THE CEO’S GAME OF SEDUCTION Chapter 39 SANDALING INIWAN muna ni Indira ang niluluto niyang sinigang na bangus upang sumilip sa exit door ng kusina. Pasimple niyang pinanood si Blade at Blaze na hindi pa napapagod sa kaka-interview sa kanilang espesyal na bisita— si Hendrikus. Bago pa mag-alas dose ng tanghali ay dumating na sila ni Hendrikus sa bayan ng Libertad mula sa Victoria. May ipinadala itong private chopper sa Victoria na siyang sinakyan nila patungo sa Libertad. At kahit na alam na niyang isa si Hendrikus Lavrenti sa pinakamayamang negosyante ngayon ay nalulula pa rin si Indira sa mga ari-arian nito na isa na nga roon ang private chopper na iyon na sa hula niya ay milyong dolyares ang halaga. Ni hindi nga niya inaakala na makakasakay siya sa ganoong uri ng transportasyon at

