Prologue: Tragedy

3195 Words
June 2015 Nanatiling nakatulala si Summer sa labas ng bintana ng kanilang sasakyan. She was in senior high school and as expected, no one even cared to be friend with her. She was a transfer student from Manila. Sa hindi niya alam na kadahilanan ay agarang lumipat ng tirahan ang pamilya niya nitong bakasyon mula sa siyudad patungong probinsiya ng Pangasinan. Ang sabi ng kanyang Mommy, nalugi raw ang business ng kanyang Daddy kaya't napagplanuhan ng mga itong lumipat sa ipinamanang bahay ng kanyang lolo sa Alaminos, Pangasinan. Kung iniisip ng mga magulang niyang naniniwala siya ay nagkakamali ang mga ito. Her mother was a socialite. Her father was a big time gambler. Kung hindi sa mga social gala ay sa casino matatagpuan ang mga magulang niya. Ano't bigla na lamang napag-isipan ng mga itong lumipat sa probinsiya dahil lang nalugi ang kanyang daddy sa negosyo nito? Surely, they had a lot of money. Bukod sa Jewelry shop ay may tatlong franchise sila ng isang kilalang fast food chain. Imposibleng sabay-sabay na nalugi ang mga ito. Bago sila lumipat ay naulinigan niya minsan ang mga magulang niyang nagtatalo. Hindi niya masyadong marinig ang usapan ng mga ito. Ang malinaw lang na narinig niya ay ang sinabi ng Daddy niyang kailangan na nilang lumipat ng tirahan. Summer knew something was wrong. At kahit ayaw niyang masyadong alalahanin, hindi niya maiwasang kabahan. Napakurap si Summer nang tumama ang mga mumunting butil ng tubig sa nakasarang bintana. Ang ambon ay kalaunang naging isang malakas na ulan. Kasalukuyan silang nasa pakurbang daan sa bayan ng Burgos. Wala pang ilang minuto mula nang makaalis sila sa St. Adelaide School-Philippines, ang bago niyang paaralan. Isang bayan ang pagitan niyon mula sa Alaminos kung nasaan ang bago nilang tirahan. Bumagal ang takbo ni Mang Mauro, ang kanilang driver dahil sa pakurbang mga daan. Muli niyang isinandal ang ulo sa headrest. Namimiss na niya ang mga kaibigan sa Maynila. Higit sa lahat, ang boyfriend niyang si Jacob. Nitong nakalipas na mga buwan ay hindi naman ito nakakalimot at panay ang tawagan nila. Ngunit nitong mga nakalipas na araw ay dumadalang na ang kanilang komunikasyon. Hindi niya gustong mag-isip ng kung ano-ano. Pilit niyang ipinapasok sa isip na baka busy lang ito dahil nga nag-umpisa na ang pasukan. Pero kaninang lunch lang ay may nakarating sa kanyang litrato. Mula iyon kay Joan, one of her friends. Candid shot iyon, kuha sa cafeteria ng school na dating pinapasukan din niya. Malinaw ang litrato ni Jacob kasama sa isang table ang ayon kay Joan ay isa rin umanong transferee. Noong una ay pinaniwala niya ang sariling baka sadyang magkakilala lang ang dalawa. Nitong dismissal habang naghihintay ng sundo ay tinanong niya si Jacob tungkol sa larawan. Inamin nito ang hinala nila Joan. He said he fell out of love. That's it. Hindi iisang beses niyang hiniling na sana ay nagsinungaling na lang ito. Pero hindi na siya dapat na magpakatanga pa. Kahit hilam ng luha ang mukha niya at pinagtitinginan siya kanina ng mga estudyante ay wala siyang pakialam. Hindi siya kilala ng mga ito. At ngayon ay naaalala na naman niya ang mga masasayang araw nila ni Jacob. Kung hindi lang sana sila lumipat ng tirahan. Kung sana ay hindi siya lumipat ng school. Kung sana ay magkasama pa sila hanggang ngayon. In that instant, she knew no one to blame but her parents. Tears fell from her eyes. Sinasabayan iyon ng ulan sa labas ng sasakyan. Oh she hated rain! Palagi na lang umuulan sa mga sandali ng buhay niyang pulos lungkot at kapighatian. It was raining when her Lola Carmina died. It was raining when she lost the title of St. Caitlyn's Miss Beauty and Brain. Even the day her pet dog Betty, the rain was pouring. At ngayon. Ipinikit niya ang mga mata. Dala marahil ng lungkot at pagkahapo ay madali siyang nakaidlip. Nagising na lang siya sa mahinang alog sa balikat niya. Disoriented si Summer na nagmulat ng mga mata. Umuulan pa rin sa labas. Nakaparada na ang sasakyan sa may garahe. Pumasok siya sa bahay at dali-daling umakyat sa kanyang kuwarto. Wala siyang ganang kumain kaya't nagbihis agad siya at saka padapang ibinagsak ang katawan sa kama. Hindi siya nahirapang ibinalik muli ang naantalang tulog. Paglaon ay binulabog siya nang malalakas na katok sa kanyang pinto. Wala sa sariling napatingin siya sa digital clock sa bedside table. It was nearly twelve midnight. Hindi niya sana papansinin ang mga malakas na kalabog kundi lang narinig ang magkakasunod na sigaw ng kanyang Mommy. Pagkalabas niya ay nagulat siya sa ayos nito. Tila tumanda ang kanyang ina ng sampung taon. "Anak hurry up! Pack your things, aalis na tayo rito." "Mommy - " Magtatanong pa sana siya ngunit tinalikuran na siya ng ina. Muli ay lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Anong nangyayari? Wala man sa sarili ay inempake niya ang mahahalagang gamit sa maliit na traveling bag. Paglabas niya ay halos hilain siya ng kanyang Mommy pababa ng hagdan. Nasa sasakyan na ang ang kanyang Daddy at hinihintay sila. Nakaupo ito sa tabi ng driver's seat. Nasa backseat sila ng kanyang Mommy nang baybayin nila ang national road. She kept on asking why the hell were they in a hurry at the middle of the night but her mother just pleaded her to keep quite. Napansin din niyang tahimik na lumuluha ang kanyang Mommy. Napaiyak na rin siya. At parang nananadya ang pagkakataon dahil bumuhos na naman ang malakas na ulan. Damn rain! Niyakap siya ng kanyang Mommy at nakatulog sa loob ng mga bisig nito. Nagising siya sa sigaw ng kanyang Daddy. "Turn! Mauro, turn the damned car! Oh sh*t!" Magkakasunod na mura ng kanyang Daddy ang tuluyang nagpagising sa kanya. "Daniel what's happening? Oh don't tell me —" Nabasag ang boses ng kanyang ina. Pumalahaw ito. Nanlaki ang mga mata ni Summer nang makita ang kulay itim na sasakyang nakaharang sa kanilang daanan. Lumabas mula roon ang limang lalaking balot ng kulay itim ang buong katawan at armado ng mga baril. Her heart began to beat erratically. Tila mababasag ang kanyang rib cage sa pagnanais makalabas ng kanyang puso. Putok ng baril, sigawan ng kanyang Mommy at Daddy, at ang malakas na buhos ng ulan ang sumunod na pumailanlang sa katahimikan ng gabi. Wala siyang lubos na maalala nang mga sandaling iyon maliban sa duguang ulo ng kanyang mga magulang at maging ng kanilang driver. She was too shocked and traumatized to cry. Little did she know, umaandar na muli ang sasakyan. Ngunit hindi na sa kanila iyon kundi ang itim na sasakyan kanina. Nasa loob siya ng sasakyan kasama ang mga aramadong mga lalake! The man beside her covered her mouth and nose with a hanky, but it was too late. Sapat na ang malademonyong tawa ng mga ito at ang nasaksihan niyang pagbaril sa mga magulang upang mawalan siya ng malay. PAGMULAT ng mga mata ni Summer ay nasa isang madilim na silid na siya. Rinig niya ang walang humpay na pagbuhos ng ulan. Sumabay na namang muli ang kanyang mga luha. Her parents died! Oh God. Her dear parents. Hindi na halos siya makahinga dahil sa malalakas na paghikbi. Magulo ang pag-iisip niya dahil sa mga nasaksihan at wala siyang magawa kundi umiyak nang umiyak. Noon bumukas ang pinto at bumaha ng liwanag sa buong silid. Noon lang niya naramdamang wala siyang suot na anumang saplot. Nasa ibabaw siya ng kama. At noon din lang niya napansin ang marangyang kasangkapan sa paligid ng silid. Nanginig ang kaniyang katawan habang walang tigil ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Lumapit sa kinaroroonan niya ang isang lalake. Naglalaro sa mukha nito ang ngisi at paghanga. Sinuyod ng mata nito ang kahubdan ni Summer. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang matanawan ang mukha ng lalake. Kilala niya ito. Si Tito Ben, ang kaibigan ng kanyang ama. Senador ito sa kanyang pagkakaalam. Hindi miminsang makita niya ito noong dumadalaw sa kanilang bahay sa Maynila. Umalingawngaw ang nakababaliw nitong halakhak. "Summer Grace." Kinilabutan ang dalaga sa paraan ng pagbigkas nito sa kanyang pangalan. Buong pagnanasang sinuyod nito ng paningin ang kanyang buong katawan. "Beautiful." Hindi makapagsalita si Summer. Gusto niyang murahin ang matandang lalake at tanungin kung anong motibo nito sa lahat ng mga nangyari. Pero nanatiling pipi ang kanyang dila habang patuloy ito sa paglapit. Napasinghap siya nang suklayin nito ang kanyang buhok gamit ang mga daliri. Sumampa ito sa kama. "Hindi ako nagkamali ng desisyon. Bakit ko nga ba sasayangin ang buhay mo hija? Gayong mapakikinabangan ko naman ang napakaganda mong katawan?" Humalakhak na naman ito. "B-bakit mo g-ginagawa i-ito?" Kahit nanginging ang boses ni Summer ay hindi naitago ang galit doon. This man killed her only family. No one's left with her. She felt alone. Namasa muli ang kanyang mga mata. "H'wag muna nating pag-usapan iyan hija. Bakit hindi ka na lang sumayaw para sa akin?" Kinilabutan si Summer. Mamamatay muna siya bago magalaw ng matandang ito. Naging malikot ang kanyang mata. Sa bedside table ay mayroong isang lampshade. Metal ang base niyon at sa tingin niya ay maaantala niya ang matanda. Sapat iyon para makatakbo palayo roon. Mamaya na niya poproblemahin ang mga guwardiya nito sa labas. Bago pa niya nahigit ang lampshade ay idinagan na ng matanda ang katawan sa kanya. Nakulong siya sa ilalim nito. Akma siya nitong hahalikan sa labi ngunit umiwas siya kung kaya't sa pisngi niya dumapo ang labi nito. Nagpumiglas siya at ubod lakas na sumigaw. Ramdam niya ang halik nito sa kanyang leeg. Sunod-sunod ang tulo ng luha sa kanyang mga mata. Saglit siyang tumigil dahil nanghihina na siya. Breakfast pa kahapon ang huli niyang pagkain. Tila wala na siyang lakas pa ngunit kailangan niyang makatakas. Nag-isip siya ng paraan. Humugot siya ng malalim na hininga at saka kinagat ang leeg ng lalake. Dumaing ito sa sakit. Sinamantala iyon ni Summer bago binigyan ng malakas na tuhod ang matigas na parte sa gitna ng katawan nito. Kahit nanghihina ay pinilit niyang tumayo at saka tinakbo ang pinto. Hindi niya mapigilang mapamura dahil nakalock iyon. Hindi niya alam kung paano iyo buksan pero nakita niya ang isang finger print sensor sa may pinto. Nanlumo si Summer. Hindi niya namalayan ang muling pagkabawi ng matanda. Galit na galit ito. Hinila nito ang buhok niya. Wala siyang nagawa kundi sumunod dahil tiyak na mahuhugot ang lahat ng kanyang buhok. Isinalya siya nito sa kama. Akma siyang babangon nang sikmuraan siya ng matanda. Nanghina nang tuluyan si Summer dahil sa sakit. At bago pa siya makabawi muli ay may kung anong iniligay ito sa panyo at saka tinakpan gamit niyon ang kanyang bibig at ilong. Sumigaw siya kahit pa alam niyang kapos na ang kanyang lalamunan. Nagsimulang dumilim ang paligid. MALAKAS na tili at mga sigawan ang nagpamulat sa mata ni Summer. Mukhang nagkakagulo ang paligid. Noong una ay hindi pa siya nakabawi. Nang maramdaman ang malamig na paligid ay saka lang niya naalala ang kahubdan niya at kung nasaan siya. Nanlaki ang kanyang mata nang makita ang isang babaeng may dalang baril at nakatutok kay Benie. "Listen to me honey, put that gun down and I'm gonna explain everything." Gustong masuka ni Summer sa banayad ng tonong gamit ni Benito. "f*****g explain everything! Pasasabugin ko ang ulo mo. Sino ang babaeng yan?" Napasinghap si Summer nang itinutok ng matandang babae ang baril sa kanya. Naalala muli niya ang imahe ng mga magulang habang pinapaulanan ng bala ang katawan ng mga ito. Takot na takot siya. Sinamantala ni Benie ang pagbaling ng asawa nito kay