Chapter 58 Samantha "May binili ako sa'yo. Napadaan akong mall kanina." masiglang sabi ni Gian noong pumunta siya sa fast food chain na pinapamahalaan ko. Nasa loob kami ng opisina. Binuksan ko ang paperbag na dala niya. "Wow ang galing! Horror books! Thank you! Magkano naman 'to?" tuwang-tuwang sabi ko saka ako tumayo sa swivel chair at pinanggigilang yakapin siya. Mahilig kasi talaga ko sa horror, eh. "Hindi ko ipinagbibili." pamimilosopo niya. "Tange! Ang dami nito oh. Hassle sa bulsa mo." sabi ko. Ewan ko ba. Noong magkaibigan naman kami hindi ako nahihiya kapag nanlilibre siya. Pero ngayong magjowa na kami ngayon pa ko nahiya! "Abnormal mo naman. Masanay ka na. Kapag naging mag-asawa na tayo hindi lang ‘yan ang kaya kong ibigay sa'yo." seryosong sabi niya saka niya pasimpleng

