Chapter 51 Napahilamos ako sa mukha. Pakiramdam ko tinapos na niya ang lahat sa amin kahit na wala siyang sinasabi na tapos na kami. Hindi ko na rin siya sinundan pa. Ayoko ng gatungan pa ang mga nagawa ko at sumabay sa init ng ulo niya. Mas nairita ako nang lumapit na naman sa akin si Misha. "Oh, ano? Iniwan ka rin ano? Ikaw naman kasi nandito naman ako. Magkakaanak na nga tayo. Kasal na nga lang ang kulang!" nakakalokong sabi niya. "Pakasalan mo mukha mo! Kundi ka lang babae kanina pa kita sinakal! Umalis ka na. Wala kang mahihita sa'kin kahit na magkandaluhod at magkantutuwad ka pa sa harap ko! Layas!" iritableng sabi ko at tinalikuran na siya. "Bakit ba ayaw mo sa'kin?" parang maiiyak ng tanong niya. "Dahil hindi kita gusto. Maliwanag?" pamimilosopo ko. "P-Paano 'tong bata?" "Ma

