Nagising si Agnes dahil sa ugong ng sasakyan. Katapat ng bintana ng kuwarto niya ang garahe ng mga sasakyan nina Sid. Nakatulugan niya ang paghihintay rito kaninang matapos siyang kumain.
Ipinatong niya ang roba sa kaniyang negligee. The wall clock said it was fifteen minutes before twelve.
Paglabas niya ng kuwarto ay nakasalubong niya sa pasilyo ang dalawang bulto. Naging malinaw ang mukha ng dalawa sa tulong ng malamlam na ilaw sa bawat poste.
They looked as if they were in their late fifties. Siguradong ang magulang ni Sid ang mga ito. Marahil ay nagising din ang mga ito sa pagdating ng kanilang anak na lalaki.
"You are Agnes right? Manang Felice told us about you earlier. It's nice to meet you darling." Bineso siya ng ina ni Sid. "And oh before I forgot, you can call me tita Angel. And this is your tito Roland."
Nginitian niya ang ama ni Sid. Ngumiti naman ito bagama't tipid at hindi umabot sa mga mata. Gayunpaman ay binigyan niya ang mga ito ng isang matamis na ngiti.
Naunang bumaba ang ama ni Sid.
"This is not good. Mukhang magkakasagutan na naman ang mag-ama. Don't you mind?" Ngumiti si tita Angel at sumenyas na baba na rin.
"Sige po tita."
Dali-daling sinundan ni Angel ang asawa. Umagapay ito sa likuran. Samantala si Agnes ay nanatiling nakasubaybay sa itaas ng hagdan.
Napakapit siya sa barandilya nang makita ang lalaking kanina pa niya hinihintay dumating. Hindi niya alam kung para saan ang pagbilis ng t***k ng kaniyang puso.
"Hindi ka na ba talaga magtitino ha?" Kalmado ngunit may diing kastigo ni Roland sa anak. "Ginawa ko na ang lahat ng paraang alam ko para lang magtino ka. Ano pa bang kulang?"
Halos manayo lahat ng balahibo ni Agnes nang marinig ang paghalakhak ni Sid. It was a laughter made up of bitterness, coldness and somehow, it sounded dangerous to her ears.
"Kulang? You are asking me a question that can be answered only by you father." Said him bitterly.
Hindi nakapagsalita si Roland ngunit mahahalata ang pagpipigil ng galit. Taas baba ang dibdib nito.
"Ginawa ko rin ang lahat ng makakaya ko para lang mapasaya kayo. I studied abroad, took a course I never wanted and I even agreed to train for the position I never imagined myself to be in. Iniwan ko ang pagbabanda ko. Binago ko ang kapalaran ko para lang mapaluguran kayo. Kayo rin ang tatanungin ko ano pa bang kulang?"
"Don't bullsh*t me Sid! I know what's best for you and for this family."
"Oh you know what's best for this family huh? Kaya pala bukod sa amin ni ate ay may anak ka pa sa labas. Is that what you mean?"
"Sid!" Saway ni Angel si anak. Nakita ni Agnes ang pagkuyumos ng kamao ng ama ni Sid. Mukhang anumang sandali ay mawawalan na ito ng pasensiya.
"Totoo naman 'di ba?" Binalingan ni Sid ang ina. "Ma forgive me but I will say what ever that is here..." Itinuro ni Sid ang sentido at pagkatapos ay ang dibdib. "...and here. I wish I was never an Alvarez. Sana hindi na lang ako naging anak ni Roland Alvarez." Madiin ang bawat katagang binitiwan ni Sid.
Sa isang iglap lang ay nagulat sila nang biglang umigkas ang kamao ni Roland sa panga ng anak. Bumulagta ito sa sahig. Maging siya ay impit na napatili. Nasapo niya ang bibig.
"You are a son of a -" Hindi itinuloy ni Roland ang sinabi. Pulang-pula ang mukha nito sa galit. Si Angel ay hinagod ito sa likod at pilit pinakakalma.
Hindi agad nakabawi si Sid. Nakita ni Agnes ang kaunting dugong umagos mula sa mga labi nito. Sapo ni Sid ang pangang tumayo at pilit na nilabanan ang hilo dala ng kalasingan at ng suntok ng kaniyang ama.
"Don't worry father. Hindi masasayang ang pinagpaguran niyo. But don't ever think that I am doing this because of you and your manipulation. I am doing this for mama and for this family."
Iyon lang at umakyat na si Sid. Sa taas ay nakasalubong siya nito. Nang magkatapat sila ay huminto ang lalaki ngunit ang paningin ay diretso.
"Sid."
"I don't need pity and sympathy from you Agnes."
Iyon lang at saka siya nito nilampasan. She wanted to run and hug him. She wanted to say that everything is gonna be fine.
Gusto niyang sabihin ditong tutulungan niya itong magawa ang mga pangarap habang ginagampanan ang tungkulin sa pamilya. Ngunit ang kahit na anumang nais gawin at sabihin ay nanatili sa kanyang isip.
Nanatili siya sa kinatatayuan hanggang sa marinig ang malakas na pagsara ng pinto sa kuwarto ng lalaki.
Ngayon ay alam na niya ang dahilan kung bakit siya nito isinama. He needed her at times like this. He needed her company, her comfort, her presence.
He needed her to be his friend.
Pero anong ginawa niya? Mas lalo lang niyang pinabigat ang dinadala nito sa dibdib. She just threw a block of pain right to the burden he was carrying. Then right from that moment, she knew what to do.
And just like that, she found herself making her way into Sid's room. Pinihit niya ang seradura ng pinto at umusal ng pasasalamat nang mapagtantong bukas iyon.
Isinara niya muli ang pinto nang makapasok. Nabungaran niya ang lalaking pahalang na nakahiga sa kama bagama't mulat ang mga mata. He smelled wine and his natural masculine scent.
"Bakit ka nandito? Hindi ko kailangan ng awa mo Agnes. Leave me alone." Walang buhay na ani Sid.
"I don't pity you okay? Ang aroganteng kagaya mo ay hindi kailangan ng awa. I'm here because..."
"Because?" Itinukod ni Sid ang dalawang siko sa kama at saka siya matiim na tinignan. He was waiting for her to continue.
"Because I-I think you need me." Nanginginig ang tinig na ani Agnes.
Hindi umimik ang lalaki na bumalik sa pagkakahiga.
"It's okay to be angry Sid, if that's what will make you better. But you can't stay with that forever. Life must go on, and we should also be."
"But how can I live with the life I never wanted to be?" Puno ng pait na anito.
"If you can't give up something that matters to you, then don't. It is your life Sid. Why choose between two options when you can do both?"
Nanatiling walang imik si Sid bagama't alam niyang pinag-iisipan nito ang kaniyang mga sinasabi.
"Hindi naman sa sinasabi kong tama ang papa mo pero maaatim mo bang bitawan na lang ang negosyo ng pamilya niyo? Wala nang ibang lehitimong tagapagmana ng mga iyon kundi ikaw lang. At tungkol naman sa pagbabanda mo, hindi mo kailangang kalimutan iyon. I know it will be forever engraved in your heart. Magagawa mo pa rin ang mga bagay na gusto mo dahil buhay mo yan Sid. At ako, k-kami, nandito lang sa likod mo kung kailangan mo ng makakasama."
Bumangon si Sid at umupo sa gilid ng kama. "Come here."
Humakbang si Agnes at umupo sa tabi ni Sid. She saw something in his eyes she couldn't explain through words.
"When time comes and life becomes hard, will you be there for me Agnes?" He said almost whispering.
Hindi nakasalita si Agnes. Hindi niya maipapangakong naroroon siya sa lahat ng pagkakataon. Ayaw niyang umasa si Sid. Ayaw niyang masaktan ito.
At higit sa lahat, ayaw niyang pagaanin ang loob nito sa pamamagitan ng mga kasinungalingang mananatili siya habang buhay sa tabi nito.
She was Summer Grace.
Kakambal ng pangalang iyon ang bangungot ng kahapon. At nararamdaman na niya ang muling pagbangon niyon mula sa hukay ng nakaraan.
"I can't promise something I am not sure Sid. In just a blink of an eye, something happens, someone comes and someone says goodbye. But this I promise you Sid, I will never forget you. Iyon ang pinakamahalaga sa lahat. May mga bagay sa mundo na nananatili, mayroong pangmatagalan, mayrong dumaraan lang. Pero kapag mahalaga ang isang bagay sa atin, kahit gaano pa siya katagal sa buhay mo, mananatili itong nakaukit sa ating puso. Treasure. They call it treasure."
Hinigit siya ng lalaki at ikinulong sa mga bisig. She found home. Maya-maya pa ay binitiwan siya nito. Hinawakan ni Sid ang magkabilaan niyang pisngi.
Little did she knew, his lips were on hers. The kiss was passionate. Tila nangangakong papawiin non ang lahat ng kaniyang mga pangamba. Nang halos pangapusan sila ng hininga ay saka siya nito binitawan.
"I want you here beside me until I fall sleep. Please?"
And just like that, Sid rested his face on her neck. She felt warmth in her heart. If she could only freeze time and just be with him forever, she would do it.
Nantili siya roon hanggang maramdaman ang pantay na paghinga ng lalaki. Maingat siyang bumangon sa kama at saka ito kinumutan. Bago umalis ay kinintalan niya ito ng halik sa noo.
Agnes slept in her room with a smile.