedeng makilala ko na iyong old friend mo kahit dito lang?" tanong pa ni Papa.
"Ah 'wag na Pa. Malelate na kayo niyan, eh. Next time na lang." tanggi ko kaagad.
"Promise?" tanong pa niya.
"P-Promise! Sige na po, babye na." paalam ko at humalik na sa pisngi niya.
Nang makababa ako ng kotse at mapatapat sa mataas na gate humigit ako ng malalim na hininga, saka ko pinindot ang doorbell habang bitbit ko ang isang bilaong suman. Dala ko rin iyong T-shirt na pinahiram niya sa akin noong mabasa ako or should i say napilitang ipahiram? Para naman may alibi ako kung sakali na sitahin niya ako kung bakit nandito na naman ako.
Hindi ko nga alam kung bakit nandito ako gayung noong una pa lang kaming magkita, ipinagtabuyan niya kaagad ako. Ah, basta gusto kong maalala niya ako! Ilang saglit pa binuksan din iyon ng guard.
"Good morning po." ngiti ko kay Manong Guard.
"Kayo ho pala ulit." bati ng guard.
"Ako nga po uli, nandyan ba ang Sir Gian Lee niyo?" lakas loob na tanong ko.
Napansin kong napakamot siya sa batok.
"Baka po magalit iyon kapag pinapasok ko kayo kasi po nakita namin kahapon kung paano uminit ang ulo niya nang makita kayo rito." nag-aalangan na sabi niya.
Napaisip tuloy ako. Oo nga pala nasaksihan nilang lahat ang pagsusungit ni Gian Lee sa akin.
"Alam mo Manong kaya ganyan 'yang si Gian Lee sa akin kasi matagal kaming hindi nagkita kaya hindi niya alam kung paano ako iaapproach ulit. Gano’n! Medyo nagkakahiyaan na kumbaga." nasabi ko na lang na may konting pagkoconclude na baka kaya nga ganoon makitungo sa akin si Gian ngayon dahil matagal kaming hindi nagkita.
"Kung gano’n magkakilala talaga kayo?" tanong pa niya.
"Oo naman. Super friends kaya kami! Noong mga bata pa nga kami sabay kaming maligo niyan sa ulan." pagkukwento ko pa.
"Oh, sige na manong papasukin niyo na ako, sagot ko na almusal niyo heto, oh, may dala akong suman." alok ko sa kanya at kumuha naman siya saka niya ako pinapasok.
Suman lang pala ang katapat ni Manong!
"Good morning!" nakangiting bati ko sa mga tauhan ng Hacienda.
"Ineng napadpad ka ulit dine? Hindi ka ba natatakot kay Sir Gian?" tila nababahalang tanong ni Ka Igme.
"Naku naman kung kay Gian Lee lang din po? Hindi 'no." natatawa ko pang sagot.
"Aba siyanga? Hindi ka natatakot?"
"Opo. Kuha po kayo." alok ko sa kanila at nagsikuhanan naman sila.
Kasalukuyan akong abala sa pamumudmod ng suman nang may nagsalita.
"No vendors allowed!" dumadagundong na boses ni Gian Lee iyon kaya nagsibalikan sa kaniya-kanyang pwesto ang mga trabahador.
Umagang-umaga nagsusungit ang kagwapuhan niya.
"Ano kamo?" tanong ko.
Ibinaba niya sa tungki ng ilong niya ang shades na suot niya.
"Tagalugin ko? Ang sabi ko bawal ang magtitinda dito!" halatang inis na sabi niya.
Napaangat ang kilay ko at hindi namalayan na pinapasadahan ko na siya ng tingin. He's wearing faded jeans with a pair of boots and simple white T-shirt na bumabakat sa maskulado niyang katawan. Nyeta! Nasaan na ang garter ng panty ko?
"What are you looking at?!" sigaw pa niya noong hindi ako sumagot.
"Baliw hindi ako magtitinda! Mukha ba akong vendor?" asar na tanong ko.
"Style magtitinda ka kasi sa dala mo." walang ganang sagot niya.
"Ah gano’n? Oh sayo 'yan!" sagot ko at iniitsa sa kanya ang bilaong dala ko.
Muntik pa niyang mabitiwan iyon sa pagkagulat.
"Aanhin ko naman 'to?"
"Ipahid mo sa pwet." sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo!"
"Malamang kakainin, naalala ko noong magkasama pa tayo favorite natin 'yan lalo na kapag may kape." explain ko na lang.
"Hindi ako kumakain niyan." sabi niya at pahagis ring ibinalik sa akin iyong bilao.
Mabuti na lang at nasalo ko. Bastos talaga ang kumag na ito!
"Kung ayaw mong kainin, inumin mo na lang?" suggest ko.
"Get out!" sigaw na niya.
"Agad-agad? Wala ka na bang ibang line? Ang hard mo naman kararating ko nga lang, eh!" reklamo ko.
"Sino bang may sabing pumunta ka rito?" salubong na naman ang kilay na tanong niya.
"Sarili ko, pakialam mo?" pairap na wika ko.
"Alam mo bang hindi ka nakakatuwa?" nagtatagis ang bagang na sabi niya.
"Bakit sino bang may sabi na matuwa ka sa'kin?" pambabara ko.
Bigla siyang natahimik na tila walang mahagilap na isasagot. Napangisi ako nang mapagtantong napatahimik ko siya.
