Present
"Welcome Home Summer!"
Nakasulat ang mga katagang iyon sa bungad ng mansiyon ni Irene Rawlins, kapatid ng kaniyang yumaong ina. Napangiti nang kusa si Summer at saka ibinaba ang kaniyang shades.
Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng kinatatayuan ni Irene ay hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ni Deo, ang driver. Pagkababa niya ay sinalubong siya ng yakap ng kaniyang tiyahin.
Ibinaba ni Deo ang kaniyang maleta at nagbilin si Irene na dalhin ang iba pang gamit sa kaniyang kuwarto.
"Hija how's your flight?" Tanong ni Irene habang inaakay siya papasok sa bahay.
"As usual tita, nakakapagod. Parang gusto kong matulog ng limang araw."
Umalingawngaw ang halakhak ni Irene sa loob ng bahay. Sinalubong sila ng isang kasambahay at saka kinuha ang kaniyang bag. Dinala nito iyon paakyat sa kaniyang kuwarto.
"I missed your humor my niece. And oh, let me congratulate you in person hija. Sa video call lang kita nabati. Alam mo naman busy ang tita mo, hindi ako nakapunta."
Nakarating sila sa hapagkainan. Agad sinalinan ni Summer ang baso ng malamig na tubig mula sa babasaging pitsel. Hindi siya kumain sa eroplano dahil natulog lang siya sa natitirang mga oras sa himpapawid.
Kaya ngayon ay gusto niyang kalimutan ang body figure at kumain ng kumain. Special request niya sa tiyahin ang mga putaheng nakahain sa hapag.
Ang mga favorite niyang adobong atay, dinakdakan, bulalo, kare-kare, binagoongan, bagnet at ang hindi mawawalang leche flan.
"Naku ayos lang 'yon tita. Ang importante ay nakapagtapos na ako at finally, nakauwi na ako."
"Oo nga. I've been waiting for this moment hija. Alam mo naman, tumatanda na ako. Kailangan ko ng kahalili sa mga business ko."
"I know that tita. And I promise you, I will not fail you."
"Thank you." Buong tamis na ani Irene sa pamangkin.
Nang magsimulang magserve ang kasambahay ng mga pagkain ay saka sila ulit nagkuwentuhan. Hanggang sa matapos kumain ay walang tigil sa pagkamusta si Irene sa kanya. Halatang sabik itong nakauwi na siya.
Siya rin naman. Simula nang mastroke ito two years ago ay pinayuhan ito ng doktor na huwag nang magtrabaho ng mga mabibigat. That included the security agency that was built by her late husband, George Rawlins.
Retired navy ang napangasawa ng kaniyang tiyahin. Nang makapagretiro ay sinanay nito ang kaniyang tiyahin upang humawak ng business. Irene never knew that was the sign.
May lung cancer pala si George at nang makita marahil nitong gamay na ni Irene ang pamamalakad sa business ay saka ito pumanaw. Mayroong anak si George sa unang asawa nito ayon sa kanyang tita Irene.
Mabuti naman daw ang pakitutungo nito kay Irene bagama't hindi nito kasundo ang ama. Isa marahil iyon sa mga dahilan kung bakit hindi na ito naghabol sa mga ariarian ni George.
Nang mga panahong iyon dumating si Summer sa buhay ni Irene. Sobrang busy noon ng kanyang tita kaya't ipinakuha na lang siya nito sa isang tauhan nito papunta sa Turkey.
As usual, inulan siya nito ng napakaraming katanungan. Things like what happened to her parents and how she'd been through.
Isinalaysay niya ang buong pangyayari sa kanyang tita. Magmula nang malulong ang magulang sa bisyo, hanggang sa namasukan siyang katulong.
She skipped some event of her life though. Ang bahaging iyon ay hindi na dapat pang ungkatin, mananatili na lang kahapon sa sulok ng kanyang puso.
Her aunt got mad and was furious as hell as she'd learned what happened to her and the death of her parents. Babalik sila dapat noon dito sa Pilipinas upang maningil ng hustisya ngunit hindi natuloy nang kumalat sa pahayagang si Benito ay patay na.
May sakit daw ito, bagay na hindi na mahalaga para kay Summer na malaman pa. Ang hindi matanggap ni Summer ay kamatayan nito ang naging hustisya sa lahat ng ginawa ni Benito sa pamilya niya.
Dapat sana ay nabulok muna ito sa kulungan. Dapat ay naranasan nito ang impyerno. It took her months to surpass all the emotional pain, nightmares, and even her heartache that was yet untold.
Her aunt hired a counselor to help Summer recover. Nang maging maayos ang lahat ay saka siya pinag-aral ng kaniyang tita. Nasa third year college siya nang mastroke ito.
Labag man sa loob ni Irene ay binitawan nito ang negosyo ng asawa. Ibinenta nito lahat ng shares sa pinsan ni George at saka umuwi sa Pilipinas. Naiwan si Summer upang ipagpatuloy ang pag-aaral.
Si Irene naman ay nagtayo ng panibagong negosyo sa Pilipinas na nuong una ay tinutulan niya. Ayon dito ay mas lalo lang mapapadali ang buhay nito kung naroroon lang ito sa mansiyon.
Mabuti na raw iyong habang abala ito ay nalilibang din. Salon ang negosyong napili nito na kalaunan ay umunlad at nadagdagan ng spa. Katuwang ang kumare nitong si Patricia ay naging tanyag sa Quezon City ang salon.
Nagkaroon na rin ito ng branch at mga franchise sa mga malls at ibang lugar within Metro Manila. Target din nina Patricia na magpafranchise sa Visayas at Mindanao.
Ngayon ay hindi lang mga artista kundi kilalang personalidad gaya ng asawa ng mga politiko ang customer nina Irene. Kaya naman pag-uwi niya, inaasahan nitong siya ang mamamalakad sa ibang branch ng salon. Hindi pa man siya nag-uumpisa ay excited na siya.
Nang matapos sa pagkain ay hinayaan na siya ni Irene na umakyat sa sariling silid at nang makapagpahinga. She dipped her body in a warm milk bath before burying it on the soft matress of her bed. Wala pang dalawang minuto ay nilamon na siya ng antok at tuluyang naibaon sa pagkakatulog.
"WAKE up big man!"
Mahinang napaungol si Sid. Awtomatikong napamulat ang kaniyang mata at sa nanlalabo pang paningin ay nabungaran niya ang pamilyar na pigura. He blinked twice before he'd confirmed it was Darlyn.
Nakapameywang ito at naniningkit ang mga matang nakatayo sa harap niya.
"My gosh! What are you dreaming about at this very hour?" Tinignan nito ang oras sa wristwatch. "Alas dos ng hapon?!"
"Hey hey hey! Ang aga aga putak ka ng putak."
"Anong—" Imbis na mainis ay napahaglpak ng tawa si Darlyn. "Walang hiya ka talaga. I hate you!"
Napuno ng halakhak nilang dalawa ang kuwarto. Kinuha ni Darlyn ang unan atsaka hinampas-hampas si Sid. Nahawakan ni Sid ang pulsuhan ng dalaga atsaka ito hinila.
Nang mapasalampak si Darlyn sa kama ay mahigpit niyang ipinulupot ang mga braso sa katawan nito upang hindi makatakas. Pinagulong niya ang kanilang katawan atsaka ito kiniliti sa tagiliran.
Halos mamatay si Darlyn sa katatawa. Nang halos umiyak na ito ay saka niya tinantanan.
"You really are a freak!"
"Shut up. That's what you get for waking me up."
"Aba! Kasalanan ko pa." Tumayo si Darlyn atsaka inayos ang sarili.
Lihim na pinagmasdan ni Sid ang kababata. High school pa lang sila ay crush na niya ito. Pero alam niya sa sarili, hanggang doon lang iyon.
Binalak niyang ligawan ito noon pero hindi niya maatim na sirain ang pagkakaibigan nilang dalawa. Sigurado siya, kapag niligawan niya ito at dumating ang araw na makipagkalas ang isa sa isa, doon na rin magtatapos ang pagkakaibigan nilang dalawa.
"Anong masamang hangin pala ang nagdala sa'yo rito?" Tumayo na rin si Sid at saka kinuha ang tuwalya sa walk in closet.
"Oh come on! Wala ka naman sigurong amnesia para makalimutan mong engagement party ni Dani ngayong gabi hindi ba?"
"Oh yeah? What about that?" Maang-maangang ani Sid.
Sa totoo lang ay nakalimutan niya talaga ang tungkol doon. Mabuti na lang ay pinuntahan siya ni Darlyn sa condo dahil kung hindi ay plano talaga niyang matulog maghapon.
"Shut up. Take a bath, get dressed and I'll wait for you outside. No buts, no excuses, you promised me sasamahan mo ako sa salon."
Balak tumanggi ni Sid ngunit minataan siya ni Darlyn. Ginawan siya nito ng pabor noong nakaraang busy siya dahil sa sunod-sunod na board meeting. Ito ang tumao sa condo niya at nagpakain kay Rio, ang alaga niyang aso.
Kapalit non ay sasamahan niya ito sa salon at siya rin ang magiging date nito sa engagement party ng bestfriend nitong si Danielle. Wala na siyang panahong tumanggi noon dahil nga busy kaya um-oo na siya.
"Okay okay just... stop barking." Pang-aasar muli ni Sid.
"Che!" Kunwari ay padabog na isinara ni Darlyn ang pinto nang makalabas.
Nang makapaligo at makapagpalit si Sid ay saka sila magkasabay na bumaba sa parking lot. Malaya siya ngayon dahil kinuha ni Apple si Rio sa mansiyon. Mamaya ay dadaanan niya ito bago bumalik sa condo, o kung hindi ay doon na siya matutulog tutal naman ay linggo bukas.
"I don't understand you girls. Maayos pa naman yang buhok mo pero bakit kailangan pang magpasalon." Himutok ni Sid habang kasagsagan ng pagdadrive.
"Hindi lang naman buhok ang ipapaayos ko no. I need my nails polished atsaka kailangan ko rin ng footspa. Ikaw rin kaya, siguradong magugustuhan mo ang footspa service nila doon."
"We'll see."
"No, no, no. Sa ayaw mo't sa gusto ay susubukan mo."
"Na para bang may choice pa ako?" Binalingan ni Sid si Darlyn. Tinampal nito ang pisngi niya saka niya ibinalik ang atensiyon sa daan.
"'Wag ka nga. Baka kapag nasubukan mo ay malaman-laman kong isa ka na rin sa mga loyal customers doon." Napahagikhik si Darlyn.
"Tssss."
Nakarating sila sa salon. The shop was plaeasant and fine. Maraming customers pero sa laki ng area, sigurado siyang maa-accommodate silang lahat.
Tinted ang salamin sa harap at sa taas nito ay ang LED board na nagsasaad ng pangalan at tagline ng salon. It read, Summer's. Ibinaba niya si Darlyn sa harap ng shop.
"Mauna na ako, mapapareserve na rin ako ng para sa'yo." Ani Darlyn.
"Okay, ipapark ko lang to at susunod na rin ako."
"See yah!"
Napapailing na naghanap ng bakanteng espasyo sa parking lot si Sid. Nang maipark ang sasakyan at masiguradong nakalock lahat ng bintana at pinto ay saka niya iniwan ang sasakyan.
He was about to turn right, where the entrance was heading when he heard moans. Of course it was different from what he usually heard. Parang nahihirapan ang kung sinomang umuungol na iyon.
Then he realized it came from a car near him. Doon niya nakita ang isang ginang, in her early sixties. Sapo nito ang dibdib at tila nahihirapang huminga. Agad na nilapitan ni Sid ang ginang.
"Ma'am, how are you?" Pormal na ani Sid.
Umaangat ang mukha ng matanda. The old woman was beautiful. Bagama't halata ang ilang linya sa mukha ay litaw pa rin ang kagandahang taglay nito.
Nahirapan itong magsalita pero kahit papaano ay naintindihan naman niya ang ilang sinabi nito. Nagpapakuha ito ng gamot sa compartment.
Binuksan niya ang pinto ng passenger's seat at saka kinuha ang gamot nito sa compartment. The old woman hurriedly took the medicine and swallowed. Ilang malalalim na hininga ang ginawa nito and it was as if a miracle that she began to breathe normally.
"Oh my god, I thought that was my ending." Anito pagkaraan ng ilang sandali.
"Bakit mag-isa lang po kayong lumalabas? Paano kung hindi ako dumaan kanina? Wala po ba kayong anak, kasama o kahit na sinong pwedeng umalalay sa inyo?"
Napatingin ang ginang sa kanya. Sa halip na sumagot sa mga tanong niya ay sumilay sa mukha nito ang isang ngiti. Kumunot ang noo ni Sid.
"You sounded like a son to his mother hijo and I appreciate it, really." A sincere smile plastered on her face.
"I also have a mother, ma'am. At hindi ko hinahayaang lumabas siya ng walang kasama."
Nawala ang ngiti ng matandang babae. Binagabag naman ang dibdib ni Sid. "Did I say something wrong, ma'am?"
"No, hijo. I-it's just that I didn't have the chance to carry life in my womb." Bumalatay ang lungkot sa mukha ng matandang babae.
"Sorry to hear that." Nginitian ni Sid ang ginang. Nang ngumiti rin ito ay saka siya sumeryoso. "Wala ba talaga kayong kahit kamag-anak o kasama man lang?"
"Oh, I have a niece and -"
"Then please tell her to be responsible enough. Delikado kung mag-isa lang kayong lumalabas." Maawtorisadong ani Sid. Samantala, nagpakawala ng amused na expresyon sa mukha ang matanda. She somehow, liked this young man.
"Yes, but she still needs to rest so that's why she couldn't accompany me right now." Depensa ng matandang babae.
Hindi kumbinsido si Sid. Mababaw na rason iyon. Alam ng kung sinomang pamangkin nito na may iniindang sakit ang ginang at dapat ay siguraduhin nitong may kasama itong lumalabas.
The woman was irresponsible. He may seemed to be unfair but his heart went out for this old woman. Muntik nang nailagay sa alanganin ang buhay nito.
Ang mga nasa isip ay hindi isinatinig ni Sid ngunit parang tubig sa batis na nabasa ng matandang babae ang kaniyang iniisip.
"Oh don't worry hijo. I'm fine, really. And don't blame my niece for this because I tell you now, she is the only reason left why until this very second of my life, I'm still breathing."
"She is lucky." Sid felt warmth in his heart he couldn't explain why. Maybe it was the sincerity of this old woman which made him felt her love to this niece of hers. She was indeed lucky.
"No, I am lucky because she makes me proud and happy."
"It is good to have your company and talk about life ma'am." Mataktikang tinignan ni Sid ang wristwatch. "But my friend is waiting for me and if you don't mind, I have to go."
Noon parang natauhan ang matanda. Napalingon pa ito sa may daan papunta sa entrance. Tingin ni Sid ay magpapaayos din ang matanda.
Tulad ni Darlyn ay wala naman siyang nakikitang diperensiya sa hitsura ng ginang ngunit nagpupunta pa rin sa lugar na kagaya nito. And to think na muntik pang mapahamak ang matanda!
"Sa salon din ba ang tungo mo hijo?"
"Yes ma'am."
"Can you please stop being too formal? Just call me Tita Irene. Everyone here calls me that."
Napaangat ang kilay ni Sid. Katulad marahil ni Darlyn ay regular customer din ito dahil ayun dito ay kilala na ito ng lahat.
"Tita Irene, then."
"Good. Okay let's go."
Nauna ang matanda sa kanya. Napapailing na lang si Sid. Parang walang nangyari rito kanina. Nang makapasok sila ay binati ito ng mga empleyado.
VIP ang dating dahil ang iba sa mga staff ay niyukuran pa ang matandang babae. Mukhang kilala nga ito roon. Samantala ay hindi pinansin ni Sid ang bulungan ng ilang kababaihan pagkapasok niya.
He can recognize his charm but it exuded from him unintentionally, effortlessly, and naturally. Sinalubong siya ni Darlyn. Natigil ang bulungan nang ikawit nito ang braso sa braso niya.
"Hey! What took you so long?" Tanong sa kanya ng babae.
"May tinulungan lang akong matandang babae kanina."
"Good samaritan aren't we? Let's go" Natatawang anito atsaka siya inakay papunta sa itaas kung nasaan ang rooms for footspa. Nasa paanan sila ng hagdan nang harangin sila ng isang staff. Maaliwalas ang ngiti nito sa kanila.
"Ma'am and sir, this way heads to the room of our full body spa. I am Jenny and I am pleased to serve you."
Nangunot ang noo nilang dalawa.
"Wait miss pero wala sa package na pinili ko ang sinabi mo. I guess there are some misunderstandings here?" Ani Darlyn.
"I am a hundred percent sure ma'am there is no misunderstanding because our boss instructed us to add full body spa to your package as her gratitude for you, sir. She said you saved her life." Binalingan ng staff si Sid.
"Oh! She was your boss? You mean tita Irene?" Disbelief contoured Sid's face.
"One of our bosses." Maaliwalas ang ngiting kumpirma ng staff.
"Siya yong sinabi mong tinulungan mo?" Bulong ni Darlyn.
"Right."
Nakarinig siya ng mahabang 'oh' mula kay Darlyn. Binalingan ni Sid ang staff. "Please tell your boss my gratitude."
"Makakarating po sir. Please follow me." Tumalikod ang babae at saka naglakad pakaliwa mula sa paanan ng hagdan.
"This is great! Free spa is so fab!" Pabulong na tili ni Darlyn atsaka excited na sumunod sa staff.
"Women." Pailing-iling na sinundan ni Sid ang kababata.