"Anong nangyari?" Tanong ni Sol sa kanyang sarili dahil bigla niya nalang naramdaman ang kakaibang kapangyarihan sa buong lugar. Pagtingin niya sa buong lugar, hindi maiwasan ni Sol na hindi manlaki ang kanyang mga mata dahil sa mga oras na iyon ang lahat ng nasa kanyang lugar ay nakahinto! "Time Law!" Agad na sabi ni Sol ng makita ito habang naramdaman niya naman ang marka ni Rena sa kanyang katawan. Mukhang dahil sa kapangyarihan ni Rena kaya hindi siya nadamay sa pag tigil ng mundo. Right now agad niyang itinuon ang kanyang pansin sa kaninang Crown Prince na si Tarak. Pulang-pula ang mga mata nito at mararamdaman ang kakaibang kapangyarihan na nagmumula dito habang galit namang nakatingin dito si Belphegor. "Asmodeus you dare!" Galit na sigaw ni Belphegor habang agad na umat

