Una
Lukas! Lumabas ka diyan" please! magusap tayo parang-awa mo na! Lukas"!
Hindi ko na alintana kung basang basa na ko ngaun dahil sa malakas na buhos ng ulan,
lukas" lukas! babe, please.. please"! kausapin mo ako kahit saglit lang".
Nanginginig at ramdam ko na rin ang pagod at kawalan ng pagasa ngunit mas nananaig sa akin ang kagustuhang makausap siya.
Lukas!"
Ma'am... pasensya na pero kailangan niyo na po umalis."
Hindi na ako nagulat ng pwersahan akong hawakan at hilahin palayo ng dalawa lalaking naka-unipormeng sa harap ng bahay na binubulabog ko.
Aray!" bitawan niyo ko kuya ano ba"! Lukas!"
Pasensya na po maam. Ngunit nakatanggap po kami ng tawag na kanina pa po kayo nanggugulo dito."!
Hindi ako nanggugulo kuya, gusto ko lang naman makausap ang nobyo ko. Kaya bitawan niyo ko!"
Nanghihina kong pilit hinahatak ang mga braso ko na mahigpit na hinahawakan ng mga ito. Ngunit imbes na makawala ay mas lalo lamang akong nasasaktan dahil mas lalo lamang din humigpit ang kapit ng mga ito.
Aray! ano ba!"
Halos hindi ko na marinig ang sarili boses dahil sa pagod na nararamdaman ko.
Don't touch her!"
Mula sa nanlalabo kong paningin,ay kita ko ang galit sa muka ng lalaking papalapit sa gawi ko. Walang sabi-sabi ay biglaan na lamang nitong sinuntok ang dalawang lalaki na hanggang ngaun ay hawak-hawak pa din ako.
Pasensya na po kayo sir. Nakatanggap po kami ng tawag mula kay sir lukas montever na kanina pa daw po nanggugulo dito si ma'am. At ito rin po ang nagbigay utos na kaladkarin daw po namin si maam palabas kung hindi namin ito mapapasunod."
Paliwanag ng mga ito bago tuluyang nagpaalam at iwan kaming dalawa ng lalaking dahilan ng lahat ng sakit na nararanasan ko ngaun.
Mapapatay talaga kita lukas!"
Sabi pa nito. Nang marinig ang pangalan ng nobyo ay dali-dali kong hinakbang ang mga paa ko pabalik sa harapan ng bahay ng mga montever at muling nagsisigaw na tinatawag ito.
Lukas! babe! alam ko na nariyan ka!" Please... Ayusin natin ito mahal na mahal kita"!
Walang batid ang pag-agos ng mga luha ko. Ngunit hindi ko magawang huminto dahil pakiwari ko sa mga oras na ito ay mas mababaliw ako pag hindi ko nakausap ang lalaking pinakamamahal ko.
Tama na yan Seanna".
awat ng lalaki na agad na din palang nakasunod sa likuran ko. Ngunit imbes na makinig ay binalewa ko ito at mas lalo lamang nilakas ang boses ko sa pag-asang lalabas din ang taong pakay ko.
Seanna please iuuwi na kita. Baka magkasakit ka niyan."
At sa pangalawang pagkakataon ay binalewala ko pa rin ito at patuloy lamang ako sa ginagawa ko.
Kilala ko si lukas hindi ka na niya haharapin pa." Halika na at sumama ka muna sa akin. Alam ko hindi ito ang tamang panahon para pagusapan ang nangyari sa atin. Pero please, hayaan mo sana muna akong makapagpaliwanag."
Napalitan ng galit ang kaninang pagod na nararamdaman ko. Walang sabi-sabing nilingon ko ito at malakas na pinadapo ang nanginginig kong palad sa muka ng lalaking ang kapal lang para lapitan ako.
Ang kapal ng muka mo! para sabihin ang bagay na yan. Kasalanan mo ang lahat ng ito Darex!" kung sana.. kung sana..
Hindi ko na natapos ang nais kong sabihin ng biglaan ako yakapin nito.
Ang kapal din talaga ng pagmumuka niyo!" diyan pa talaga sa harapan ng bahay ko. Ano nabitin paba kayo?!" at dito niyo pa talaga naisipan ituloy ang kababuyan niyo!"
Bigla ay nabuhay ako at agad na itinulak si darex palayo sa akin.
Babe"! omygad babe"! sabi ko na at hindi mo ako matitiis.
Agad kong lapit dito at mahigpit na niyakap ito.
I love you so much. Lukas! ayusin nanatin to huh. mahal na mahal kita." at alam ko naman na ganun ka rin sa akin." magpapakasal pa tayo diba?"
Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito. Hindi naman ito tumutol kaya akala ko ay okay na, maayos na, at babalikan niya na ako. Ngunit ganoon na lamang ang pagkabigla ko ng ngumisi ito at mariing hinawakan ang magkabilang balikat ko at walang pagdadalawang isip na itinulak ako.
in your dreams b***h
Nanlaki ang mga mata ko at hinintay na lamang ang pagbagsak ng sapuhin ako ni Darex mula sa likuran ko.
Hayop ka talaga lukas"!
Mula sa pagkakasapo sa akin ni Darex ay maingat ako nitong inalalayan at inayos sa pagkakatayo ko.
Ayos ka lang?"
May pagaalalang tinitigan ako nito. Hindi ko magawang sumagot at patuloy lang ako sa pag-iyak.
Umalis kana at wag na wag mo ng tangkaing magpakita pa kahit kelan kung pwede nga lang mamatay ka na lang!" B****h
Tumalikod na ito at hindi manlang ako binigyan ng pagkakataon para ipaliwanag ang sarili ko.
Gago ka lukas papatayin kita"!
Sa narinig ay agad kong hinigpitan ang pagkakapit sa braso ni Darex at buong pusong nakikiusap na umiling dito.
Sorry"!
Yun lang at agad nitong inundayan ng suntok ang nkatalikod nasi lukas. Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko alam kung paano at sino ang hahawakan sa dalawa. Sunod sunod na suntok ang pinakakawalan ng bawat isa na parang sinasabing walang sinuman ang pwedeng makaawat.
Lukas!"omaygad bitawan mo si Darex!"
Ngunit imbes na makinig ay nagawa pa ako nitong maitulak kahit pa ang dalawang kamay ay nakahawak sa bakal na nakuha nito kung saan at yon ang ginamit na panakal kay Darex.
Hayop ka talaga lukas"!
Sa isang iglab ay nagawang pagbaliktarin ni Darex ang position nila ni lukas at ito naman ngaun ang sumasakal dito gamit ang bakal na naagaw nito.
Papatayin na kita! hayop ka!"
Doon na ako nataranta at agad na pinaghahampas sa likod si Darex.
Darex!" ano ba bitawan mo siya!"
Ngunit hindi ito nakinig at galit na lalo pang idiin ang pagkakahawak sa bakal. Kita ko na rin ang hirap sa muka ni lukas kaya naman hindi ako tumigil sa paghampas sa likuran nito.
Tama na please"!
Dala na rin siguro ng matinding pagod at iyak ay biglaan na lamang umikot ang paningin ko. At yon ang huli naaalala ko bago tuluyang nawala ang malay ko.