Chapter 6: Unfair

2501 Words
"Sid." "Yes?" Sumagap ng hangin si Agnes mula sa malawak na baybayin. Nakaupo sila paharap sa mga bangkang pumapalaot. Matagal din silang nanatili sa restaurant ni tita Coreen bago napagdesisyunang maglakad-lakad sa gilid ng baybayin. Niyakap ni Agnes ang tuhod dahil sa bahagyang ginaw na naramdaman. Noon tinanggal ni Sid ang suot na jacket at saka ibinalabal sa kanya. "Thank you." Ngumiti si Agnes. "You have something to tell?" Maya-maya ay tanong ng lalaki sa kanya. "Ah yes I-I just don't know how to start this but..." "Yeah?" "Sid don't get me wrong okay, hindi naman sa nanghihimasok ako sa buhay mo pero..." Sid chuckled. "Easy love. Get straight to your point, I promise, hindi ako magagalit." "Hindi ka magagalit ha?" "Hindi." Nginitian siya ng lalaki. "Okay, it is about you and your father." Napapikit si Agnes. Nang magmulat ng mga mata ay seryoso na ang mukha ng lalaki. "Sabi mo hindi ka magagalit?" "Ginigipit mo ako ah." Biro ng lalaki bagama't seryoso pa rin. "Okay 'wag na lang." Nagkibit-balikat si Agnes. "No, what's about me and my father?" Malumanay na ani ng lalaki. Dahil doon ay nagkalakas siya ng loob upang magtanong. "Wala na bang chance na magkaayos pa kayong dalawa?" She looked at him in the eye. Napadako sa bangka ang paningin ni Sid, di kalayuan sa kanila. "Don't you think I'm not asking myself the same question Agnes?" Ngumiti si Sid ngunit may lungkot sa mga mata. Kumuha ang lalaki ng maliit na bato at saka itinapon sa katubigan. "Gusto ko pero, mahirap. Mahirap kalimutan ang lahat. Hindi ko kayang magpanggap na ayos lang sakin ang lahat dahil ang totoo, masakit dito." Itinuro ng lalaki ang dibdib. She almost choked at the bitterness within his voice. Kung maari niya lang burahin iyon ay gagawin niya. Parang tinutusok ang kaniyang dibdib sa nakikitang lungkot sa mga mata ng lalaki. "When I was a kid, he was my superhero. He was the kind of man I wanted to become back then. He is kind, caring, passionate, he loves my mother, he's my partner in crime. Pero nagbago ang lahat nang malaman niyang may anak siya sa ibang babae. Bihira na niya kaming makasama dahil nagpakasubsob siya sa trabaho. He doubled his time just to support and give sustenance to his other son. Umunlad ang business at nanganak ng marami pang pagkakakitaan. "Ang gusto ng papa ay tumira sa bahay ang anak niya at pag nakapagtapos ay pamahalaanan ang isa sa mga negosyo. Wala naman sanang kaso 'yon sa'kin. But I heard tita Yna, iyong ina ng anak ni papa. "She was talking with his son alone and instructed him to grab the opportunity. Alam nilang pagbabanda ang gusto kong tahakin sa buhay kaya't narinig kong sinabi ni tita Yna na pamunuan ng anak niya ang negosyo ni papa para mapunta lahat sa kanila iyon. "Babaliwalain ko na sana yon dahil sa galit ko, wala na rin akong pakialam pa sa negosyo ni papa. Pero nagpanting ang tenga ko nang marinig kong pati si papa ay balak agawin ni tita Yna kay mama. "And that would be the last thing on earth that's gonna happen. Nagulat silang dalawa nang lumabas ako at magpakita. Dahil na rin siguro sa galit ay napagsalitaan ko sila ng masama kaya naman nang makarating kina mama ay nagmukha pa akong masama. "Nagalit sa'kin si papa. Pero hindi ko hahayaang magtagumpay ang plano ng mag-ina kaya't binantaan ko si papa na kapag tumira doon si Jacob ay hindi na nila ako makikita kailanman. Sapat na ang sustentong ibinibigay rito ni papa para makapag-aral." "Jocob?" Hindi maiwasang mangunot-noo ni Agnes. Someone from her past had that name. Umiling siya. Marahil ay nagkataon lamang dahil maraming lalaki sa mundo ang nagngangalang Jacob. "Yeah. Papa's other son." He said bitterly. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan ng dalawa. Minasdan ni Agnes ang lungkot sa mga mata ng lalaki at hindi niya mapigilang makaramdam ng bigat sa dibdib. Gusto niyang magkaayos na ito at ang ama. Kahit iyon na lang ang tanging magagawa niya para rito. "Sid alam kong ngayon ay sariwa pa sa puso mo 'yong sakit dahil sa kasalanang nagawa ng papa mo." Bumuntong-hininga si Agnes. "But you can't stay with that forever." Walang imik ang lalaki. His face was void of any emotion. "Time runs so fast. Tumatanda na tayo. Don't you think it's best for all of us to forgive and just love each other?" "Do you think I don't love my father?" "That's not what I'm trying to say Sid. Ofcourse you love him. But you also hate him. We can love and hate someone at the same time. Nasa atin na yon kung alin ang mangingibabaw. Do you really hate him that much?" Nagyuko ng paningin ang lalaki. He was hurt and she couldn't stay with that sight anymore cause her heart was bleeding. "I know I don't have the right to ask that cause I was never in your position. But I know the feeling of losing someone. I lost my parents Sid, in just a blink of an eye. "At ang masakit, namatay silang masama ang loob ko sa kanila. They aren't maybe the best parents. They have flaws, and shortcomings too. But they died still trying to protect me." Namasa ang mga mata ni Agnes. She missed her parents. Inabot siya ng lalaki at saka ipinaloob sa mga bisig nito. Nalulungkot siya ngunit hindi mapigilan ng pusong dumagundong nang masamyo ang amoy ng lalaki. "I'm sorry to hear that love." Hinagkan siya ni Sid sa buhok at saka hinagod ang kanyang braso. She felt comfortable. "Sid, forgive your father. He loves you very much and I know you love him even more. Kung hindi mo kaya ngayon, then take one step at a time. Just give him a chance to show you the way." Tumingala si Agnes. There she saw his passionate eyes. He smiled and it was as if everything in the world stopped from moving. "You never failed to touch my heart lady." Hindi pa halos nakahuma si Agnes sa biglang pagkalabog ng dibdib ay naramdaman na niya ang pagdampi ng mainit nitong labi sa kaniyang labi. She felt his hand surveying her face down to her neck. The heat was overwhelming. Naramdaman niya ang bahagyang kiliti sa paraan ng paghaplos nito. He nipped her lips gently. She was ready to respond more to his kisses had not only Sid's phone ringing. Si Agnes ang unang bumitaw. "Don't mind that." Ani Sid na muling sinakop ang kaniyang mga labi. Handa na sana siyang tangayin muli ngunit tila palakas nang palakas ang tunog ng cellphone. "Sid, it could be an emergency." She murmured in his mouth. "Damn." Iritadong ani Sid nang makabitaw. Kinuha ang cellphone sa bulsa atsaka sinagot ang tawag. "Hello ma?" Hindi maitago sa boses ni Sid ang pagkairitable. Hindi nakaloudspeaker ang cellphone ni Sid kaya't hindi niya marinig ang sinasabi ni tita Angel. But she watched his face lit up suddenly. Kumislap ang mga mata nito. Hindi niya alam kung para saan ang sakit na naramdaman sa dibdib. Siguro ay nasanay lang siyang para lamang sa kanya ang kislap sa mga mata ni Sid. "Pauwi na. Okay ma, bye." Pinatay ni Sid ang cellphone atsaka ibinulsa. "Darlyn's home. Oh god I missed her. Halika ipapakilala kita sa kaniya." Sinikap ngumiti ni Agnes sa kabila ng paninibugho. Right, she was jealous. Alam niyang hindi dapat dahil una pa lang, sana ay naisip na niyang si Sid ay para kay Darlyn. She was his childhood friend. She was his bestfriend. She was the most special girl in his heart. While she was Agnes. A maid who fell in love with her boss' cousin. Ang babaeng nakita ng mga ito sa ibabaw ng kama ng ama ni Darlyn. Ano pang mukhang ihaharap niya sa lahat sa oras na mamukhaan siya ni Darlyn at ipahiya siya sa mismong harap ng magulang ni Sid? Walang nagawa si Agnes kundi tahimik na umusal ng panalangin habang nasa biyahe. Hindi matigil ang kaba sa dibidb ni Agnes hanggang sa maipark ni Sid ang sasakyan sa garahe ng mansion. Magkasabay silang pumasok sa bahay. Sa living room ay nadatnan nilang nakaupo sa sofa ang isang magandang babae. She looked like a model in her mint green dress. Umangat ang mukha nito. Nagliwanag ang mala-anghel na mukha nang makita ang lalaking kasama ni Agnes. Agad itong tumayo at sinalubong si Sid ng yakap. Noon niya napagtanto kung gaano kaganda ang katawan ng babae. It was indeed a figure to die for. At tila hinulma talaga ang katawan nito para sa katawan ni Sid na ngayon ay mahigpit na magkayakap. Tila hinihiwa ang puso ni Agnes. "Gosh I missed you old man!" Hinalikan ni Darlyn si Sid sa pisngi. Agad nag-iwas ng tingin si Agnes. "I missed you more little pumpkin!" Napangiwi ang dalawa. Kapag nag-aasaran ang mga ito ay iyon ang tawag sa isa't isa. Bumaha ang tawanan ng dalawa sa lugar na iyon. Noon bumaba ang mag-asawa sa hagdan. Permanente sa magandang mukha ni Angel ang matamis na ngiti. Si Roland naman ay seryosong pinaglipat-lipat ang tingin sa tatlong nasa ibaba. "Nandito na pala kayo, kanina pa naghihintay si Darlyn." Ani Roland. "No worries tito. Nakita ko na si Sid, it paid off." And even the way Darlyn chuckled was sexy. "Mabuti naman at naisipan mong magbakasyon hija?" Tanong ni Angel. "I'm here for Sid tita, nagtatampo na kasi ang damuho, nakalimutan ko na raw siya." "Ang sabihin mo, hindi mo ako matiis." Ani Sid na hinapit si Darlyn sa bewang. Palibahasa ay normal na para rito iyon. Ngunit hindi kay Agnes na mas gusto na lamang lamunin ng lupa sa mga oras na iyon. "Ganyang-ganyan noon sina Dawn Zulueta at Richard Gomez, naku ako ang kinikilig sa inyong dalawa." Singit ni manang Felice na noon lang nila napansin. "Manang Felice! May pasalubong ako sa'yo!" Nagsimulang magkamustahan ang mga ito at pakiramdam ni Agnes ay hindi siya nag-eexist. Gusto niyang bumuka na lang ang lupa at lamunin siya nang walang nakakapansin. Kahit si Sid ay tila nakalimutan na siya. Kung hindi pa siya mamamataan ni Darlyn ay wala pang makakaalam na naroroon siya sa tabi ng mga ito. "Who is she?" Tanong ni Darlyn kay Sid. "Oh, I almost forgot! She's Agnes, Darlyn. She's my friend." Ani Sid na mariing nakatingin sa kaniya. Iniwas niya ang tingin dito. Friend daw. May kaibigan bang nanghahalik sa labi? "Nice to meet you." Ani Darlyn. Inabot ni Agnes ang kamay nito. Nanlamig ang kamay ni Agnes sa paraan ng pakikipagkamay ni Darlyn. Ayaw niyang isiping mayroong laman ang titig nito sa kanya ngunit iyon ang isinisigaw ng loob niya. Binaha ng katahimikan ang buong silid. Binasag ni Angel ang katahimikan. "She is kind and sweet, Darlyn. Magkakasundo kayo ni Agnes." Nginitian siya ng ginang. "That's for sure tita." Sagot ni Darlyn. Hindi alam ni Agnes kung siya lang ba ang nakarinig sa sarkasmo ng boses ng babae. Ramdam niya ang pag-iiba ng mood nito simula nang mapansin siya. Namukhaan na kaya siya nito? "Are you going to take shower first? Tutulungan ko muna si manang Felice magluto para sa dinner, siguradong gutom na ang mga bata." Baling ni Angel sa asawa. "Okay." Ani Roland atsaka tipid na ngumiti sa lahat bago tumalikod. Nasa paanan ito nang hagdan nang mapahinto. "Pa." Natahimik ang lahat. Tila ba huminto sa pag-ikot ang mundo nang tawagin ni Sid ang ama. "Sid?" "Can we talk?" Kita ng lahat ang pagliwanag ng mukha ni Roland. Ang simpleng mga katagang iyon ay libong pag-asa ang binuhay sa dibdib nito. Halos maiyak si Angel nang panoorin ang mag-amang tahakin ang daan papunta sa labas ng bahay. Sa garden marahil mag-uusap ang dalawa. Hinarap ni Angel si Agnes. "Thank you hija. Ilang taon kong ipinagdasal ang pagkakataong ito. Ikaw lang pala ang kasagutan sa lahat ng ito." "Actually, it's Sid's decision tita. Narealize lang po siguro ni Sid na mas mangingibabaw pa rin sa huli ang pagmamahal niya para kay tito Roland." "Thank you hija." Niyakap siya ng ginang. Nakatalikod si Angel kaya hindi na nito nakita ang pag-irap ni Darlyn mula sa likuran. Kitang-kita ni Agnes kung paano siya nito paulanan ng masamang tingin. Nagbago ang ekspresyon nito nang humarap muli ang ginang. "Maiwan ko muna kayo rito, tutulungan ko si Manang Felice." Paalam ni Angel sa dalawa. "Sige tita." Hinintay ni Darlyn si Angel na makaalis bago nag-iba muli ng ekspresyon. Hinarap siya agad ng babae. Ang mala-anghel na mukha ay nahaluan ng poot at galit. Kung patalim lang ang tingin nito ay tiyak na pira-piraso na sana siya noon. "Tingin mo ba pati ako ay malilinlang mo?" "D-Darlyn-" "Don't say my name! Nakakadiri ka. Paano mo nakilala si Sid? At bakit pati sina tita ay nahulog sa patibong mo ha? Hindi ka na nakuntento kay papa? Siguro pati si tito Roland ay gusto mo pang agawin kay tita malandi ka!" Akmang sasampalin niya ito ngunit napigilan ni Darlyn. Mahigpit ang hawak nito sa pulsuhan niya at sa wari ay bumabaon hanggang sa ugat ang mga daliri nito. "Angkapal ng mukha mo. Ikaw pa talaga ang may ganang manampal? Sige ituloy mo at makikita mo ang gulong hinahanap mo." Hamon ni Darlyn matapos pabalyang bitawan ang kanyang pulsuhan. Walang nagawa si Agnes kundi umatras. "Ito ang tatandaan mo. Kapag hindi ka pa bumalik sa basurang pinanggalingan mo sa lalong madaling panahon, malalaman ni Sid at nina tita kung gaano ka kasamang babae." "Darlyn mali ka ng iniisip." Sinikap patatagin ni Agnes ang loob. "Huwag ka nang magmalinis! Huli ka na sa akto ay todo tanggi ka pa. You know what? To be honest, you are beautiful and you look smart. Pero nagtataka lang ako kung bakit pinili mong maging parausan ng mga lalaking may pamilya na." "Sumusobra ka na." Mariing ani Agnes. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili ngunit hindi niya alam kung paano. "Ano sasaktan mo ako? Sige lang nang mapadali na ang natitirang oras mo sa bahay na ito." Naglakad si Darlyn palapit sa kanya. "Gusto ko bukas ay wala na akong makikitang kahit na anino mo. Hindi ka nagtagumpay na agawin si papa kay mama noon at mas lalong hindi ka magtatagumpay na agawin si Sid sa akin ngayon. Akin lang si Sid, Agnes. Kami ang nararapat para sa isa't isa." Tumalikod si Darlyn at saka nagmartsa palayo. Tila patalim na tumusok ang bawat kataga sa puso ni Agnes. Namuo ang luha sa kaniyang mga mata. Sa pagkakataong iyon niya kailangan ang mga magulang. Mga panahong kailangan niya ng alalay dahil mistula siyang mabubuwal. Panahong kailangan niya ng pakpak dahil halos dumausdos na siya sa lupa. Ngunit wala siyang magagawa. Kinuha ng ama ng babaeng iyon ang buhay ng kanyang mga magulang. Kinuha nito ang karapatan niyang magkaroon ng isang masayang pamilya. At bakit ngayon ay siya pa ang masama? Ganon ba kaunfair ang buhay at kahit siya na ang biktima ay siya pa rin ang may kasalanan sa mata ng mga ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD