Chapter 5: Romantic

2189 Words
"I'm very sorry for what happened last night hija." Angel gave Agnes an apologetic look. Nasa hapagkainan sila kinaumagahan para sa almusal. Wala ang mag-ama at tanging si Agnes at ang ina lamang ni Sid. "Okay lang po 'yon tita. Hindi ko lang po maiwasang mag-alala kay Sid at kay tito Roland. I just hope there is a way to fix things between them." "Ako man hija. Simula nang malaman ng mga anak kong may kapatid sila sa labas ay naging malayo ang loob nila sa kanilang ama. Hindi ko rin naman sila masisisi." Tumawa ng pagak ang babae. "Ako rin man noon ay sumama ang loob sa kanya. Pero ano bang magagawa ko? Nangyari na iyon at kahit pagbalibaliktarin ko man ang mundo ay hindi ko na mababago ang nakaraan. "Atsaka ang mahalaga Agnes ay iyong ngayon. Ano bang mayroon kami ngayon? Pagmamahal, mga anak, at lahat ng pinagdaanan namin. Sapat ba ang nakaraan para sirain ang lahat ng iyon? No. Kaya pinili kong manatili sa tabi niya at magpatawad. At iyon ang pilit kong pinapaintindi sa mga anak ko. Well, Apple seemed to understand naman. But Sid." Tila nadagdagan ng sampung taon ang edad ng ginang sa lungķot na nakita ni Agnes dito. "Close na close sila noon ng ama niya. Lahat ata ng kalokohan ay magkakutsaba sila. They used to play basketball, chess and they even go fishing every sunday. Oh I missed those days." Namasa ang mata ni Angel. "Pero I think masyado lang na-idolize ng anak ko ang kaniyang ama kaya nang malamang may iba pa palang itong kapatid sa labas, kaedad niya at lalaki pa, mukhang hindi na niya kailanman mapapatawad ang sarili niyang ama." Nagpunas ang ginang ng munting butil ng luhang naglandas mula sa mata. "I'm sorry hija, umagang-umaga puro drama ang naririnig mo sa akin." "It's okay tita. I'm just here if you think you need someone to talk to. I'm a good listener." She gave her a smile. "Thank you hija, for staying beside my son. For taking care of him, for everything." "Don't worry tita, I promise everything's gonna be alright." Agnes told her with a voice that is full of hope. "Thank you. O siya kumain ka na." Luminga si Angel at may natuunan ng pansin. "O manang Felice sumalo ka na rin sa'min. Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong nito sa mayordoma. "E kasi naman nakakatouch ang usapan niyo ni Agnes." Nagpahid ang matanda ng luha sa mga mata. "Ikaw talaga manang ikain mo na lang 'yan." Natatawang ani Angel atsaka dinagdagan ng pagkain ang plato ni Agnes kahit pa tumanggi na siya. Matapos kumain ay naligo na siya. Nang makapagbihis ay saka bumaba upang maglibot-libot sa labas ng bahay. Pinagsawa ni Agnes ang mga mata sa makukulay na bulaklak ng hardin. She picked one and put it behind her ear. Nasa ganon siyang ayos nang bumungad ang sasakyang lulan ang pinakaguwapong lalaking nakita niya sa tanang buhay. "Sid." Kumaway si Agnes. "Hop in flower girl." "Saan tayo pupunta?" "You'll know." He smiled and her heart almost dropped off her chest. Tila may hipnotismo ang ngiti nito at natagpuan niya ang sariling sumasampa sa passenger's seat ng sasakyan. Nang makaupo siya ay dumukwang ang lalaki at halos mabaliw siya nang malanghap ang amoy nitong pinaghalong cologne at natural na amoy panlalaki. Ikinabit nito sa kanya ang seatbelt at nang inasahan niyang babalik na ito sa pagkakaupo ay nagkamali siya. Mas lalo nitong inilapit ang katawan sa kanya. Ang mukha nito ay isang pulgada na lang ang layo sa kanya. His luscious lips were teasing. Halos mapugtuan siya ng hininga nang ilapat nito ang mga labi. And when she felt his tounge on her lips, she felt her whole world shaking. Lumalim ang mga halik ni Sid. At sa wari ni Agnes ay natutupok siya sa bawat segundong magkaniig ang kanilang mga labi. Naglakbay ang mga labi ni Sid. Hinalikan siya nito sa pisngi, sa leeg, at sa kaniyang tenga. Her body shivered sensationally as she felt him bit her earlobe. At hindi niya namalayan ang mga palad na naglalakbay na pala sa matigas nitong dibdib. "I love the caress." Ani Sid sa boses na tila napapaos. Hinawakan ni Sid ang kaniyang kamay at tinulungan itong paglakbayin ang kaniyang palad sa malapad nitong dibdib. Guided by his hands, her palm went down on his abdomen and down there... "Sid!" Binawi ni Agnes ang kamay. Hindi