Chapter 52 Gian Lee "Son!" salubong sa akin ni Dad nang makarating kami ni JC ng ospital ng umagang iyon. Niyakap ko siya at nagtapikan kami ng likod. "Uncle. Kamusta ang kambal?" tanong ni JC. Si Misha naman iniwan muna namin sa isa mga hotel na nadaanan namin. Ayaw kasi nitong umuwi sa kanila. "Unconscious pa. Pero awa naman ng Diyos stable na sila." "Ano ba kasing nangyari?" naitanong ko habang papasok kami sa kwartong inilagak sa mga kapatid ko. Pero bago pa man kami makapasok narinig namin ang sigaw ng nanay ko kaya dali-dali kaming napasugod. "What happened?" tarantang tanong ni Dad at niyakap ito noong makapasok kami. "Gising na sila! Gising na ang mga pasaway kong anak!" halos maglulundag na bulalas ni Mom kaya natawa si Dad at hinalikan pa siya sa pisngi. Lumabas si JC

