"Paano natin ipaparamdam ang ating pagbabalik?" Tanong ni Hilda, ngumiti naman dito si Sol. "Meron na akong naisip na plano Mom." Napatingin naman ang lahat kay Sol dahil gusto nilang malaman ang naisip nitong plano. "Gayunpaman we need a help." Sa oras na iyon sinabi ni Sol ang kanyang plano sa lahat ng mga nasa lugar, habang pinapakinggan nila ito ay mas nagiging excited sila hanggang sa hindi nila namalayan ang oras. Endless Ice Sa pinakamataas na lugar sa Northern Continent ng World Tree ay matatagpuan ang tinatawag na Dragon Kingdom. Ito ang kaharian kong saan matatagpuan ang Dragon Race ang isa sa pinakamatandang Race sa buong World Tree at isa din sa pinakamalakas. Right now sa sampung Superior Races sa World Tree pangalawa ang rank ng Dragon Race at walang ibang Rac

