THE CEO’S GAME OF SEDUCTION Chapter 42 IBA ANG ARAW na iyon sa mga araw na dumaan. Wala kasing Hendrikus na may dalang kung anu-ano sa labas ng salon and spa nang matapos ang duty ni Indira. Dapat nga ay naroon ito dahil may napagkasunduan sila nito na kukunin nito si Blade kasama na rin si Blaze bukas, araw ng Linggo. Ipapasyal daw nito ang mga bata at dadalhin kay Tita Cynthia. Pumayag na sa ganoong set-up si Indira. Susubukan lang nila kung ano ang magiging impact niyon kay Blade. Isa pa ay unti-unti na rin kasing lumalambot ang loob ni Blade sa ama nito. Halos araw-araw ba naman itong may supply ng laruan at pagkain sa bahay nila. Suhol. Siyempre iyon ang kahinaan ni Blade kaya bumigay din ang paslit sa lambing ng ama. Parang may kulang sa loob-loob ni Indira nang bumiyahe siya

