Unti-unting nagmulat ng mata si Summer. Masakit ang buo niyang katawan at tila ba'y wala siyang maalala sa mga nangyari. Sa nanlalabong paningin ay naaninag niya ang bahagyang pagsilip ng sinag ng araw sa itim na blind curtain. Saglit siyang natilihan. Hindi itim ang kurtina sa kanyang kuwarto. O baka nagpalit lang ang mga kasambahay? No. Knowing Tita Irene, hindi ito mahilig sa mga neutral colors, at maging siya man. Agad na napabangon ang dalaga ngunit agad ding napahiga nang lalong lumala ang nararamdaman niyang pananakit ng katawan, partikular sa kanyang kaliwang balikat. Noon niya nakita ang suwerong nakakabit sa kanya. What happened? Noon biglang sumulpot ang isang kasambahay na marahil ay kasing edad ni Nana Selya. Nginitian siya nito ng ubod nang tamis. Gusto niyang ngumiti pab

