THE CEO’S GAME OF SEDUCTION Chapter 41 GANOON NA LAMANG ang pananayo ng buhok sa batok ni Indira nang tuluyan na niyang igiya si Hendrikus sa loob ng isang spa room doon na masasabing pang-VIP. Iyon ang kinuhang room ni Hendrikus for his massage session with her. Yes, her! Dahil mariin ang pagtanggi nito nang irekomenda niya ang masseuse na pinakamatagal na sa spa na iyon. Ganoon din ang pagbabanta nito sa management. Kapag hindi raw nito makuha ang massage service ni Indira ay ipapasara nga nito ang salon and spa na iyon. Ang antipatiko! Kaagad na sumalubong sa kanyang pang-amoy ang bango ng scented candle na naroon na pinaghalong sandalwood, amber at leather. Mamahalin ang amoy. Asawa ng Congressman kasi ang may-ari ng spa and salon na iyon kaya parang class A din ang level. Sa

