FIVE years later… Year 2022. “YES, Liz. Ang ganda ng ibinigay mong vest sa’kin. Sa katunayan nga suot ko ngayon, eh! Perfectly fitted pa siya!” masayang sabi ni Lucille. Ang atensyon niya ay nakatuon sa banayad na pagmamaneho sa unahan ng sasakyan gamit ang kaliwang kamay sa manibela, ang isa naman ay nakahawak sa cellphone na nakadikit sa kanyang tainga. She was wearing rainbow knitted vest na napapailaliman ng putting t-shirt. At dahil malamig ang panahon ay tamang-tama iyong suot niya. “I would love to see you wearing that, dear. Kaya lang ay isinuot mo na,” sagot ng matandang kausap sa kabilang linya. Bahagyang natawa si Lucille. “Pwede ko rin naman suotin ‘to bukas, lalabhan ko na lang. Pupunta din kasi ako dyan para bumisita. Tatapusin ko lang ang mga gagawin ko.” “Alright, ipag

