Chapter 3: Burden

2642 Words
Kinaumagahan ay maagang gumising si Agnes. Naghahanda na siya upang magtrabaho nang may kumatok sa kanyang pinto. Pagbukas niya ay nagulat pa siya nang bumungad sa kanya ang kaniyang amo. "S-sir Hunter! Bakit po?" "I don't know if Sid already informed you pero ipinaalam ka niya sa akin ng isang linggo dahil uuwi siya ngayon sa Laguna." "Po? Eh sir bakit naman ganon? Pinapamigay niyo na ata ako ah." Biro ni Agnes. She heard him chuckled. "Isang linggo ka lang namang mawawala rito ah, mamimiss mo ba si nana Selya?" "Isang linggo? Gawin niyo na pong isang taon sir." Napahagalpak nang tawa ang lalaking kaharap niya. Napangiti na rin si Agnes. Masaya siya. Masaya siya dahil sa pagbabagong nagaganap sa kanyang sir Hunter. Ang hindi man lang ngumingiti noon at tila halimaw sa paningin niya ay palagi nang nakatawa at magaan kasama ngayon. "Seriously Agnes, I don't know what's going on between you and Sid but I just want you to know that I'm not against it." Ngumiti muli ang kanyang sir Hunter. "I-I don't know what to say." Napayuko si Agnes. "Look. Hindi lang ako ang nakakapansin, kahit si Kirsten, sa pagkakamabutihan niyong dalawa ni Sid. You may deny it for now like what I did with my feelings for Kirsten but Agnes, kusang lalabas yan." Nanatiling hindi nagsasalita si Agnes. "Sid is a good man, Agnes. Kaya ako pumayag na isama ka niya dahil kilala ko siya at alam kong hindi ka niya gagawan ng masama." "Pero sir, ang bottomline, bakit niya ako isasama?" Hindi siya makokontento hanggat hindi niya nalalaman ang rason. "I don't know." Itinaas ni Hunter ang dalawang kamay. "Honestly, I don't know. Pero kung ikaw ang tatanungin ko Agnes, gusto mo bang sumama? And I want an honest answer." Mahabang sandaling nag-isip si Agnes. Pinakiramdaman niya ang sarili. Gusto nga ba niya? Aaminin niya, nag-eenjoy siya sa piling ni Sid. He was a good conversationalist and he looked at her as if she was the most beautiful woman on earth. Masaya siya pag kasama ito. Ngunit ang bangungot ng nakaraan ay tila isang pader sa pagitan nila ni Sid. Hahayaan niya bang sirain ng noon ang ngayon? And what about her growing feelings for the man? Sid's face plastered in her mind. Naramdaman niya ang pamilyar na pagdagundong ng dibdib. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya sa labi ang manit nitong halik. And she admit it, she would gamble everything she had just to taste it once again. Sapat na ang kaniyang nararamdaman at ang bugso ng damdamin para tumango siya bilang sagot sa tanong ni Hunter. Bahala na. "Then the problem is solved. Prepare your things Agnes." Napabuntong-hininga siya. "Sige po." Tumalikod na si Hunter at akmang isasara ni Agnes ang pinto nang bumalik ang lalaki. "And oh, Agnes. I know there is something you want to tell me but I guess you are just afraid. When time comes and you're ready, I want you to know that I'm very willing to listen and help you the best way I can." Nginitian siya ng lalaki atsaka tumalikod na. Naiwan siyang hindi alintana ang pamamasa ng mga mata. PAGKATAPOS ng pananghalian ay bumiyahe na ang dalawa. Tahimik si Agnes sa loob ng sasakyan sa loob ng ilang oras ng biyahe. Hindi man lang sila nag-uusap ni Sid. Hindi niya alam kung ano na naman ba ang problema nito. Inabala niya ang sarili sa pamamagitan ng panonood ng nadaraanan nila. Ngunit wala roon ang takbo ng isip niya dahil pinapakiramdaman ang lalaking katabi. Tulad niya ay tahimik lang din ito. Madalas siya nitong pasadahan ng tingin ngunit agad ding ibinabalik sa daan. Tulad ng sinabi nito ay nag-empake siya ng mga damit pang-isang linggo. Tutal naman ay hindi niya masyadong nagagamit ang iba niyang mga damit ay iyong designer's clothes ang dinala niya. Iba sa mga iyon ay regalo ng sir Hunter niya at ang iba naman ay binili niya gamit ang suweldo. Wala naman siyang ibang pinagkakagastusan at isa pa, iyon na lang ang tanging luho niya. Suot niya ngayon ang isa sa mga bigay sa kanya ni Kirsten. It was a white off-shoulder flowy blouse. Binagayan niya iyon ng denim skirt at white sneakers. Sa wakas ay naisuot niya rin ngayon ang isa sa mga fashion style na kumportable at sanay siya. Noon kasi ay puro pahiram ni Nana Selyang mga duster ang suot niya. Kalaunan ay nag-evolve iyon at naging bistida pero pulos pangnene. Bahagyang napalingon si Agnes kay Sid nang lumiko ang sasakyan. Noon niya napansing papasok iyon sa bagama't mas makipot na daan ay kaya namang magsabay ang dalawang saksakyan papasok o palabas. Malayo pa lang sila ay natanaw na niya ang napakataas na gate. Sa tabi niyon ay nakatayo ang sa tingin niya ay guardhouse. Nang mabuksan ang gate ay bumungad sa kanila ang agaw-pansing fountain sa gitna ng landscape garden. Paikot sa garden ang sementadong daan na magdadala sa kanila sa mismong mansiyon. Kahit laki sa layaw at saganang pamumuhay si Agnes ay hindi pa rin niya maiwasang malula sa laki ng bahay. Of course, Hunter's house was one of the most luxurious but this mansion is a masterpiece in the midst of paradise. Contrasting ang architecture nitong modern ang style sa paligid nitong puro puno't halaman. Pagbaba nila ay sinalubong sila ng mayordoma. Mas bata marahil ito kay nana Selya ng mga sampung taon. May katabaan ngunit makinis at maputi ang balat. "Magandang umaga Sid. Mukhang hindi mo kasama ang ate mo?" Luminga-linga ito at nang matapunan siya ng pansin ay ngumiti sa kaniya. "Sino ang magandang dalagang ito?" "Siya si Agnes manang Felice, kamag-anak ni nana Selya at kaibigan ko." Dumapo sa kanya ang paningin ni Sid. Seryoso ito at wari niya ay matutunaw siya sa paraan nito ng pagtingin. "Napakagandang bata. Kaibigan nga lang ba Sid?" Tumaas ang kilay ni manang Felice ngunit hindi nawala sa labi ang pagkakangiti. "Kaibigan lang. Iyon ay kung sasagutin ako ni Agnes." Nanlamig na tila yelo ang buong katawan ni Agnes at palagay niya ay malulusaw siya anumang oras. Hindi siya makatingin kay Sid na alam niyang ngayon ay tinititigan siya. Si manang Felice naman ay tumikhim. "Tumigil ka ngang bata ka." Pabirong tinampal ng matanda ang braso ng nakangising si Sid. Hinarap siya nito. "Mabuti pa hija ay sasamahan kita sa silid mo. Mamaya pa darating ang magulang ni Sid, halika." Inakay siya ni manang Felice. Nang lingunin niya ang lalaki ay nginitian siya nito ng tipid. Nararamdaman niyang may mabigat itong dinadala. Kanina pa sa saksakyan ay hindi siya nito iniimik which is very unlike Sid. Mas gusto niyang nagtatalo na lang sila kaysa naman hindi niya ito makausap. Mamaya ay susubukan niyang itanong kung anong bumabagabag dito. Baka sakaling makatulong siya. Pagpasok niya ay hindi niya maiwasang mamangha. Hindi niya akalaing ganito kayaman ang pamilya ni Sid. Every decoration and furniture was well-placed. The interior design was definitely a genius' masterpiece. Creativity, luxury and elegance at its finest. Tila isang royal family ang nakatira doon minus the castle. Inakyat nila ang fan-shaped na hagdan. Katapat niyon ang chandelier na agaw pansin ang kumikinang na mga ilaw at kung titignan ay tila mga diyamante. Puno ang bawat sulok ng mga antigong banga at vase. Pag-akyat nila ay tinahak nila ang pakaliwang pasilyo patungo sa mga nakahilerang pinto ng kuwarto. The vibes made her feel like they were in a five star hotel. Sa pangalawang pinto ay huminto sila. Binuksan iyon ni Felice gamit ang hawak na bungkos na mga susi. "Ito ang magiging kuwarto mo hija. Sabi ni Sid ay isang linggo lang siya rito. May aayusin lang sila ni Sir Leandro, ang ama niya. Hindi naman niya sinabing may kasama pala siya." Ngumiti ng matamis ang babae. She somehow wanted her company. Magaan ang loob niya rito. "Alam mo bang bukod kay Darlyn ay ikaw pa lang ang kauna-unahang babaeng dinala niya rito sa mansiyon?" Naramdaman ni Agnes ang pamumula ng pisngi. Ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang pangalang binigkas nito. "Sino po si Darlyn?" "Kababata siya ni Sid hija. Labas-masok 'yon dito noon. Ang pagkakaalam ko ay nasa Korea siya ngayon kasama ang mama niyang nagpapagaling." Of course Agnes knew Darlyn. Ito ang anak ni Benito, ang lalaking sumira ng buhay niya. At alam din niyang si Sid ang nakita niyang lalaking kasama ni Darlyn noong gabing tumakas siya sa bingit ng kamatayan at kahihiyan. She tried to stay away from Sid but he was unstoppable. Hindi ito tumitigil sa pangungulit sa kaniya. She didn't know if she should be thankful he didn't remember anything about her or should she consider it as a red flag. Naamoy niya ang nalalapit na paglayo niya sa buhay ng mga taong napalapit na sa kaniya. Kabilang na ang umuusbong na pag-ibig niya kay Sid. "Sige hija maiiwan na kita. Magpahinga ka muna at siguradong pagod ka sa biyahe." Nang makaalis ang mayordoma ay saka niya nilibot ang paningin sa loob. Black and white ang theme ng kuwarto. Sa itaas ng queen sized bed ay nakasabit ang isang malaking abstract painting na ang motif ay black and white din. Inihiga niya ang katawan sa malambot na mattress ng kama. And just like that, she easily fell asleep. NANG imulat ni Agnes ang mga mata ay nanibago siya nang bahagya. Awtomatikong napalingon siya sa kung saan nang maramdamang tila may nakasubaybay sa galaw niya. Nakumpirma niya ang hinala nang makita si Sid na nakaupo sa couch at nasa kamay ang kopita ng alak. "Ugali mo bang pasukin ang pribadong kuwarto para sa mga bisita mo?" May halong irita ang boses ni Agnes. Bumangon siya saka niyakap ang tuhod. Nanlamig siya bigla sa kaalamang nasa iisang kuwarto sila ng lalaking ito. "If only with you, I would make it a hobby." Ngumisi ang aroganteng lalaki. Imbis na mainis ay naramdaman niya ang tila mga paruparung nagsisiliparan sa kanyang tiyan. And she hated it. "Bakit kaibigan ang pakilala mo sa'kin kanina? We were never friends." "Anong gusto mo, girlfriend? Easy love darating din tayo diyan." Nang-iinis na humalakhak ang lalaki. "Shut up. Bakit hindi mo na lang sinabing katulong ako ni Hunter at dinala upang maging personal mong yaya?" Hindi niya mapigilang magtaray. Inuubos ng lalaking ito ang pasensiyang natitira sa katawan niya. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Sid. "Oh, about that. You are fired." Seryosong anito. "What?!" Nanlaki ang mata ng dalaga. "Hindi ka na basta kasambahay lang ni Hunter. You are mine now Agnes." Maawtoridad na ani ng lalaki. "Damn you! What do you think of me? A toy? Hindi ako laruang basta na lang aangkinin ng kung sino Sid!" She almost shouted in anger and frustration. "You don't expect my girl to be working for Hunter as his maid, do you?" "So lumabas din ang totoo! Ikinakahiya mo ang -" "I never said that!" "But your words imply." "Alam mo ang hirap sa'yo masyado kang tiwala sa sarili. You never relied on and considered other's idea. Akala mo lahat ng iniisip mo tama." He was furious, too. "Because trusting somebody is out of my vocabulary Sid! I have no one to trust but myself." "See? This is about time for you to come out of your shell. Why don't you give us a shot? Forget your pride and trust me Agnes, please." Lumambot ang ekspresyon ng mukha maging ang pananalita ng lalaki. He used the word 'please' for the first time and she felt her heart sank. She almost gave in. But the wall she built between them couldn't just be wrecked by his words. "I can't Sid. I—I cant." Nanlulumong ipinatong ni Agnes ang baba sa tuhod. "Hindi pwede. Hindi pwedeng maging tayo." "But why?! Don't make me guess dahil masisiraan na ako ng bait Agnes. Why don't you tell me the reason in front of my face?" Hamon sa kanya ng lalaki. "And why can't you just understand me? May mga bagay na hindi ko na dapat pang ipaliwanag sa'yo Sid." Nag-iwas siya ng tingin. Nahihirapan silang pareho. Kung pwede lang kalimutan na ang kahapon. Ang mahirap, tila kakambal na niya ang nakaraan at sinusundan siya hanggang sa panaginip. "So I'm right. May itinatago ka nga." Halos pabulong na sambit nito. Napabuntong-hininga si Agnes. "Alam mo Sid, mas mabuti kung uuwi na lang ako. I can't stay any longer with this anymore. Palagi na lang tayong nag-aaway. I can take the first bus by tomorrow." "Hindi. Kung uuwi ka man ay ihahatid kita. At hindi ngayon o bukas ang araw na iyon Agnes." "Tingin mo tatagal ng isang linggong hindi tayo nag-aaway?" "Who said it's one week?" Nanlaki ang mata ni Agnes. No way. There is no freaking way. Talagang sinasagad nito ang pasensiya niya. "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi tayo aalis sa bahay na ito hangga't hindi ka umaaming gusto mo rin ako." Shocked. She was in that state for a moment before she heard the slamming of the door. Nanggagalaiti siya. No other man could make her feel that way. No man except Sid. Naiinis siya hindi dahil sa sinabi nito. In fact, she would be pleased to confess her feelings to him if she wanted to. Naiinis siya dahil hindi niya gustong hinahawakan siya sa leeg. And how dare is he? Mamatay muna siya bago sabihin ditong gusto niya rin ito. Taas-baba pa rin ang dibdib ni Agnes nang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at iniluwa si manang Felice. Sinikap niyang ngitian ito kahit na pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya sa inis. "Nag-away ba kayo ni Sid hija?" Kunot-noong tanong nito. "Nagkasagutan lang po." Ngumiti siya ng tipid. "Normal lang 'yan. Ang mahalaga ay mag-kakaayos din kayo." Hindi na nagsalita si Agnes at baka humaba pa ang usapan. Inaya siya nito sa baba dahil maghahapunan na. Mag-aalas seis na pala ng gabi. Gagabihin daw ang mga magulang ni Sid galing sa isang business trip kaya sa hapag ay mag-isa lang niya. Umalis pala ang lalaki kanina matapos silang magkasagutan. Gusto niyang itanong kay manang Felice kung saan ito nagpunta ngunit nahihiya siya. Dapat ay hindi na niya ito inaway kanina. Wari niya'y dinagdagan lang niya ang bigat na pinapasan ng lalaki. "Nagiging maiinitin ang ulo ng batang iyon. Nakakapanibago." Ani manang Felice habang kumakain siya. Napayuko si Agnes. "'Wag kang mag-alala Agnes, dahil nakikita ko namang pagdating sa'yo ay lumalambot ang batang iyon." May halong panunukso ang tinig nito at hindi niya maiwasang pamulaanan ng mukha. "Hindi nga lang maiiwasang mag-alala ako minsan dahil nagkakaroon ng lamat ang relasyon nila ng kaniyang ama." Kumunot ang ulo ni Agnes. "Ano pong ibig niyong sabihin?" Pahapyaw na nagkuwento sa kaniya si manang Felice. Halos dalawampung taon na pala itong naninilbihan sa pamilya ni Sid. Simula nang malaman ng mga itong may kapatid sa labas sina Sid ay hindi na kagaya rati ang naging pagtrato ni Sid sa ama. Gusto ng ama nitong patirahin din sa mansiyon ang kapatid sa labas ngunit nagbanta si Sid na lalayas sa oras na gawin ng ama nito iyon. Walang nagawa ang ama nito. Ngayon namang nakagraduate na si Sid ay gusto ng ama nitong pamahaalanan nito ang negosyo ng pamilya. He refused because he wanted a life far from that. Akala nito ay makakaligtas na ito kung susundin nito ang kursong gusto para rito ng ama ngunit nagkamali si Sid. Binantaan ito ng amang mapupunta ang lahat ng shares nito sa anak nito sa labas, bagay na hindi papayagan ni Sid. Now her heart went out for Sid. Kay bigat nga ng dinadala nito. Gusto niyang pawiin ang lahat ng bigat sa dibdib ng lalaki. Kung hindi nga lang ganito ang sitwasyon niya'y pipiliin niyang manatili sa tabi nito. Sasabihin niya ritong magiging maayos din ang lahat at hindi niya ito iiwan. Sapat ba iyon para ibsan ang lumbay sa puso ng lalaki?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD