Chapter 50 Gian Lee "S-Sam magpapaliwanag ako." kabadong sabi ko. "You should be. At gandahan mo ang explanation mo or else you'll know what happen." matalim ang mga matang sabi niya habang hinihimas ang kamao niya. Kahit paano medyo nagluwag na ang dibdib ko dahil binibigyan niya ako ng tsansang magpaliwanag kahit pa medyo inaasahan ko ng sasapakin niya ko. Kailangan lang na gandahan ko ang pagpapaliwanag ko. Akmang ibubuka ko pa lang ang bibig ko nang magsalita ang bwisit na si Misha. "Ano ako dito, dekorasyon? Papanuorin kayong magpaliwanagan? Samantalang wala na namang dapat na ipaliwanag pa. Eto na, oh! Lobo na ang tiyan ko!" Kundi lang talaga babae 'to, ipinasipa ko na siya sa mga kabayo dito! "Hindi porke may nangyari sa'tin anak ko na 'yang dinadala mo!" asik ko. "So talag