Summer. Inagaw nito ang baril na tagumpay naman nitong nagawa. Nang maagaw ni Benie ang baril sa asawa ay nanggigigil nitong sinampal ang matandang babae. Noon lang niya napansin ang presensiya ng isang babaeng sa tingin ni Summer ay kaedad lang niya. Tumili ito at patakbong dinaluhan ang napasalampak na babae. "Mommy!" "What the heck are you doing here Darlyn?!" Sigaw ni Benie sa anak. "I chased after mommy! Why did you do that to her?" Umiiyak na ani Darlyn na binalingan ng tingin si Summer. Hindi na kailangan pang ipaliwanag ang nasa mukha nito. Tila ito nandidiri, nasusuklam at nanghihilakbot. Binalingan nito ng tingin ang ama. "Who is that girl Daddy? Your mistress? How dare you?" "Don't you speak to me like that Darlyn or we'd both regret what I'll do." "Really Daddy? Paano mo nagagawa ito sa Mommy?" Tila noon lang nito naalala ang ina na binalingan muli nito ng tingin. "A-anak m-my medicine. My chest pains." Tutop ng nakahiga nitong Mommy ang dibdib. "Dad, bring Mommy to the hospital! Oh God!" Hysterical na ani Darlyn. Nanlaki ang mga mata ni Benie. Kahit paano ay nag-alala ito. May sakit sa puso ang babae. Binuhat nito ang asawa at saka dali-daling inilabas ng silid na iyon. Nang mawala ang mga ito ay binalingan ng tingin ni Darlyn si Summer. Humakbang ito patungo sa kama. Ngayon ang dapat na panahon para tumakas ngunit nagulat siya nang padapuan siya ni Darlyn ng sampal sa pisngi. "b***h!" Dinaklit nito ang kanyang buhok. Napadaing siya sa higpit ng mga kamay nito sa hibla ng buhok niya. Nanggigigil ito. "Alam mo bang may sakit sa puso ang Mommy?! Kapag may mangyaring masama sa kanya, tinitiyak ko. Makukulong ka!" Muli siya nitong sinampal. Hindi niya magawang umiyak dahil bukod sa tila namanhid na ang kanyang katawan ay wala naman talaga siyang kasalanan. She endured the pain. Sasabihin niya rito ang katotoohanan. Bumuka ang bibig niya upang magsalita ngunit naagaw ng pansin nila ang pagpasok ng isang lalake. Bahagya lang siyang dinaanan ng tingin nito. Napakunot noo ito nang mahalata ang kanyang kahubadan sa ilalim ng kumot. "Oh Sid!" Patakbong niyakap ni Darlyn ang lalake. Umiyak ang dalaga sa dibdib ng binata. "Hush darling. What happened." Hinagod ng lalake ang likod ni Darlyn habang ang mga mata ay matiim na nakatingin sa babaeng nasa ibabaw ng kama. Si Summer naman ay walang minutong inaksaya. Dinampot niya ang mga saplot na nagkalat sa sahig at nagmamadaling isinuot. Wala na siyang pakialam kung hindi akma ang pagkakasuot niya. Namataan niya ang baril di kalayuan sa gilid ng kama. Nanginig ang kanyang kamay sa naisip. It's now or never. Buong tapang niyang dinampot iyon at saka itinutok sa dalawa. "Put that gun down, you're crazy!" Sigaw ng lalake. Nabigla si Darlyn at napalingon sa kanya. "Tumalikod kayo. Talikod!" Utos niya sa mga ito. Napahinga siya ng malalim nang sumunod ang mga ito. Lumabas siya sa silid na iyon habang dahan-dahang sinusundan ang mga ito ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makalabas. Nang makalayo ay nagpaputok siya sa may pinto at saka nagtago sa malaking antigong banga. Nagsitakbuhan sa kuwarto ang mga guwardiya ni Benie. Sinamantala niya iyon at dali-daling tinakbo ang exit. May guwardiya muli. Kung hindi siya makakaisip ng paraan ay tiyak na mahahabol siya ng mga nailigaw niya kanina. Umusal siya ng patawad sa itaas at saka lumapit sa nakatalikod na guwardiya. May kausap ito sa telepono. "Sige po sir." Ibinaba nito ang telepono. Bago pa ito makapihit paharap sa kanya ay ipinutok na niya ang baril sa may hita nito. Napasigaw ito sa sakit. Noon siya nagpasalamat at isa siyang atleta. She was a volleyball player. Malakas ang kanyang istamina dahilan upang makatakbo ng mabilis nang hindi agad napapagod. Tinawid niya ang kalsada at sinikap na ikubli ang sarili sa mga nakaparking na sasakyan. Nakita niya mula sa pinagtataguan ang mga tauhan ni Benie na naghiwalay sa magkabilang daan, ngunit walang tumawid ng kalsada. Nakita niya ang van sa 'di kalayuan. Mukhang biyahero. Bumaba ang driver niyon at saka nagkubli sa may poste upang umihi. Mukhang mag-isa lamang nito. Nag-alangan siya sa plano dahil kung susumahin, bago pa siya makapasok sa loob ng sasakyan ay matatapos na ito sa pag-ihi. Ngunit nang pagtapos umihi at saka dinukot ang cellphone sa bulsa ng pantalon nito at mukhang may tatawagan ay hindi na siya nag alangan. Nagpasalamat siya dahil bukas ang side door ng sasakyan. Sa may pinakalikod siya nagtago at pilit pinagkasya ang sarili sa ilalim. Hindi na niya isinara ng mabuti ang sasakyan dahil tiyak na makakagawa iyon ng ingay. Kumabog ang dibdib niya nang pumasok ang driver sa sasakyan at saka iyon pinaandar. Nakaidlip siya ng bahagya. Nang magising ay may kaunting liwanag siyang naaninag. Mag-uumaga na. Pinakiramdaman niya ang paligid. Tahimik. Mukhang nakapark na ang sasakyan. Nang sumilip siya sa bintana ay napag-alaman niyang nakapark iyon sa harap ng isang department store. Dali-dali siyang lumabas at inilock ang sasakyan bago iyon isinara muli. Ang mga nakakita sa kanya ay hindi nagtaka dahil umakto siyang natural lang ang lahat. Malayo ang nilakad niya bago nakita ang isang karinderya na halatang kabubukas pa lamang. Ang balak niya, kapag tapos nang kumain ay saka siya tatakbo at bahala na kung saan siya dadalhin ng paa. Ngunit hindi naman niya alam na sa kalagitnaan ng pagkain ay sisingilin siya ng tindera. Nagtaka marahil ito dahil napansing baliktad ang kanyang shorts at nasa labas ang puting bulsa na halatang walang laman. Ipinahiya siya nito sa lahat. Mabuti na lamang at may isang matandang babae ang nagmagandang loob. Siguro ay naawa sa hitsura niyang halos umiyak na. Nagtanong ang matanda at inakusahan siyang naglayas sa bahay nila. Ganon daw kasi ang karaniwan sa mga kabataan ngayon. Sinabi niya ritong namatay ang kanyang mga magulang. Hindi na ito nagtanong kung ano ang kinamatay ng mga ito at ng kung ano-ano, bagay na ipinagapasalamat niya. "Sasama na lang po ako sa inyo Lola, sige na po. Kupkupin niyo na ako." Namasa ang mga mata ni Summer. "Kahit ako na po lahat ang gumawa sa mga gawaing bahay, basta po patuluyin niyo ako. Wala na po akong matutuluyan." "Ha?" Napangiwi ang matanda. "Wala ka bang ibang kamag-anak hija?" Naisip niya ang kanyang Tita Irene, ang kapatid ng kanyang Mommy. Ngunit nasa Texas ito. Gustuhin man niyang tawagan ito ay wala siyang pera. Saka na lang pag nagkaroon siya. "W-wala na po Lola. Ako na lang po mag-isa." Tila naawa naman ang matanda. "Hindi ka naman siguro masamang tao ano?" "Hindi po." Todo iling si Summer. "Nagawa ko lang po iyong kanina dahil gutom na gutom na ako." Nakakaunawang napangiti ang matanda. "Oh siya, isasama kita." Nagliwanag ang mukha ni Summer. Nayakap niya ang matanda. "Oh, hinay hinay lang. 'Pag tinanong ka sa pupuntahan natin, ang sabihin mo ay malayong kamag-anak kita ha?" "Opo Lola!" Napaiyak si Summer sa kaligayahan. "Ano palang pangalan mo?" Hindi niya gustong magsinungaling sa matanda dahil tinulungan sita nito at malaking tulong ang gagawin nitong pagapapatuloy sa kanya. Pero inisip niya ang kaligtasan. Sa huli ay napagdesisyonan niyang ibaon muna sa limot si Summer Grace. Ano nga bang pangalan niya? Naisip niya ang kanyang Yaya. Magmula bata siya hanggang sa tumuntong ng high school ay ito ang nag-alaga sa kanya. Nang makapag-asawa ito at magkaanak ay saka nagpaalam sa serbisyo. Ang huling balita niya ay nag-abroad na ang kanyang Yaya Agnes. "A-Agnes po. Agnes po ang pangalan ko." Tipid niyang nginitian ang matanda. "Kayo po, anong pangalan niyo?" "Cecilia ang pangalan ko ineng, pero ang tawag nilang lahat sa akin ay Nana Selya." "Nana Selya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD