Chapter 7: Lie

2040 Words
Hanggang sa hapunan ay nanatiling wala sa sarili si Agnes. Palibhasa ay nasa mag-amang nagkaayos na ang atensiyon ng lahat kaya walang nakapansin sa pananamlay niya maliban kay Darlyn na minamasdan ang bawat galaw niya. Ayaw sirain ni Agnes ang pagkakasiyahan ng lahat. At mas lalong hindi niya gustong pati siya ay problemahin pa ni Sid gayong kita niya sa mata nito ang labis na galak. Matapos ng hapunan ay mataktikang umiwas si Agnes at nanatili na lamang sa kuwarto. She fell asleep until she felt something on her lips. Tuluyang nagising ang kaniyang diwa nang mamulatan si Sid na dinadampian ng mga halik ang kaniyang labi. "There goes my sleeping beauty." Ani ng lalaki at akmang dadampian muli ng halik ang kaniyang labi ngunit umiwas siya. Sa pisngi niya dumiretso ang labi ng lalaki. "Sid, stop it." Aniya sa seryosong tono sabay balikwas ng bangon. Kunot noo siyang pinanood ng lalaki. "I'm your friend right? May kaibigan bang nanghahalik sa labi?" Ilang sandaling nanatili sa pagkakakunot noo si Sid bago umaliwalas ang mukha. "Nagtatampo ka ba? Okay, about that. Kasi naman, di mo pa ako sinasagot. Kung sasabihin mong tayo na, eh di sasabihin ko sa lahat na girlfriend na kita." Nanlaki ang mga mata ni Agnes. Gustong lumundag ng puso niya ngunit agad pumailanlang sa isip ang mga katagang binitawan ni Darlyn. "Sid h-hindi ganon ang ibig kong sabihin." Utal na ani Agnes. Ngisi ang isinagot ng lalaki sa sinabi niya. "May gusto lang akong hinging pabor." "What's it love?" Gustong maluha ni Agnes sa lambing sa boses ng lalaki. "Tutal naman magkaayos na kayo ng papa mo. G-gusto ko na sanang umuwi." Nawala ang ngiti sa labi ng lalaki. "Why? Ayaw mo na ba rito? Hindi mo ba gusto ang lugar?" She would lie if she would tell him she didn't want to stay. But the circumstance was forcing her to say something that would make him upset. And so she did. "Sa totoo lang, nasusuklam ako sa lugar na ito Sid. Hindi ito ang gusto kong kapaligiran. At kahit mabuti ang pakikitungo nina tita sa akin ay hindi mababago non ang nararamdaman ko sa lugar na ito." "Liar. I can see in your eyes that you are lying Agnes. Sabihin mo sa akin ang totoong rason kung bakit. Hindi iyan ang idinidikta ng mukha mo noong nasa Casa Concepcion tayo. Tell me, please." Lumambot ang tinig nito. "Iba ang Casa Concepcion sa mansiyon na ito Sid." "Bukod sa lumang bahay ay anong pinagkaiba ng Casa sa mansiyon Agnes? Bakit ka ba nagkakaganito eh maayos naman tayo kanina? Tell me nagtatampo ka ba?" "Of course not! Ang gusto ko lang ay umuwi na ako. Gusto ko nang bumalik sa Maynila dahil sukang-suka na ako sa lugar na ito." Napapikit si Agnes. Hindi niya kayang makita ang reaksiyon ni Sid. "Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganito. Pero sige, ibabalik kita bukas na bukas sa Maynila Agnes, kung yan ang ikakasiya mo." Tunog ng malakas na pagbalya ng pinto ang sunod na narinig ni Agnes. Hindi niya mapigilang mapahikbi. God knew she loved Sid's home as much as he loved it. Kung papipiliin siya ng mapagkakanlungan, she would choose Sid's home for a million times. Ganon pa man, tila hinahadlangan siya ng tadhana. Ang sumunod na mga sandali ay tila bagyo dahil sa hindi mapigilang pagbuhos ng luha sa mga mata ni Agnes. Hindi niya alam kung paano siya nakatulog. KINABUKASAN ay malamig ang pakikitungo sa kanya ni Sid. Hindi siya nito kinikibo at kung magtatama ang kanilang paningin ay tila siya giniginaw. Nagtataka si Angel kung bakit umagang-umaga ay nagpaalam ang anak na ihahatid na si Agnes sa Maynila. Hindi sinabi ni Sid dito ang rason kaya ang dalaga ang kinausap nito. "Totoo po tita. Uuwi nga po kami ngayon." Nahihiyang ani Agnes. "Ha? Akala ko ay isang linggo kayo rito? Atsaka sabi ni Sid ay babalik din siya agad dito kapag naihatid ka." "P-po?" Gustong mainis ni Agnes sa sarili dahil sa naramdamang pagkadismaya. "Pasensiya na po tita pero may mahalaga po kasi akong naiwan sa Maynila." "Ganon ba? Sayang