bc

Till Then

book_age16+
304
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
sweet
bxg
city
small town
sentinel and guide
passionate
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

Sa kabila ng pagiging successful business woman ni Lucille Sta. Ana, nagtatago sa puso niya ang takot mula sa nakaraan at nagbabanta sa buhay niya ang panganib sa kasalukuyan. Ang buong akala niya ay kaya niyang i-handle ng mag-isa ang lahat, not until Lucas arrived. Body guard niya raw ang lalaki kahit wala siyang natatandaang hin-ire.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
A LAS ONCE Y MEDIA na ng gabi nang matapos ni Lucille ang pag-double check sa mga packages na ipadadala sa kanyang mga customer sa araw ng bukas. Kanina pang a las sais nakauwi ang assistant niyang si Ivy at delivery boy na si Tibong kaya siya na lang ang natitira doon sa kanyang opisina/shop/production house. Eksaktong uuwi na sana siya ng mga oras na iyon, ngunit eksakto ring may hindi inaasahang tao ang dumating. “I told you, I don’t need a body guard.” “Kailangan mo ako,” matigas na sabi ng lalaking nasa harapan ng mesa ni Lucille. Humalukipkip siya at pinaningkitan ng mga mata ang lalaki, she also tried and gave her most intimidating look to the point na sumakit na ang kanyang mga mata. Wala siya sa mood makipag-usap dahil sa maghapong pagtrabaho, mabuti sana kung customer o kakilala niyang may kailangan sa kanya ay kakausapin niya. Kaso ay hindi niya kilala ang lalaking ito at sinasabi pa nitong siya ang may kailangan dito.  Tinaasan niya ng kilay ang lalaki at tumingin sa pinto, sumenyas siya na pwede na itong umalis. Pero matigas ang lalaki, tinapatan siya ng tingin, palaban at mataman. Magkaganoon man, pansin niya ang ngiting nais sumilay sa isang sulok ng mga labi nito, tila nag-e-enjoy pang nakikitang naiinis siya. Kanina pa kasi sila nagsasagutan at wala yatang balak na magpatalo ito. At first sight of him stepping in her office and introduced himself and his purpose, she knew that Lucas Medina was an epitome of a great body guard. He has the army-cut hair, his face features were strong, and like his sharp thick eyebrows that compliment those sharp and sensual eyes, he also has a pointed nose and strong jaw. The man has also noticably muscular body. His pectoral muscles and large biceps may be results of hard work, and his eight pack abs are nearly visible on his brown t-shirt. And she knew that behind those cargo pants are lean and muscular legs. Yes, he’s an epitome of a great body guard, pero ang tipong mga ganitong itsura din ang kailangan niyang iwasan. At nais niya ring kastiguhin ang sarili hindi niya naiwasang lihim na pag-aralan ang mukha at katawan ng matangkad na lalaki. Huwag mo siyang titigan! He’s just an ordinary guy! Sikmat niya sa isip. “Bingi ka ba, Mr. Medina? O, baka gusto mong tumawag pa ako ng pulis at ipakaladkad kita? Hindi lang hanggang labas, kundi hanggang presinto pa.” “Baka sila pa ang kaladkarin ko palabas?” pabiro ngunit tila totoong sabi nito. Mas naging kapansin-pansin nito ang ngiting gumuhit lang sa magkabilang sulok ng mga labi. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. She can’t believe that this man was stubborn and arrogant! “Ang yabang mo, ah! Sa ugali mong iyan, mas lalong hindi dapat ako magtiwala sa’yo!” “Nagbibiro lang ako, Miss Sta. Ana,” maikli itong tumawa. “Marespeto ako sa kapwa ko tao,” Ipinatong nito ang magkabilang kamay sa mesa at inilapit ang sarili sa kanya, hindi pa rin naaalis ang ngiti nito. Bigla-bigla, hindi siya makagalaw dahil sa bahagyang pagkakalapit ng mga mukha nila. Wow, kahit ano sigurong iwas niyang aminin na hindi magandang lalaki ang kaharap ay ‘di niya kayang lokohin ang sarili, nakadagdag pa dito appeal ng katamtamang amoy ng pabangong nababagay lamang sa isang lalaki. And she didn’t expect the sudden reaction of her body, parang nanlambot siya bigla, na kinakabahan. Parang may hinahanap ang katawan niya na kailangang punan. Alarming by the reaction of her own body, Lucille rebuilt her invisible wall of defense. Umatras siya bigla, si Lucas naman ay umayos sa pagkakatayo. “Pwede akong mag-hire ng body guard anytime na gugustuhin ko. Isa pa, hindi lang naman ako tumitingin sa malaking katawan ng isang tao, hindi rin ako tumitingin lang sa lakas, kailangan din ng good moral character—which is parang kulang ka kasi pinagpipilitan mo ang sarili mo, mukha ka pang mayabang. Isa pa, saan ka makakakita ng nag-a-apply bilang body guard na magwo-walk-in ng dis oras ng gabi? Are you that desperate to get the job?” mahaba niyang lintanya. Teka, hindi ba nasobrahan na yata siya sa mga sinabi? “Pasensya ka na kung nayayabangan ka sa akin. Gusto ko rin malaman mo na nagbibiro lang ako kanina sa sinabi ko. Gaya ng sabi ko, marespeto ako sa kapwa ko tao. Doon sa tanong mo kung bakit dis-oras ng gabi ako nandito, bukas sana ako pupunta kaya lang nagkataon na ganitong oras ako uuwi galing dun sa kaibigan ko. Naisipan kong may tao pa ngayon kaya bakit ko ipagpapabukas? At bilang sagot sa huli mong tanong, maraming job offer sa’kin. “Ang gusto ko lang naman sabihin sa’yo ay sinusunod ko lamang ang utos ng mama mo dahil binayaran niya na ako in advance. Nag-aalala siya dahil mayroong daw lalaking obssesed sa’yo. At ipinaalala niya sa’kin na ‘wag daw akong pasisindak sa’yo, siya na mismo ang nagsabi. Kung sana ay nadala ko lang iyong sulat niya para sa’yo, maniniwala kang nagsasabi ako ng totoo. Hayaan mo next time dadalhin ko,” imporma nito na bawat tanong niya ay sinagot rin nito isa-isa. Natigilan si Lucille. Oo, sinabi ng lalaki sa kanya na nakilala nito ang mama niya sa ospital nang minsang namali ng pasok ng kwarto ang lalaki at nagkakwentuhan ang dalawa. But she doesn’t want to hear his further explanation, malamang ay nirereto na naman ito ng mama niya sa kanya. Kahit na lang sino ang makilala ng mama niya na single at stable ay nirereto sa kanya: Pulis, Teacher, Nurse, to name a few. Takot kasi ang mama niya na baka hindi siya mag-asawa dahil malapit na siyang mag-thirty. Well, tatlong buwan na lang ay trenta anyos na siya, pero so what?! Iba-iba naman ang timeline ng tao. Kung ang lahat ng tao ay mag-aasawa bago magtrenta ay mawawala ang balance ng ecosystem. Iyon ang sabi niya sa mahal niyang ina na palibhasa sixteen years old pa lang ay ipinagbuntis na siya. “Well, Mr. Lucas, wala na si Mama. At tungkol doon sa lalaking obsess sa’kin, may Temporary Restraining Order na siya. Iyong ibinayad sa’yo ni Mama, ibibigay ko na iyon ng libre. Just get out of here,” simangot niya bago naglakad patungo sa pinto palabas ng kanyang opisina. Binuksan niya iyon at tumingin sa lalaki. “You may go now.” Bumuntong-hininga naman si Lucas at mabagal na humakbang patungo sa kanya, tumigil ito sa harap niya dahilan kung bakit siya napatingala na halos mabali ang leeg. Ito naman ay napayuko upang masalubong ang tingin niya. Ito ba ang disadvantage ng pagiging 5’1? Hindi na siguro siya tatangkad kahit ilang bote na ng pampatangkad ang naubos niya, nagmukha siyang pandak sa harapan ng lalaking ito na sa tingin niya’y nasa early thirties lamang. “Binibini, ba’t ba ang sungit mo? Noong nakausap ko ang mama mo ang bait-bait naman niya. Kanino ka ba nagmana? Sa papa mo ba?” tila naghihinanakit na sabi nito. “At ano ba namang pakialam mo?” tinaasan niya ito ng isang kilay. “Isa pa, ‘wag mong banggitin ang lalaking iyon sa’kin.” “Nagtatanong lang, sayang ang ganda mo pa naman. Ang sungit mo lang.” “Get out of here,” mariin niyang utos na nilawakan ang pagkakabukas sa pinto. Muli ay nagsukatan sila ng tingin ng lalaki, seryoso na ito ngunit parang sumusuko na sa kanya. Well, mas mabuti nang ganoon. Mas mabuting ‘wag niyang hayaang lapitan siya nito. Lumabas si Lucas nang wala ng sinabing kahit ano, siya naman ay inihatid ito hanggang main door para maisara na rin iyon. She even bid goodnight, pero hindi na siya nito pinansin. Pagkatapos niyang mai-lock ang main door ng shop ay bumalik na siya sa opisina at pabagsak na naupo sa swivel chair. Nakahinga na siya ng maluwang, mabuti naman at bumalik na sa normal ang oxygen sa kanyang baga. Hindi niya naman itensyon na pagsungitan si Lucas, sadyang pinoprotektahan niya lang ang sarili laban sa mga lalaking tulad nito, lalo na’t hindi niya inasahan ang reaksyon ng kanyang damdamin ng makita ito, para kasing may hipnostismo ang karisma ng lalaki. Gusto niya ring lokohin ang sarili na walang epekto ito sa kanya pero hindi niya kaya, he’s so good-looking to be ignored. Nakakainis. “Ma, alam mo kong nag-aalala ka sa’kin pero malaki na ako. I don’t need a man to protect me,” Tumingin si Lucille sa picture frame kung saan makikita na magkakayakap sila ng kanyang ina at lola Rosie. “Pero alam kong may double-purpose ka, gusto mo na naman ireto sa’kin iyon. ‘Di ba tama ako?” ngiti niya sabay kuha sa frame at pinakatitigan iyon. Nasa kaliwa si Lola Rosie, si Ginang Lucinda ang nasa gitna, siya naman ay nasa kanan at bakas sa mukha nila ang pagiging masaya. Masaya— pero noon iyon, noong mga panahong nabubuhay pa ang pinakamamahal niyang dalawang babae. Namulat sa mundong ibabaw si Lucille na ang tanging nag-alaga ay ang lola Rosie at ang mama niyang si Ginang Lucinda. Lahat ng pag-aalaga at pagmamahal ay umiikot sa kanilang tatlo, ngunit kahit puno ng pagmamahal ang kanilang bahay ay may kulang at mapanglaw pa rin dahil kulang ng mga haligi ng tahanan. Walang nadatnang lolo si Lucille sa side ng kanyang ina dahil iniwan nito si Lola Rosie. Nowhere to be seen na ito, pero sabi ng lola Rosie niya ay may iba na itong pamilya at wala na silang balita kung nasaan na. Ang kanyang ina  naman ay nabuntis ng kaklase nito sa college at siya nga itong anak. Ang kwento ng kanyang mama ay patay na ito, pero isang araw ay ipinagtapat din nito na tinakasan sila ng kanyang ama at pumunta na ng Amerika. May asawa na rin daw itong Amerikana ayon sa balita nila dito. In short, hindi niya nakita ang sana ay mga lalaking dapat ay bahagi ng kanyang buhay. Para sa kanya, mga walang kwentang asawa ang mga ito, duwag at hindi karapat-dapat mahalin. Ang dalawa rin ang kanyang halimbawa kung bakit takot siyang magmahal, na baka iwan rin siya pagdating ng panahon. Actually noong second year college ay may naging boyfriend na rin si Lucille na isang anak-mayaman at gwapo rin naman. Well, alam niyang pareho lang silang naglolokohang dalawa, alam niya ang agenda nito ay ma-score-an siya at ipagmalaki sa mga katropa nitong pareho din nitong mapaglaro. Pero hindi siya nagpadala sa mga matatamis nitong salita. Siya na unang nakipag-break dito sa harap ng mga barkada nito at ibinuking niya ang agenda ng mga ito. Magkaganoon pa man, hindi siya nakahanap ng satisfaction sa ginawa, ewan niya ba kung bakit. Simula noon ay hindi na muling nagka-boyfriend si Lucille, nag-focus na lang siya sa pag-aaral at binibilang ang hindi matumbasang paghihirap ng kanyang lola at ina. Binuhay si Lucille ni Lola Rosie at Ginang Lucinda sa pamamagitan ng iba’t-ibang trabaho gaya ng paglalabada, pamamasukan bilang kasambahay, pagtitinda sa palengke at kung ano-ano pang side line. At dahil sa trabaho ng kanyang ina at lola ay napagtapos siya ng mga ito bilang BSBA Marketing, ngunit two years ago ay namatay si lola Rosie dahil sa nasagasaan ng kotse at na dead on the spot, ang masaklap pa ay kitang-kita niya kung paano ito tumilapon at nagkalat ang dugo sa kalsada. Nakamtan man nila ang hustisya, masakit na masakit iyon kina Lucille at Ginang Lucinda, ngunit mas lalong naging mas masaklap ang buhay ni Lucille nang wala pang isang buwan na pagkamatay ng kanyang lola ay na-diagnose na may stage three cervical cancer ang kanyang ina. Ginawa niya ang lahat mabuhay lamang ito, pero madamot ang tadhana, sumuko rin ang kanyang ina sa sakit nito at namaalam sa kanya isang buwan na ang nakalilipas. “Anak, nakikiusap ako sa’yo, huwag kang matakot magmahal. Pakiusap pagbigyan mo ang sarili mong lumigaya dahil alam kong may mabuting lalaki ang ibibigay sa’yo ng Dios.” Siguro sa iba ay kakatwa ang bilin na iyon ng mama niya dahil imbes na magpaalam ito ng matino sa mga huling hininga nito ay nagbilin pa ito na siya’y magmahal. Pero hindi niya masisisi ang ina dahil ayaw lang naman nitong mabuhay siyang mag-isa. Kahit noong nabubuhay pa si Lola Rosie at ang kanyang ina ay hindi nakakalimutan ng mga ito ang bilinan siya— na huwag pigilan ang sarili na magmahal upang siya ay may makasama sa buhay at magkaroon ng mga anak. Alam niyang nasabi iyon ng dalawa dahil nag-aalala lamang ang mga ito na wala siyang kasama sa pagtanda since wala na silang ibang kamag-anak na kilala. Pero lalaki ba talaga ang solusyon upang maging masaya muli ang kanyang buhay? Halimbawa na ang pag-iwan ng kanya-kanya nitong asawa upang huwag maghanap si Lucille ng lalaking mapapangasawa. Minsan naman ay may mga nagustuhan siya kahit papaano, pero hangga’t kaya ay pinigilan niya ang nararamdaman dahil takot siyang matulad sa kanyang lola Rosie at kanyang mama na bigo sa pag-ibig. So better to be alone na lang, isa pa maraming pwedeng pagtuunan ng atensyon kaysa maghanap ng mapapangasawa. Ginugugol lamang ni Lucille ang buhay niya sa pagtatrabaho sa paggawa at pagbenta ng demanding ‘Rosana Body Potion’ na pwera sa nirentahan niyang space sa Visayas Avenue sa Quezon City ay binebenta niya rin online, at ang sobra-sobra niyang kita ay dino-donate niya sa napipiling mga NGO. “Hay, lola, mama… ang hirap talaga kapag wala kayo. And for you, Mama, salamat sa body guard pero gaya ng lagi kong sinasabi, I can take care of myself,” bumuntong-hininga si Lucille bago tumayo ng tuwid. Dinampot niya ang shoulder bag bago lumabas ng shop. Nang maisara niya ang main door ng Rosana’s Shop, sunod sanang ibaba niya ay ang roll-up door ngunit hindi pa magkakalahati ang naibaba niya ay parang may napansin siyang kahina-hinala sa paligid. Madalas ay tahimik na talaga kapag ganoong oras, may mga tao ngunit nasa malayo, may mga mangilan-ngilan ding sasakyan ang dumaraan, normal na sarado na rin ang mga katabing shop. Kaya lang ang hindi normal ay iyong patay lahat ng ilaw ng poste sa kaharap ng kanyang shop, pati na rin mismo sa tabi niyon! May umusbong ang pagtataka ni Lucille nang inilibot niya ang kanyang paningin.  May nakaparadang itim na kotse sa harap ng shop niya sa kabilang establisimyento. Kunot-noo at pinaliit niya ang mga mata habang ina-aninag niya iyon, pero agad na lang siyang nagulat nang nakitang may nakatayo doong dalawang bulto ng lalaki. Agad din siyang kinutuban ng masama nang lumapit ito sa kanya, doon niya rin nakitang nakasuot ang mga ito ng balaclava mask! Biglang kumalabog ng mabilis ang puso niya nang mabilis na lumapit ang mga ito kung saan siya naroroon. Dahil nalito at natakot ay paatras na hakbang palayo ang nagawa niya. “Huwag ka ng pumalag, sumama ka sa’min,” mabilis na humakbang ang dalawang lalaki patungo sa kanya. Tinangka siyang hablutin ng isa sa kwelyo, ngunit hinampas niya ito ng shoulder bag sa kamay. “Ano ba! Lumayo kayo sa’kin!” “Halika dito!” “Sino ba kayo? Ano’ng— ah!” napatili si Lucille nang mapamali ng tapak ang paa dahilan kung bakit siya natumba! Nais niya sanang sumigaw at humingi ng tulong, ngunit walang boses ang lumalabas sa kanyang bibig dahil nauunahan siya ng pagpa-panic. Mabilis siyang tumayo at pilit muling umatras. Ngunit saglit yatang huminto ang puso niya nang mabangga ang likuran niya sa isang matigas na bagay. And it was unmistakable a hard rock body of a man! Banayad na hinawakan ng nakabangga ang magkabila niyang balikat habang nerbyos niya itong tiningala. The man was too tall to see his face, pero nakita niya ang mukha nito nang yumuko ito at bahagyang ngumiti. “L-Lucas?” halos papiyok niyang sabi nang makilala kung sino ito. Hindi niya alam pero bigla nalang humupa ang kanyang kaba. “Relax,” Halos pabulong nitong sabi, bahagya pang pinisil ang kanyang mga balikat. “Hoy! Sino ka? ‘Wag kang makialam dito, ibigay mo sa’min ‘yang babae!” bahagyang pasigaw ng isa sa dalawang lalaki, kasunuran nito ang pangalawa. “Huwag mo akong ibibigay sa kanila,” mabilis niyang sabi sa kadikit na lalaki, mas lalo nya pang siniksik ang sarili dito. “Uhuh…” anito saka tumingin sa dalawang nasa unahan. “Kayo ang tatanungin ko. Sino kayo? Ano bang kailangan niyo sa kanya?” “Wala ka nang pakialam!” sabi ng isa. Dumukot ito ng baril sa bulsa dahilan kung bakit nanlaki sa gulat ang mga mata ni Lucille! “Lucas! May baril siya!” Sunod-sunod na kinalabit niya ito sa may tiyan. “Nakikita ko,” prenteng sabi ni Lucas bago walang pasabing dumukot rin ng baril sa bulsa at pinaputukan ng dalawang beses ang mga lalaki! Dahil hindi inasahan ni Lucille ang gagawin ni Lucas, malakas siyang napatili, napayuko at naitakip ang dalawang kamay sa tainga sabay ang pag-pikit ng mariin, maging ang malalayong tao ay napatingin sa gawi nila at napatili rin! Napahiyaw ang dalawang may masamang balak dahil sa tinamong tama ng bala, sapul ang mga ito sa kamay! Pasigaw na bumalik ang mga ito sa kotseng itim at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. “Ba’t ka nagpaputok?!” Humarap si Lucille kay Lucas nang makabawi siya sa nangyari, mabilis siyang humahangos. First time niyang makarinig ng putok ng baril sa personal, nakakabingi pala! “Pareho silang may baril at pareho ring magpapaputok kaya inunahan ko na.” depensa nitong sagot. “Kaysa naman tayo ang barilin, ‘di ba?” Tumingin si Lucille sa paliit nang paliit na sasakyan hanggang sa lumiko na ito sa malayong kanto, bago bumalik ang tingin niya kay Lucas. “Wala na sila, palagay ko sila lang ang nagmamanman sa’yo. Mabuti na lang hindi ako umalis.” “H-hindi ka umalis?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Gaya ng sabi ko, hindi.” “Ano’ng nangyayari dito?” mula naman sa kung saan, may dumating na dalawang pulis. Sinundan ang mga ito ng ilang mga mapang-usyosong tao. “Dito ba galing ‘yung putok?” “Oo Sir! Dito nga!” imbes na si Lucille ang sumagot ay ang lalaking usyusero na kasunod lang ng mga ito ang sumagot. “Sir, may nagtangkang dumukot sa’kin! Kamuntik na silang magpaputok ng baril!” tumingin siya sa dalawang baril na nabitiwan ng mga suspek, naroon lang ang mga iyon sa kalsada. Napalunok din siya ng may makitang bakas ng mga dugo. She doesn’t like the sight of blood. Natatakot siya.  “S-sir… a-ayun po ‘yung b-baril,” “Ma’am, nasaktan ba kayo?” sinuri siya ng isang babaeng pulis mula ulo hanggang paa. “Yes, I’m ok but—” nilingon niya si Lucas. Ngunit ganoon nalang ang pagtataka niya nang bigla itong nawala!      

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.9K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.6K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
114.1K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook