Chapter 76 Samantha "Sam! `Wag mong gawin 'to! Mamatay na lang ako kaysa mapunta ka sa tarantadong 'yan! `Wag kang pakasal sa kanya!" sigaw ni Gian habang pilit pa ring nagpupumiglas mula sa pagkakatali niya sa kadena. Napayuko ako. Mas gugustuhin kong makita siyang buhay kaysa mamatay siya ng dahil sa akin. "Shut up!" sigaw ni Charles sa kanya at muli siya nitong pinasadahan ng kuryente. "Ahhh!" hiyaw ni Gian at halos maglambitin na siya sa kadena dahil sa sakit. "Charles! Hayop ka! `Wag mo na siyang saktan! Pumayag na ko di ba?!" sigaw ko. "Oopps sorry! Matagal na kasi akong gigil sa mayabang na lalakeng 'to kaya hindi ko napigilan…" tatawa-tawang sagot sa akin ng demonyo at taas kamay na binitawan ang aparato. "Gigil ka sa'kin? B-Bakla ka nga! Bakit hindi ka na lang mangurot?" n

