Chapter 38 PALABIRO NGA TALAGA ang kapalaran. Sa nilawak-lawak ng Pilipinas ay doon pa muling makikita ni Indira si Dra. Trinidad na ngayon ay si Mrs. Moore na na siyang Obstetrician nila noon ni Lunette. This only meant one thing. At iyon ay ang takdang pagbunyag sa pagiging ama ni Hendrikus kay Blade. Parang sinasabi sa kanya ng langit na dapat na niyang ipagtapat kay Hendrikus ang lahat at kailangan na sa mismong bibig niya manggaling ang katotohanan. Nananatiling naninigas at namumutla si Indira sa kanyang kinatatayuan. Sa isip niya kanina ay inaasam pa niyang may dumaang buhawi at tangayin siya palayo roon. Palayo sa intensidad at nagtatanong na titig ni Hendrikus sa kanya. Nahirapan man si Indira na hanapin ang kaginhawaan sa sistema niya ay wala siyang nagawa kundi ang paunl