naman. Mamamasyal sana tayo bukas sa Pagsanjan kasama sina Darlyn." Puno ng pagkadismaya ang boses ni Angel. "Dadalaw ka ulit dito hija ha?" "P-po? Eh, hindi ko po maipapangako tita." Napayuko si Agnes. Ayaw niyang makita ng ginang ang labis na lungkot sa kaniyang mga mata. "Anong ibig mong sabihin Agnes?" Kumunot ang noo ni Angel at hinaplos ang balikat ng dalaga. Noon umangat ang tingin ni Agnes at nagtama ang mga mata nila ng ginang. Noon din bumuhos ang sagana niyang mga luha dahil parang hindi na kakayanin ng kaniyang matang pigilan pa ito. Hindi niya alam kung dahil ba sa comfort na naramdaman kay tita Angel o dahil sa bigat ng nararamdaman kaya kusa na lang nalaglag ang mga luha niya. "Darling what's wrong?" Niyakap siya ni tita Angel. Lalo lamang niyang naramdaman ang lahat ng pighati. Hinagod ng ginang ang kaniyang likod. "T-tita I'm sorry. I'm sorry." Ani Agnes sa pagitan ng mga paghikbi. Si Angel naman na bagama't nagtataka ay walang atubiling niyakap ang dalaga. Dinala niya ito sa library kung saan tahimik at walang makakadistorbo rito. Nang makaupo sa couch ang dalawa ay nagsimulang tumahan ang dalaga bagama't dumadaloy pa rin sa pisngi ang munting butil ng luha. Pinahid nito iyon gamit ang panyong ibinigay ni tita Angel. "I know that you are kind and you have a golden heart tita." Simula ni Agnes. "I have doubts last night if I should tell you this but just by looking at your eyes, parang nakikita ko na rin ang mata ng mama ko." Muling dumaloy ang saganang luha sa mata ni Agnes. "Oh." Nahaplos ang puso ni Angel at pati ito ay nadadala na rin. Namuo ang luha sa mata nito. "At kayo rin ang taong sa tingin ko ay makakatulong sa kin." "I really appreciate your sincerity hija, but you are talking in riddles. Will you please clarify all of these?" May hatid na comfort ang bawat katagang binibitiwan ni Angel, which triggered Agnes to start narrating her past that had been haunting her for about a year. Sinimulan niya ang paglalahad sa parteng naramdaman niya ang pagsisimula ng pagkakalulong ng mga magulang sa sugal, ang ambush sa daan, ang pagtangkang paggahasa sa kanya ng ama ni Darlyn hanggang sa mapunta siya sa poder ni Hunter. "I don't know if my parents are still alive, or if they ever died.." her voice cracked. "I-I don't know where their bodies are." "Oh my god." Tanging nasabi ni Angel. Hindi kinaya ng ginang ang mga nalaman kay Agnes. "I'm sorry hija for doubting you a bit, pero hindi lang ako makapaniwalang magagawa ni Benie ang lahat ng ito. We've known him for decades at halos sabay nang lumaki ang mga anak namin." "Hindi ko rin po kayo masisisi tita. Maging ako po ay hindi makapaniwala noong gabing magising akong nasa ibabaw ng kama niya. Ang alam ko talaga noon ay magkaibigan sila ni papa though I've learned they first met in a casino." Matagal na katahimikan ang namayani. Nasa mukha pa rin ni Angel ang pagkamangha at pagkalito. Hindi niya masisisi ang ginang. Marahil ay talagang isang halimbawa si Benie ng isang mabuting tao sa paningin ng mga ito. Sino ba namang mag-aakala na ang isang senador na laman ng mga balita dahil sa mga charitable institutions at pagtulong sa kapwa ay isa pa lang mamamatay tao at rapist? "I don't need you to believe me tita. And I don't want to change your beliefs. Hindi ko ho kayo gustong madamay. Ngunit ang gusto ko lang po ay hangga't maari ay panatilihin muna natin ang bagay na ito sa pagitan nating dalawa lang. Hangga't wala pa akong mga sapat na ebedensiya ay mananahimik muna ako. Even if it hurts." "Oh, Agnes." Kinabig siya ng ginang at saka niyakap. Ramdam niya sa yapos nito ang pagkalinga ng ina sa isang anak. Ilang sandali niyang pinakiramdaman ang init na nanulay sa dibdib bago kumalas. "And tita, I am not Agnes. I am Summer Grace." "That's your name? Summer Grace. Both name and the owner is beautiful." Nakangiting anito bagama't namamasa ang mata. "Don't worry hija, I may not be able to help you for now but I promise you, sa atin lang muna ang bagay na ito." "Thank you tita." Nang makalabas sila sa library ay saktong pababa ng hagdan sina Sid at Darlyn. Nakita niya ang pagkunot ng noo sa mukha ng dalawa. Ang kay Sid ay pagtataka, ang kay Darlyn ay pagkaasiwa. Ilang ulit siyang niyakap ni Tita Angel bago pinakawalan upang makasakay sa sasakyan. Bago umandar ang minamaneho ni Sid ay natanawan niya ang dalawang babaeng nakamasid sa kanila. Sa daan ay walang kahit na anong imik si Sid. Sinusulyapan niya ito at kahit alam niyang napapansin nito ang ginagawa niyang iyon ay hindi pa rin siya nito kinikibo o pinapasadahan ng tingin man lang. At nasasaktan siya. She missed his kisses. Gusto niyang sabihing iliko nito ang sasakyan at pumunta sila sa dagat, o di kaya ay sa Casa Concepcion. Subalit sino nga lang ba siya para pasakitan ito at ngayon ay maghahabol na parang walang nangyari? She was being unfair. Hanggang sa makabalik sila sa Maynila ay hindi talaga siya nito pinagkaabalahang kausapin. Nang makarating sila sa mansiyon ni Hunter ay walang imik nitong ibinaba ang lahat ng gamit niya saka muling sumakay at saka pinasibad palayo ang sasakyan. Naiwan si Agnes na hilam ng luha ang mukha. Maraming katanungan si Nana Selya sa maaga niyang pagbabalik at kung bakit hindi man lang pumasok ng mansiyon si Sid ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi niya nagawang sagutin nang hindi umiiyak. Pinabayaan siya ni Nana Selya at sinabing lilipas din kung anomang nararamdaman niya ngayon. Nahiling niyang sana ay ganon lang kadali ang lahat. Ngunit alam niya sa kaibuturan ng kaniyang puso, hanggang sa dulo ng kaniyang hininga, si Sid pa rin ang nag-iisang lalaki sa isip at puso niya. Lumipas ang isang linggong wala siyang nababalitaan kay Sid. Hindi na ito dumalaw sa mansiyon magmula nang ihatid siya nito mula sa Laguna. Masakit, ngunit bawat araw ay pinipilit niyang maging matapang upang kahit papaano ay makapagtrabaho at makapamuhay ng normal. Sana ay hindi niya na lang ito nakilala. Sana ay hindi na lang muling nagkrus ang kanilang landas. Baka sakaling pag nangyari yon ay hindi siya nagkakaganito. Walang oras na hindi niya ito naiisip. Ang isang linggong paghihintay ay naging buwan. Kayraming nangyari sa loob ng panahong iyon. Nagkalabuan sina Hunter at Kirsten. Noon din lang niya nalamang si Kirsten at ang babaeng sumira sa kasal ni Hunter noon ay iisa. Noong una ay nagulat siya at hindi makapaniwala. Ngunit di tulad ni Nana Selyang nagalit ay naintindihan naman niya si Kirsten. Isa pa, alam niyang mahal nito ang amo niyang lalaki. Pasasaan ba at magkakaayos din ang dalawa. Ngunit ang pinakamalala sa lahat, namatay ang ina ni Hunter. Nagulantang silang lahat. Noong dumalaw sila noon sa Palawan ay napansin niya ang bahagyang panghihina ni ma'am Emily. Akala niya ay normal na pagkahapo lang iyon dala ng pagkakaroon ng edad. Ngunit noon din niya nalamang mayroon itong kanser. Nagbalik silang lahat sa Palawan upang doon paglamayan ang labi ng ina ni Hunter at sa muling pagkakataon, nagkrus muli ang landas nila ni Sid. Unang araw ay halos mamatay siya sa paninikip ng dibdib dahil tila siya hangin dito. Of course, Darlyn accompanied him. Kulang na lang ay sugurin na niya si Sid ng yakap sa sobrang pagkasabik niyang makita itong muli. Ngunit sa tuwing nakamasid siya sa binata ay naroroon sa direksiyon nito si Darlyn at higit siyang nasasaktan. Tulad ng hapong iyon, napagdesisyunan niyang magpahinga dahil inaantok na talaga siya. Pagkapasok niya sa kuwartong laan para sa kanya ay isinara niya ang pinto. Bukod sa bahay ni ma'am Emily ay may dalawa pa itong nagsisilbing resthouse sa hindi kalayuan. Puno rin iyon ng kuwarto, sapat upang mapagsilbihan ang malalapit na kamag-anak. As she was about to lay down on the bed, someone from the bathroom paced in front of her. Ang sana'y gagawin niyang pag sigaw dala ng gulat ay naudlot nang mapagtanto kung sino iyon. "Sid."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD