CONTINUATION OF CHAPTER 74 CATHY's POV: "I'm sorry Ma'am.. Mukhang hindi ko na talaga ho kaya... Hindi ko na kaya na ipaglaban yung relasyon namin ni Drake. Alam ko na kakaumpisa ko pa lang, kaso sumusobra na ho kasi siya... Masyado nang nasasaktan ang puso ko sa mga salitang tinatapon niya sa akin... Pero maninilbihan pa rin ako ma'am, kung tinalikuran na ako ng anak niyo-- ako ho, hindi ko tatalikuran yung obligasyon at trabaho ko rito sa mansion. Gusto ko pa rin po na magsilbi at ipagpatuloy ang pagiging yaya para sa inyo," naiiyak na wika ko sa nanay ni Drake na siyang nasa labas ng mansion kung saan ay nasa pool ko ito natagpuan. Katulad niya ay gusto nitong magpahangin sa labas at saktong dito rin naman ako pumunta para sana ilabas ko rito ang aking sama nang loob. Pero dahil na

