CHAPTER 73 DRAKE's POV: "ARYANA, ano ang ginagawa mo?" tanong ko sa aking nobya nang maghubad ito ng kanyang pang-itaas na damit. Pagtataka naman ang siyang naukit sa aking reaksyon dahil hindi ko lubos maisip na may ganitong pagkatao ang aking nobya. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman siya gumagawa ng unang moves pagdating sa kama. Kaya hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote niya kung bakit niya ito ginagawa. "Para ka namang nakakita ng multo babe? Hindi mo ba alam na ginagawa na natin 'to? Kung sabagay, nagkaroon ka nga pala ng amnesia kaya siguro hindi mo na matandaan na ilang beses na rin tayo nagmake-love. But don't worry, ipapaalala ko 'yon sa'yo... Kaya kung ano man ang gagawin ko ngayon, ganito ang una nating karanasan sa s*x," ani nito nang akmang gagapang na siya sa kama

