CHAPTER 74 CATHY's POV: PAGBUBUNTIS. Ito ang narinig kong salita na binigkas ni Drake matapos niyang sabihin ang tungkol kay Aryana. Nasobrahan na talaga ang babaeng 'yon sa pag-gawa ng kwento. Sa aming dalawa ay siya pala itong baliw na mahilig mag-imbento ng mga kaganapan na hindi naman totoo. Halos kung ano-anong kasinungalingan ang sinabi niya kay Drake kahit wala naman sa kanilang nangyari. Hindi na siya binalikan ng lalaki. Dahil ako na ang pinili ng binata. Sumama pa nga ito sa akin sa Probinsya para lang makilala ang magulang ko, tapos sasabihin niyang-- may nangyari sa kanila? "Anak, walang nangyari sa inyo ni Aryana... Huwag kang magpapaniwala sa babaeng 'yon dahil lahat ng mga sinasabi niya sa'yo ay kathang isip niya lang... Ako ang paniwalaan mo dahil ako ang ina mo. M