"Ano ba talagang ginagawa mo rito at nambubwisit ka na naman?" pagkukwan ay tanong niya.
"Wala lang. Saka itong T-shirt mo isosoli ko na. Walang thank you kaya 'wag ka na magwelcome." sagot ko at pahagis ko ulit ibinigay iyon.
Tumalikod na ako sa kanya at naglakad na palayo para sana ibigay na lang kina Mang Igme iyong suman tutal naman ayaw niya.
"Saan ka pupunta?" pabigla niyang tanong kaya napabalik ako ng wala sa oras.
"Miss mo na ako agad?" nakangisi kong tanong.
"Asa. Umalis ka na nga!" sigaw pa niya.
"Ayoko. Period!" sigaw ko rin.
"What do you want?"
"Sagutin mo ang mga tanong ko then afterwards aalis na ako. Ano deal?" hamon ko.
Natigilan siya ng ilang saglit at tila napaisip pa.
"Shoot." mayamaya'y sagot niya.
"Ayan! Pumayag ka rin."
"Basta aalis ka na pagkatapos." paalala pa niya.
"Yeah mark my word. Ang una kong tanong anong favorite subject mo?" tanong ko.
"Ano ba 'to slam book?"
"Arte mo, basta sagutin mo na lang." asar kong sabi.
Kaya ko lang naman iyon itinatanong sa kanya para patunayan na siya talaga ang Gian Lee na nakasama at naging kaibigan ko noon. Sa pamamagitan ng mga isasagot niya maitutugma ko iyon sa mga bagay na alam ko sa kanya. Although sigurado naman ako na siya nga talaga si Gian kaya lang iba pa rin na sa kanya mismo manggagaling na siya talaga iyon.
"Recess ang favorite kong subject."
"What? Hindi ba Science kasi gustong-gusto mo mag-experiment?" inis na tanong ko.
"Kumontra ka pa. Itatapon na talaga kita. Next question! Bilis!" angil niya.
"Favorite teacher?"
"Tindera sa canteen." sagot niya.
"Hindi ba si Miss De Castro kasi crush mo iyong dimples niya?" sabi ko.
Nainis pa nga ako sa kaniya noon ng sinabi niya iyon dahil ang harot niya.
"Kung wala ka ng itatanong lumayas ka na sa teritoryo ko." taboy na naman niya sa akin.
"Alam mo hindi talaga kita maintindihan kung bakit ganyan ka umasta na parang hindi tayo naging magkaibigan noon?" sumasama na naman ang loob na tanong ko.
"Dahil hindi naman talaga. Wala akong matandaang Samantha na itinuring kong kaibigan noon." sagot niya.
Ang talas talaga ng dila niya. Napabuntong hininga ako. Sabi nila may dalawang dahilan lang daw kung bakit umiiwas ang isang tao sa isang particular na sitwasiyon o pangyayari. It's either may nagawa kang hindi nila nagustuhan o may nararamdaman sila sa iyong hindi maintindihan. Kaya lang alin doon? Panigurado naman na wala siyang nararamdaman sa akin dahil kahit nga ang pagiging magkaibigan namin noon hindi niya matandaan, may maramdaman pa kaya?
"Bahala ka kung ayaw mong umamin na magkakilala talaga tayo. Basta kung may nagawa akong mali sorry." seryosong sabi ko.
"Para saan pa ang batas kung nakukuha sa sorry ang lahat?" pabulong na aniya.
"Dao Ming Si? Pakiulit?" pangungulit ko.
"Bingi. Kung wala ka ng itatanong umalis ka na at kung pwede 'wag ka ng bumalik."
"Wala naman akong natatandaan sa deal natin na bawal akong bumalik dito? Basta aalis lang ako ngayon, tapos. Alam mo kasi hangga't nagdedeny ka, araw-araw mo rin akong makikita dito. Pero by the time na umamin ka, promise ko sa'yo hindi mo na ako makikita at hindi na rin kita kukulitin. Kaya kung ako sa'yo umamin ka na kung ayaw mo na talaga akong makita."
"Kulit mo, sinabi na ngang hindi kita kilala!" matigas na kaila pa rin niya.
"Sige deny pa more! Mas gusto ko tuloy isipin na kaya ka mas lalong nagdedeny diyan kasi ayaw mo akong mawala sa paningin mo." pilit ang ngiting pang-aasar ko.
Kahit ang totoo nakakasakit na talaga siya. Bakit ba kasi hindi niya ako maalala?
"In your dreams." malamig na sagot niya.
"Tsk bye Gummy!" paalam ko.
"Gummy?" lito niyang tanong.
"Oo Gummy, ayaw mo kasi ng Grumpy. Eh, ‘di Gummy tutal naman naaalala ko sa'yo ang gummy worm candy." pang-aasar ko.
"Why you!" sigaw niya at akmang hahablutin ako pero nangaripas na ako ng takbo.
Ayaw na ayaw talaga niyang iniinsulto ko ang alaga niyang anaconda. Nang makalayo na ako ay muli akong lumingon sa kanya. Nakita ko pang habol niya ako ng tingin habang nagtatagis ang mga bagang niya.
"One more thing Gian Lee. Kung ang ikaliligaya mo ay ang paglayo ko, ‘wag kang mag-alala, lalapit-lapitan kita wag ka lang sumaya!" halakhak ko pa at nangaripas na ulit ng takbo.