Queen of his Heart
"What was that? Wala na ba talagang natitirang kahihiyan ang mga kagaya mo?"
Unti-unting gumuhit ang sakit sa dibdib ni Summer. Sid's eyes were exuding flame. Ang muscles sa mukha nito ay nagsigalawan. Wala na ang kislap sa mga mata nito.
Ang tinig nito ay may bahid na ng panunuya at sarkasmo. Sana ay si Agnes na lang ulit siya, ang babaeng minahal nito. Ngunit matagal nang wala si Agnes.
Siya ay si Summer Grace. Gustuhin man niyang linisin ang sarili rito ay hindi niya magawa. Buo na sa isip nitong isa siyang maruming babae.
"S-Sid-"
"Shut up! You know what? Bitches liķe you don't deserve to be respected. Kaya 'wag ka nang umakto na tila isang malinis na babae dahil alam naman nating sa huli, pangkama ka lang."
Napasinghap si Summer. She wasn't expecting that. Itinaas niya ang kamay at aktong sasampalin ito nang hawakan siya sa pulsuhan. Napadaing siya sa sakit dahil sa mga daliri nitong halos bumaon sa kanyang balat.
"Sasampalin mo ako? Para ano? Para pagtakpan ang kahihiyan mo? Well, sorry to tell you love, it doesn't suit you."
Nanayo ang balahibo sa leeg ni Summer nang maramdaman ang mainit nitong hininga. He called her what? Love.
Parang sinaksak ang puso niya. Tinangka niyang kumawala ngunit napasinghap siya nang maramdaman ang mainit at matigas na bagay sa kanyang tiyan.
Bago pa siya makakilos ay sakop na nito ang kanyang labi. Gusto niya ang sensasyong dulot niyon. Ngunit hindi ang sakit sa paraan ng paghalik nitong tila siya pinaparusahan.
"Oh, your lips are delicious." Sid murmurred against her mouth.
Tinangay ng halik nito ang lahat sa kanya, kasama na ang kanyang katinuan. Kaya't hindi na siya tumutol nang simulan nitong tanggalin ang butones ng kanyang blouse.
Oh wait, it was her first time! Paano kung malaman nito? Mababago kaya n'on ang pagtingin nito sa kanya?
She doubt.
For him, she was nothing but a w***e. Hindi naman niya ito masisisi. Nakita siya nito isang gabi sa isang kama, kasama ang ama ng childhood friend nito .