"Alright son. Can't wait. Okay, okay. Sure, okay bye." Ibinaba ni Irene ang telepono sa cradle nito atsaka tumalikod. Nabungaran nito si Summer na pababa sa hagdan. "Good morning sunshine!"
"Good morning tita. Who just called?" Bineso niya ang tiyahin atsaka sila magkapanabay na naglakad patungo sa dining room kung saan nakahain na ang umagahan.
Hinihintay ni Irene si Summer na bumaba nang tumunog ang telepono.
"Oh! That's what I'm going to tell you now hija." Summer felt the excitement within her aunt's voice. "It was Terrence. He told me he wants to take his vacation here in the Philippines."
"That's good." Napangiti nang maluwag si Summer.
Terrence Rawlins, her aunt Irene's stepson. Malayo ang loob nito sa ama ngunit hindi naging hadlang upang maging malapit sa kanyang tita.
Well, she couldn't blame her aunt Irene for being such sweet and caring. Siguro ay naramdaman ni Terrence dito ang pagkalinga ng isang inang kailanman ay hindi nito naramdaman.
Three years old pa lang kasi ito ay naghiwalay na ang mga magulang. Iniwan ito sa piling ng ama na hindi naman mapirmi sa bahay dahil nga nagtatrabaho sa navy.
Isang beses lang niyang nakita ito nang personal at iyon ay noong maospital pa ang kanyang tita Irene kaya't hindi pa niya ito nakikilala nang lubusan. Ang pag-uwi nito ay isang pagkakataon upang makilala niya nang tuluyan ang lalaking madalas na ipagmalaki sa kanya ng kanyang tita Irene.
"Finally, makikilala mo na rin siya hija. I'm sure magugustuhan mo ang batang iyon."
May kakaibang ngiti ang sumilay sa labi ng kaniyang tiyahin. Ewan ni Summer pero wala siyang naramdamang pagkailang.
"Sa pagkakangiti niyo tita ay parang makakasundo ko nga talaga siya." Summer chuckled. Isinubo niya ang lettuce mula sa kanyang salad bowl.
"Terrence will like you too, I'm sure of that." Hindi nawala ang kakaibang ngiti sa mukha ni Irene. "Oh I can't really wait." Nagkibit-balikat na lang si Summer at hindi mapigilang mapangiti.
Tuwing ikinukuwento sa kanya ng tiyahin ang lalaking iyon ay hindi pwedeng makaligtaan nitong sabihing magugustuhan niya ito at gayundin ito sa kanya kapag nagkatagpo sila. Kung minsan ay ngingitian niya lang iyon at kung minsan naman ay sinasakyan na lang niya.
"By the way tita kailan po ako mag-uumpisa?" Tanong ni Summer matapos sumimsim ng fresh juice mula sa baso.
"Anytime hija. Kung gusto mo munang magpahinga, there is no problem." Nginitian siya nito ng buong tamis.
"I want to start by tomorrow tita. Mag-oobserve muna ako ngayong araw, sasabay na ako sa inyo."
"Sige, ipapahanda ko na kay Deo ang kotse." Tumayo na si Irene. "Oh wait, aren't you going to drive your own wheels?"
"I don't think I can drive right now tita. Bukas na lang siguro."
"All right sunshine."
Tumayo na rin si Summer at saka umakyat sa kaniyang kuwarto upang magretouch. Nakabihis na siya nang makababa. Balak talaga niyang sumabay ngayon sa kaniyang tita Irene para makapag-observe at matutunan kahit papaano ang pasikot-sikot ng partikular na business na iyon.
Well, may background knowledge naman siya sa salon dahil ito ang ginawa niyang subject ng kanyang thesis noong college.
Binuksan ni Summer ang walk in closet atsaka hinawi ang mga dress na nakahanger. Matagal na ring hindi niya nagagamit ang iba sa mga iyon dahil bago ang halos lahat nang ginagamit niya roon sa Texas.
Natigilan si Summer nang paghawi niya ay bumungad sa kanya ang isang partikular na dress. Kulay pula iyong chinese-inspired ang pagkakadesign. Mayroong kung anong emosyon ang binuhay niyon sa kaniyang dibdib. Something like a longing feeling to a friend.
How could she forget her? Ang dress na iyon ay bigay sa kanya ni Kirsten. Kamusta na kaya ito at si Hunter? Ang huling balita niya ay ikinasal muli ang mga ito sa unang anibersaryo ng kasal ng mga ito.
Nang kupkupin siya ni nana Selya ay isinama siya nito sa pinapasukan nitong bahay ng isang mayamang businessman, si Hunter. Mayordoma ang matanda at kahit hindi siya sanay ay pinasok niya ang pagiging kasambahay.
Hindi maayos ang samahan ni Hunter at nang asawa nitong si Kirsten nang tahimik at lihim lisanin niya ang mansiyon dahil sa isang pangyayaring naging daan naman ng pagtatagpo nila ng tiyahing si Irene. Ngunit balita niya ngayo'y maayos na ang dalawa.
One of these days, she would try to find a way to reach out to them. Pati si nana Selya ay namimiss na rin niya. Naroon pa rin kaya ito kina Kirsten at Hunter?
Hindi namalayan ni Summer ang pamamasa ng kaniyang mga mata. Hindi siya makapaniwalang bukod sa kaniyang magulang ay may mga taong labis pa siyang pinangungulilaan.
Noon tila kidlat na kumudlit ang larawan ng isang mukha sa kaniyang isip. A face she hadn't even forgotten since that day when her heart was broken into pieces.
Laman ito ng kaniyang mga panaginip. Ayaw man niyang aminin ngunit higit sa lahat, ito ang taong pinakapinangungulilaan niya.
Mabilis na ibinalik ni Summer ang dress sa loob atsaka kinuha ang isang kulay cream na dress. Hindi niya akalaing sa isang dress lang ay makakaramdam siya agad ng kung anong mabigat na emosyon sa kaniyang dibdib.
Noon lang niya namalayang mayroong luhang tumulo sa kaniyang mata. At kahit pigilan niya ay kusa iyong nalaglag. Hindi mapipigilan, tulad din ng kahapong parang patak ng luhang umagos sa kaniyang alaala.
ABOUT FIVE YEARS AGO...
"Kamusta ang biyahe niyo Agnes?" Tanong ni nana Selya sa walang-imik na dalaga.
Kagagaling nila sa Palawan. Gabi na at naroon sila sa maid's quarter, namamahinga. Hindi man lang narinig ni nana Selya ang boses ni Agnes mula nang dumating sila.
"Nana Selya. Ipaglalaban niyo pa rin po ba ang pag-ibig niyo sa isang tao kahit alam niyong hindi maaari?" Sa halip na sagutin ang tanong ng matanda ay iyon ang lumabas sa bibig ni Agnes.
"Ano bang pinagsasasabi mong bata ka?" Kunot-noong tanong ni nana Selya. May kakaiba nga sa batang ito.
"Wala nana Selya. Magpahinga na po kayo." Bumangon si Agnes.
"O, saan ka pupunta?"
"Magpapahangin lang po."
Walang nagawa ang matanda kundi itulog na lang ang pagtataka. Samantala, si Agnes ay dumiretso sa kusina upang kumuha ng tubig.
Binabagabag ni Sid ang kanyang isip. Hindi siya naaalala ng lalaki, bagay na ipinagpapasalamat niya. Noong nakaraang buwan pa niya alam na darating ang mga pinsan ni Hunter.
Ang hindi niya inaasahan, ang isa pala sa mga pinsan ng amo ay ang parehong lalaking nakita niya kasama ang anak ng taong sumira sa buong pagkatao niya. Hindi niya alam kung totoong hindi siya nito naaalala ngunit ang sigurado siya, nakatatak na ang mukha nito sa isip niya.
At ngayon ay hindi lang ang bahaging iyon ng pagkatao niya ang binuhay ni Sid kundi pati ang isang bahagi sa kanyang puso. Alam niyang mali, ngunit isa siyang bato kung sasabihin niyang wala siyang nararamdaman sa mga ikinikilos ng lalaki.
Hirap na hirap pa naman siyang baguhin ang kilos lalo na sa harap ni Sid. Kailangan niyang kalimutang siya si Summer Grace, lalo na't tila lumiliit ang mundo para sa kanya.
Ngayong nag-iisa siya ay nailalabas niya ang tunay na kilos, iyong hindi aral at pilit. Simula nang mamasukan siya sa bahay na ito ay pinag-aralan niyang kumilos na akma sa bago na niyang buhay.
Ngunit kung minsan ay hindi niya mapigilang kumilos ng siya talaga na madalas mapansin ng kaniyang sir Hunter. Alam ni Agnes iyon ngunit nagpapasalamat siya dahil hindi siya nito sinisita.
Hindi na niya binuksan ang ilaw sa kusina dahil tumatagos naman ang liwanag mula sa labas ng bahay. Sapat na iyon para makita niya ang pagsalin ng tubig sa pitsel. She was about to drink the water when she saw a bottle of wine on the table near her.
It was half-empty. Pinakiramdaman niya ang paligid. Walang tao. Kinuha niya ang bote ng wine atsaka binuksan. Itinapon ang tubig mula sa hawak niyang baso atskaa sinalinan ng wine. Sinimsim niya ang laman niyon.
"Goodness! I missed this." Bahagya pang napangiwi si Agnes dahil sa aftermath ng kaniyang ininom.
"You missed what?"
Sa gulat ay puma-ere ang baso ng ininuman ni Agnes. Mabuti na lamang ay nasalo rin niya iyon at saka marahas na inilapag sa mesa. Humihingal siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo sa kaniyang ulo.
"What do you think are you doing—" mabilis pa sa kidlat na tinutop ni Agnes ang bibig dahil sa diretsong Ingles na nanulas sa kanyang dila.
"So. Shouldn't I be the one asking that question?" Nang-uuyam ang boses ni Sid habang unti-unting humahakbang papalapit sa kanya.
"Sid."
"Agnes. Bakit parang takot na takot ka? Are you scared of me?"
"No—I mean hindi." Unti-unting umaatras si Agnes.
"Who are you, Agnes? Huh?"
Naramdaman ni Agnes ang refrigerator sa kanyang likod. Naisip niyang tumakbo na lang pero magmumukha siyang gaga.
Nanatili siya sa kinatatayuan hanggang sa makulong nang itukod ni Sid ang dalawang kamay sa refrigerator. Nagmistula siyang bilanggo habang walang patid sa pagdagundong ang kanyang puso.
"I don't know if I was the only one who thinks about you hiding something."
Sid's breath fanning her face hypnotized the hell out of her. Wala siyang nagawa kundi tumitig sa namamasa nitong mga labi.
"Sino ka ba talaga?"
"Sid."
"Stop uttering my name love or we'd both regret what I might gonna do." Bumaba ang mata ni Sid sa kaniyang labi. She saw his Adam's apple moved upwards and down.
"P-please let me go."
Tinitigan siya ng lalaki. Maya-maya pa ay tumalikod na ito atsaka sinalinan ang basong inilapag niya sa mesa. Inisang-lagok nito ang alak habang matiim siyang tinititigan.
If she was a block of ice, then she must be melting that moment. Ang intensidad na galing sa mata nito ay tila isang laser beam.
"I am also considering, you look very familiar. I am sure I've seen you somewhere." Permanente ang kunot sa noo ni Sid.
"Hindi pa kita nakakatagpo, Sid. At tungkol sa sinabi mo kanina, wala akong itinatago." Hndi alam ni Agnes kung saan niya kinuha ang lakas ng loob para sabihin iyon.
"Siguraduhin mo."
Naningkit ang mga mata ni Agnes. "Excuse me? Kung makapagsalita ka parang hawak mo ako sa leeg."
Sid chuckled. He was cute all right. But she wouldn't tolerate this man for treating her like she was his slave.
"Easy love, hindi yan ang intensiyon ko."
"And will you please stop calling me love?" Agnes gritted her teeth.
"Wait, ano bang gusto mo? Sweetheart? No. Let's leave that to Hunter and Kirsten." Sid's eyes were glittered with amusement.
Hindi alam ni Agnes kung saan nanggaling ang kagustuhan niyang haplusin ang mukha nito at ikulong sa kaniyang palad.
"Uuwi ako bukas sa Laguna, Agnes." Maya-maya ay anitong tila walang nangyari.
"So?" Gusto niyang itanong kung bakit sinasabi nito sa kaniya ang bagay na iyon ngunit iyon ang lumabas sa kaniyang labi.
"Isasama kita."
Eksaheradanag napalingon si Agnes kay Sid. Ang mukha nito ay puno ng buong kasiguraduhan at hindi niya ito nagustuhan.
Kung makapagsalita ito ay tila siya alipin na wala nang magagawa kundi sumunod sa lahat ng naisin nito. Well, she's Agnes right now but she's also Summer Grace and no one treats her like that.
"No. Hindi ako sasama sa kahit na sino. Hindi ako aalis." Itinaas ni Summer ang kaniyang mukha.
"Naipaalam na kita kay Hunter kaya sasama ka sa akin sa ayaw mo at sa gusto."
Her nose flared in anger. "Damn you."
"Pack your things. One week kang mananatili roon. Pagkatapos, ibabalik kita. Kumpleto at walang kulang." Nang-aasar na ani Sid. Si Summer ay kulang na lang at magbabaga na sa inis.
"Over my dead body!"
Tumalikod si Summer matapos sabihin iyon sa harap ng pagmumukha ni Sid. As she was about to turn, he pulled her arm and her body bounced back into his. Ikinulong siya nito sa mala-bakal nitong katawan. There was no possible way to escape.
"I have no single idea who you really are. You act differently and too far from being a maid. If only I could snatch you from Hunter and make you mine." His voice husky, intimidating and too hot to handle.
"Sid."
"Aren't you really aware of how sexy my name is, when you utter it?" Bumaba ang tingin ni Sid sa kanyang mga labi.
"P-please."
Unang beses na mautal si Agnes. Paano ay hindi na niya makayanan ang sensasyong dulot nang pinaghalong mainit na katawan ni Sid at ang tila alak na hininga nitong lumalasing sa kanya ngayon.
"Please what? Please stop? Or, please hold me tighter and kiss me 'til we both lost our breaths?"
That was her last straw. Hindi na niya kinaya ang tahasang pang-aakit nito sa kanya. Parang naging jelly ang kaniyang tuhod.
Mabuti na lang at nakaagapay ang mga braso nito sa kanyang bewang. Her weight shifted on his.
"A kiss wouldn't be bad."
And just before she realized, Sid's lips brushed hers. His kiss was like a feather, tickling her senses. Her first reaction was to push his body against her but her effort was useless.
Tila pader ang katawan nito. He made her lips part and just when she did, his tongue devoured her mouth. Parang mababaliw na si Agnes. Their tongue met and the feeling was enchanting, and she somehow got addicted to it in just a blink of an eye.
Naglakbay ang dalawang palad ni Sid sa kaniyang likuran pababa. His hands found her butt and pressed it against his body. She felt the heat from his throbbing middle and it almost sent her body shivering.
Tumayo lahat ng balahibo ni Agnes.
"Feel that? That is your effect to me love. Damn, I couldn't even control myself!"
Muli nitong binalikan ang kaniyang mga labi at pinagsawang halikan iyon. He nipped her lower lip and bit it not too hard she almost lost her breath. Bumaba ang labi nito sa kanyang leeg at saka pinaglaro ang dila doon.
Tila munting mga ningas iyong nagsisimulang magbaga. At nararamdaman niya ang unti-unting pagkatupok. Umangat ang kamay ni Agnes at saka idinampi sa magkabilahang pisngi nito.
This time, it was her who initiated the kiss. She heard him moan and it sounded so good to her ears. But it was also a sign for her to stop.
Nobody knew where the flame could lead them into. And she might end up getting hurt in the end. Itinigil niya ang paghalik. Salamat dahil agad siyang nakawala mula sa mga bisig nito.
Agad siyang tumalikod at mabilis na naglakad palayo rito.
"Agnes." His voice was pleading and it almost melt her heart.
She stopped.
Naramdaman niya ang paglakad nito palapit sa kaniya. Dapat ay umalis na siya sa lugar na iyon ngunit hindi niya alam kung ano ang pumipigil sa kanya. Napasinghap siya nang ipulupot nito ang bisig sa kanyang bewang.
Mula sa likod ay hinapit siya nito at saka dinampian ng mumunting mga halik ang kaniyang leeg.
"G-gabi na Sid. I-I just want to-gusto nang m-matulog." Kahit hirap ay pinilit ni Summer na sabihin iyon kay Sid.
Kung hindi pa siya gagawa ng paraan para makawala sa bisig nito ay baka traydorin siya ng sariling katawan at siya pa ang kusang yumakap dito.
Pinakawalan siya ng lalaki atsaka pintalikod paharap dito. She saw his eyes and the feeling was surreal. She felt warmth in her chest.
Hindi akalain ni Agnes na mararamdaman niya ang banyagang init na naglalandas sa kanyang dibdib, at sa lalaki pang nasa harap niya ngayon.
"Sige na. Matulog ka na." Dinampian nito ng isa pang halik ang kaniyang mga labi at saka pinakawalan.
Tulalang naglakad pabalik sa kuwarto si Agnes. Hanggang sa makahiga ay nanatili siyang nakatitig sa kawalan. Hindi niya ginalaw ang mga labi.
May pakiramdam siyang pag hahawakan niya ito ay mabubura ang bakas ng mga halik ni Sid. Ayaw niyang makaramdam ng kahit na ano rito ngunit ang kabog sa kanyang dibdib ay sapat upang hadlangan ang kanyang isip.
Hanggang sa panaginip, walang ibang bumagabag sa kanya kundi ang mga alaala ng halik ni Sid.