naman niya nahawakan ang bagay na iyon sa kabila ng makapal na suot nitong maong subalit muntik na siyang mapaso. She gave it a glance and was shocked to see the obvious desire on his middle. She heard him chuckled. "Don't worry sweetheart it won't hurt you." Said him still chuckling. "Sid!" Saway niyang muli rito sa kabila nang matinding pamumula ng kaniyang mukha. "All right." Itinaas nito ang dalawang kamay sa ere. "Are you ready?" "R-ready for what?" Nanlaki ang mga mata ni Agnes. Napahalakhak si Sid. "Sa pupuntahan natin. Unless you have something else on your mind?" "W-wala. Sige na." Iniwas ni Agnes ang paningin at saka napakagat-labi. Kung pwede lang bumuka ang lupa at lamunin siya ay mas nanaisin pa niya dahil sa kahihiyan. Habang bumibiyahe sila ay sinikap niyang maging kalmado sa kabila ng naghuhuramentado niyang puso. Hindi niya alam kung mag-iiwas o sasalubungin ang mga mata nito sa tuwing papasadahan siya nito ng tingin. And everytime she would panic, he would chuckle. Ganoon sila sa buong biyahe. Minsan ay kinakausap siya nito ngunit palaging nauuwi sa usapang naiilang siya. Maya-maya pa ay iniliko nito sa isang driveway ng isang bahay ang sasakyan. Base sa aura ng bahay ay mukhang sinauna itong naitayo kumpara sa mga building at ibang bahay na katabi at katapat nito. Ang ipinagtataka lang ni Agnes ay ang tila signboard paharap sa mga sasakyang nagdaraan. Nakadikit sa malapad na kahoy ang napinturahang mga payat na sanga ng puno at pinagdikit-dikit upang makabuo ng mga letra. It read, 'Casa Concepcion'. Nang maipark ni Sid ang sasakyan sa isang puno ay noon lang din niya nakita ang mga hilera ng sasakyang nakapark sa tabi nito. Nangunot ang kaniyang noo. Kung hindi lang dahil sa sinaunang atmospera ng bahay ay iisipin niyang hotel iyon. Nang makapasok sila ay tila sila pumasok sa ibang dimensiyon. Ang buong paligid ay naiilawan ng mga lamparang antigo. Maraming mesa at upuan, mga pagkain at mga taong nagkukwentuhan habang kamakain. No wonder, they were in a restaurant. Hindi niya inakalang ang lumang bahay na iyon ay magmumukhang elegante ang dating. Pulos antigo ang mga kasangkapan maging ang mga furniture ngunit nagmukhang bago dahil sa kintab at fully-furnished pa. Inakay siya ni Sid papunta sa isang area na may mga couch. Nakaupo roon ang isang middle aged na babae at abala sa pagtipa sa keyboard ng laptop. Bahagya lamang umangat ang mukha nang mapansing may nakatayo sa harap nito. "Sid!" Ipininatong nito ang laptop sa mababang mesa at saka tumayo. The woman looked familiar. She had the eyes and face's shape of Sid's mother, tita Angel. "Tita Coreen." Bineso ng tinawag nitong tita Coreen si Sid. Maya-maya pa ay dumako ang paningin nito sa kanya. "I thought she's Darlyn." Binalingan ng babae si Sid na mabilis na ibinalik sa kanya. "Who is this pretty woman?" "Agnes this is my tita Coreen, kapatid ni mama. Tita Coreen this is Agnes, my friend." Naglaro sa mukha ng babae ang kakaibang ngiti ngunit sa pasasalamat ni Agnes ay hindi na nito isinatinig pa ang nasa isip. "Nice to meet you po, tita." Inabot ni Agnes ang kamay ng babae. "It is really nice meeting you hija. I just hope there is a time for me to know you well but I am really busy at the moment." Binalingan nito si Sid. "Sid ikaw munang bahala kay Agnes. Ipapahanda ko kay Monica ang favorite spot mo." "The best ka talaga tita!" Hinagkan ni Sid sa pisngi si Coreen. "O siya! Mag-enjoy kayong dalawa ha? Hija si Sid muna ang bahala sa'yo." Nginitian siya nito at sinuklian naman niya ng ubod tamis na ngiti. Nagbalik sa kinauupuan ang ginang nang may ngiti sa labi. Tinawagan nito ang isang staff at nagbiling ihanda ang gazebo. Maya-maya pa ay inakay siya ni Sid sa daan patungo sa pintuan palabas. Habang naglalakad ay hindi niya mapigilang pasadahan ang lalaki ng tingin. May ilang hibla ng buhok ang tumatabing sa mapungay nitong mga mata. His nose reminded her of a mountain, high and might. Ang mga labi nito ay lagi nang napaskilan ng mapaglarong ngiti sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata. At ang mga kamay nitong nakahawak sa kaniyang siko ay tila bakal ngunit malahangin sa gaan. There was this gentleness the way he touched her. Tila ba isa siyang babasaging kristal. And she couldn't help her self but to feel like the most beautiful woman on earth. Why, Sid made her feel that way. Ngunit hindi niya alam kung bakit sa tuwing maririnig ang pangalan ni Darlyn ay tila mayroong tumutusok sa kanyang puso. Sinikap niyang iwaksi ang isiping iyon. Ayaw niyang masira ang sandaling iyong kapiling niya si Sid. "So how's the place? Do you like it?" Tanong ni Sid nang makaupo sila. Magkaharap sila sa mesang babasagin. Rough tiles ang pabilog na bahaging kinaroroonan nila. Sa labas ng rough tiles ay mga makikinis at makinang na batong shade ng blue ang kulay, papunta sa kulay berde. Nagblend iyon sa halos damuhang bahagi ng gazebo. "Do I like the place? Sid that's understatement. I love the place! It's beautiful." Inilibot muli ni Agnes ang paningin. "Yeah, you're beautiful." Pabulong na ani Sid habang nakatitig sa namamangha niyang mukha. "Ano yon?" Tanong ni Agnes na mukhang hindi nahuli ang sinabi ni Sid. Paano'y abala siya sa pagmamasid sa paligid. "I said, I agree." Napangisi si Sid. "I wish I could put this place inside my pocket so I wouldn't miss it that much when we come back to Manila." Napalabi si Agnes. If only she knew how cute she was in Sid's eyes that moment. "Don't worry, this will not be the last. I promise." Nawala ang ngiti sa labi ni Agnes. Sana ay matupad ni Sid ang pangako nito sa oras na malaman nitong siya ang babaeng nasa kama ni Benito noong gabing mahuli ito nina Darlyn. Ang pag-asa niyang maniniwala si Sid kung sasabihin niya rito ang katotohanan ay unti-unting gumuguho nang mapagtanto niya kung gaano kalapit si Darlyn dito. Childhood bestfriend ito ni Sid at hindi niya alam baka may espesyal na bahagi ang babae sa puso nito. Her heart was pained by the thought. "O, may problema ba?" Nag-alalang tanong ng lalaki nang mapansin ang pananamlay niya. "W-wala. No problem Sid." Pinilit ngumiti ni Agnes ngunit hindi umabot sa mata. "Anong no problem eh mukhang malungkot ang mata mo? Kanina lang angsaya-saya mo." Inabot ni Sid ang pisngi niya. Hindi alam ni Agnes ang gagawin nang maramdaman ang mainit na palad ni Sid sa kanyang mukha. "Okay nga lang ako." Unti-unting nagbalik ang ngiti ni Agnes. "Patingin ng masayang mata." Ngumisi si Sid. Tila namagneto ang mga mata ni Agnes sa mga mata ni Sid. There was this hypnotizing sensation just by looking at those hazelnut brown eyes. Aywan ba niya dahil sa tuwing tumitingin siya sa mga iyon ay parang napupuwersa siyang maging masaya. That's how powerful his eyes were. "There, masaya ka na ulit." Ani Sid nang makitang nagbalik ang ngiti sa kaniyang mata. "Ikaw ha, iniisahan mo ako." Kunwari ay nagtatampong ani Agnes sa kabila ng hindi maalis na ngiti sa labi. "You know what, you are beautiful when you smile. You're cute when you get angry. You look gorgeous when you sleep." Sid chuckled. "You watched me sleep?!" Nanlaki ang mga mata ni Agnes ngunit halos masugat na ang kagat niyang labi dahil sa pigil na pagngiti. Her heart was overflowing with joy. "Kaninang umaga pa sana tayo pupunta rito pero tulog ka pa. I don't have the heart to wake you up." Napakibit-balikat si Sid. "But seriously. Kahit anong ekspresyon ng mukha mo ay gusto ko. 'Wag ka lang malungkot. Kahit magalit ka na, wag ko lang makita ang lumbay sa mata mo." The smile on his lips was gone. But the way he say it made her heart beat erratically. He was so serious she almost got teary eyed. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanilang dalawa ni Sid. The feeling was overwhelming. Hindi niya kailanman naramdaman kay Jacob, ang dati niyang nobyo, kung paanong magwala ang puso niya sa tuwing tumatagos ang titig ni Sid sa kanyang mga mata. Kung ano man ang nagyayari, she was sure it was beyond something she could ever imagine, something like magic. "S-Sid." Tanging nasabi ni Agnes. Noon dumating ang mga pagkaing ipinahanda ni Tita Coreen. Halos hindi makatingin si Agnes kay Sid habang kumakain. Naiilang siya ngunit sapat na ang mga ngiti ng lalaki upang mapawi iyon. Ang gusto na lamang ni Agnes sa mga sandaling iyon ay matunaw, dahil tila siya yelo sa ilalim ng araw. Baka kung sakaling matunaw siya ay magawa na niyang maglupasay sa sahig dala ng kilig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD