Nagising si Summer nang may ngiti sa mga labi. Hindi na niya maalala ang napaginipan ngunit tungkol iyon kay Sid kaya naman maganda ang gising niya. Ilang minuto siyang nakahiga lamang at iniisip ang mga pangyayari sa mga nagdaaang araw. Wala pang isang linggo ngunit tila pang habambuhay na ang mga nangyari. Mahirap mang paniwalaan ngunit masaya si Summer. Nag-inat siya at naghanda na para sa pagbangon. Wala pa rin ang haring araw ngunit wala na ang malakas na hangin at ulan. Kakabangon niya mula sa kinahihigaan nang mahagip ng kanyang paningin ang tatlong kulay pulang rosas sa kanyang bedside table. Sabik niyang kinuha ang mga bulaklak at dinala sa kanyang ilong upang samyuin. Halos umabot sa kanyang tenga ang pagkakangiti nang makita ang sulat sa ilalim ng mga bulaklak. It was from Si

