“GOOD MORNING, Ate Lucille! Start the day with a smile!” masiglang bati ni Ivy kay Lucille esksaktong pagkababa niya ng taxi sa harap ng kanyang shop.
“Good morning, ate!” bati naman ni Tibong.
Maliit at payat ang beinte tres anyos na si Ivy. Ang beinte anyos na si Tibong naman ay five four ang taas, semi-bald at katamtaman ang pangangatawan. Ngunit ang agad mapapansin sa dalawa ay ang makikinis at rosy-white na balat, palibhasa users ng Rosana's body potion.
“Good morning din sainyo. Pasensya na late ako,” pilit nginitian ni Lucille sina Ivy at Tibong. Abala ang dalawa sa paglalagay ng packages sa multicab dahil ipapadala na iyon sa mga customers. Bigla na naman niyang naalala ang nangyari ng nakaraang gabi. Usually a las cinco ng hapon umuuwi na sina Ivy at Tibong, pero naisip niya na kung nagkataon na naroon ang dalawa ay baka mapahamak din itong pareho.
“Ate Lucille, Ba’t parang hindi po maganda ang morning nyo?” kunot-noong tanong ni Ivy. Saglit itong nahinto sa ginagawa.
“Ha? Ah… hindi ako nakatulog kagabi ng maayos, marami lang iniisip,” walang latoy niyang sagot. Dalawang oras lang yata ang tulog niya, o parang hindi nga talaga siya nakatulog dahil maya't maya ang gising niya dahil sa takot na baka may biglang sumulpot na lang sa condo niya kaya ramdam niya ang pressure sa mga mata at sakit sa lalamunan. Lamang ganoon ang pakiramdam niya na halos tinatamad at walang energy dahil hindi siya sanay sa puyatan, nakadagdag pa ang isiping kamuntik na siyang makidnap ng nakaraang gabi. Hindi siya pwedeng magkamali, si Winston ang may pakana niyon. Pero hindi lang iyon ang rason kung bakit mas lalong napuyat siya at hindi nakatulog ng maayos, kundi iyong ginawang pagligtas sa kanya ni Lucas. Kung hindi ito dumating ay hindi niya alam kung nasaan na siya ngayon.
For the first time in her life, she felt being cared by a man. Ang ganda pala sa pakiramdam ng ipagtanggol…
Ipiniling ni Lucille ang ulo. No! She should not let herself to feel that way! Isa pa, anong ‘cared by a man’ ang pinag-iisip niya? Eh, ang lalaki na ngang iyon ang nagsabing binayaran ito ng kanyang mama upang bantayan siya. In short ginagawa lang ito ang trabaho, kaya walang dahilan para mag-isip siya ng kung ano-ano.
“Ah, sige, kayo na bahala dyan, papasok na ako sa loob.”
“Sige po, ahihihi!” hagikhik ni Ivy.
Nagtaka si Lucille kung bakit para yatang humarot at mas sumigla ang kanyang assistant. Nakakita na naman siguro ng lalaking matitipuhan kaya ganoon. “Si Ivy talaga oo,“ Iiling-iiling niyang sabi, ngunit natigilan pagkapasok dahil may hindi inaasahang tao ang nakatayo sa reception area. “Lucas?!” bulalas niya ng makilala ito!
“Good morning, ma’am,” masigla nitong bati with matching killer smile.
“Ano’ng ginagawa mo dito?”
“Hindi ba body guard mo ako? Kaya ako nandito para bantayan ka,” simple nitong imporma.
“Bantayan?” dahan-dahan siyang lumapit dito, humalukpkip siya at pinaningkitan ng mga mata ang lalaki. “Sa pagkakaalala ko, bigla ka na lang nawala kagabi na parang bula.”
“Pero pin-rotektahan naman po kita, ‘di po ba?” may halong lambing ang tinig nito.
“Yes, I know that. Pero bigla ka na lang naglaho, saan ka ba pumunta? Hindi tuloy ako nakapaliwanag ng maayos sa mga pulis,” aniya. Sinabi niya sa mga pulis na tinangka siyang dukutin ng dalawang lalaki sakay ng iisang kotse nang biglang may tumulong sa kanya ngunit hindi niya na malaman kung saan pumaroon.
“Kinailangan kong umalis dahil baka hulihin ako ng pulis. Expired na kasi ang lisensya nung dala kong baril. Buti na lang hindi nila ako nakitang umalis, isa iyong himala.”
“Nagdala ka ng baril na walang lisensya?!” pinanlakihan niya ito ng mga mata.
“Kagabi lang naman po,” napakamot ito sa batok. “At saka last week lang naman nag-expire. Ire-renew ko na lang.”
Muli niyang pinaningkitan ng mga mata ang lalaki, samantalang ito ay painosente lamang siyang tiningnan. She can’t believe it!
“Papaano pa kita pagkakatiwalaang maging body guard kung hindi ka sumusunod sa batas? You’re not worthy to become my body guard, and I don’t need you.”
“Inuulit ko, sumusunod lang ako sa utos ng nagpa-sweldo sa’kin.”
“Inuulit ko rin, patay na ang mama ko kaya pwede mo na siyang suwayin,” she waved her hand in a dismissal gesture.
“Ma’am Lucille, kung hindi nyo alam ang meaning ng ‘honesty’, Ako alam ko,” matigas na sabi ni Lucas, ni hindi man lang ito nag-alinlangan sa mga sinabi!
Naiawang ni Lucille ang kanyang mga labi dahil sa pagsagot nito sa kanya. “Nakakainis ka!” bulalas niya at hindi sadyang naihampas nya sa braso nito ang dalang shoulder bag, ngunit ang lalaki ay ni pikit ay wala, hindi man lamang natinag, parang bato ang hinampas niya. Itinuro niya ang mukha nito. “Huwag mo akong susundan sa loob! Kung gusto mong nandito ka, dyan ka lang sa pwesto mo! Tatayo ka dito magdamag,” turo niya sa kinatatayuan nito.
“Okay lang ho. Sa dating linya ng trabaho ko dalawang araw pa nga akong steady. Naghihintay ng kalaban,” imporma pa nito sa kanya, tumaas ang isang sulok ng mga labi.
Mas lalo niya itong pinaningkitan ng mga mata bago pumasok sa loob ng opisina at pinagbagsakan ng pinto. Paaburido niyang binalibag ang shoulder bag sa mesa at pabagsak na naupo sa swivel chair. Ipinatong niya ang dalawang siko sa mesa at isinubsob ang mukha sa mga kamay. “Nakakainis, ubod ng kulit!”
“Ate Lucille?”
Nai-angat ni Lucille ang paningin. Ang akala niya ay si Lucas ang pumasok, si Ivy pala.
“O-okay lang po ba kayo?” medyo alangan nitong tanong.
Tumango-tango siya. “Bakit, ano ‘yun Ivy?”
“Dumaan po si Mrs. Perez. Mag-o-order daw po siya ng fifty pieces ng body creame, kung pwede daw po ipadala ngayong umaga kasi ipapadala sa anak niya sa Malaysia ngayon din pong araw.”
“Oh, sige. Pupunta lang ako sa production area at iche-check ko kung pwede na iyong iba,” aniyang tumayo.
“Ate Lucille, sandali po,”
“Bakit?”
Ngumiti si Ivy ng malawak at mas lalong lumapit sa table niya. “Sino po iyong machong lalaki sa labas ng pinto niyo? I mean… nauna pa po siya sa’min ni Tibong na dumating. Nagpakilala siya sa’min na siya si Lucas, body guard mo daw siya. Hindi ko po alam na kukuha na po kayo ng body guard.”
Bahagyang naitaas ni Lucille ang kilay. Siguro nga ay si Lucas ang dahilan kung bakit nakita niyang ang ganda ng mood ni Ivy kanina. Type ni Ivy ang lalaki! Humalukipkip si Lucille. “Actually, Ivy. Hi-nire daw ni mama ang lalaking ‘yun bago siya namatay. Kagabi, may natangkang dumukot sa’kin bago ako umuwi, tingin ko’y mga tauhan iyon ni Winston. Then Lucas came, iniligtas niya ako.”
“Oh! My gosh!” bulalas ni Ivy at naitutop ang mga kamay sa bibig. “Hayup talaga ang Winston na ‘yun! Naku, Ate Lucille, mabuti naman safe kayo.” Bumakas sa mukha nito ang pag-aalala. Alam din kasi nito ang obsession sa kanya ni Winston, minsan nga ito pa ang nag-suggest sa kanya na kailangan niya ng body guard.
“Thanks Ivy. Pero ‘wag kang mag-alala sa’kin, I’m fine. Thanks to Lucas.” Bahagya niyang itinuro ng ulo ang pinto kung saan nasa labas noon ang lalaki. “But I don’t really need him dahil hindi na mauulit iyong tinangka ni Winston.”
“Mabuti na lang dumating si gwapong body guard. Hayaan niyo na siyang magtrabaho para sa inyo. Isa pa, sundin niyo nalang si ma’am Lucinda.”
“Ewan, bahala siya. But I won’t cooperate, susuko rin ‘yan, tingnan mo.”
“Pero ate… alam kong matapang kayo, pero ‘yung totoo? Hindi ba kayo natatakot kay Winston? Kasi sa totoo lang, nakakakilabot na. Ano’ng oras ka na po ba nakauwi?”
“Mag-a-a las dose na yata.”
“Yung nangyari po kagabi pu-pwede na maulit ‘yun.” pag-aalalang sabi ni Ivy.
Pumikit-pikit si Lucille, muling naupo at isinandal ang likod sa upuan. “Hindi, Ivy. Maayos na ako.”
“Bakit po hindi nyo idemanda si Winston?”
Ipinako ni Lucille ang tingin sa bintana. Minsan na niyang isinumbong sa pulisya si Winston dahil sa pagsunod-sunod sa kanya, pero best actor ang lalaki pagdating sa pagtatanggol sa sarili at wala daw katotohanan ang mga paratang niya. Siya pa ang binaliktaran nito na mayroon daw siyang Post-Traumatic Stress Disorder at napa-paranoid lang daw siya. Nang mga oras na iyon, hindi na mai-depensa ni Lucille ang kanyang sarili dahil bigla siyang inatake ng anxiety. Well, totoo namang na-diagnose na may PTDS siya, pag umaatake minsan ay sobrang lala kaya mapagkakamalan talaga siyang baliw kung may makakita sa kanya. Pero nako-control niya na iyon at hindi na madalas tulad ng dati. Isa pa, kailangan niyang maging matapang, baka matakot sina Ivy at Tibong kapag ipinakita niyang mayroon pa rin siyang takot kay Winston.
“Hayaan mo, kapag naulit pa ‘yung ginawa niya sa kulungan na talaga bagsak niya kapag napatunayan kong siya ang may pakana ‘nun.”
“Dapat lang, Ate Lucille. Kasi nakakatakot na talaga siya. Alam nating parehong palabas lang ‘yung nakarating sa’tin na pumunta na siya ng Australia.
“Oo alam ko ‘yun. Mag-iingat pa ako lalo,” pilit siyang ngumiti sabay lakad palayo at tinungo ang pinto na naroon sa opisina patungong production area. Iniwan niya namang iiling-iling si Ivy.
ANIM NA BAHAGI ang mayroon sa single floor building ang nirerentahan ni Lucille. sa labas ay ang garahe kung saan pumaparada ang kanyang multi-cab pero si Tibong lang ang marunong magmaneho, pag pasok sa bungad ay naroon ang reception area kung saan si Ivy ang receptionist, doon rin naka-display ang ilang produkto ng Rosana's Body Potion, ilang figurine at paintings ang naroon na nagco-compliment sa white and olive green na pintura. Naka-display din doon ang mga permit na kinakailangan para sa business ni Lucille at doon din tumatanggap ng mga nag-i-inquire na bisita. Sa dulong kanan ay CR para sa dalawa niyang tauhan, sa unahang kaliwa ng reception area ay ang stock room kung saan hindi naman talaga na-i-stock ang mga finished products dahil may umo-order agad. Sa dulo ng reception area naroon ang pinto patungo sa opisina ni Lucille, pagkapasok doon, sa bandang kailwa ang CR, at sa kanan naman kung saan siya naroroon sa kasalukuyan ay ang prodcution area, at sa anim na bahagi ng gusaling iyon, ang huli ang pinakamalaki. Well, hindi naman sobrang kalakihan dahil para kay Lucille tamang-tama lang iyon para makagawa siya ng mga produktong kailangan. Sa gitna ng kwartong iyon ay malaking mesa kung saan siya nagtitimpla ng kanyang produkto.
Nakasuot ng lab gown at gwantes si Lucille habang nagtitimpla ng Rosan' Body Cream. Five hundred a day ang quota niya bawat araw, pwera pa ang ibang produktong gawa niya. Pagkagawa ng mahigit dalawang daang body cream na isinalin sa lalagyan ay kumain muna siya sa kanyang opisina bago muling bumalik. Normal lang na napapagod siya pero higit sa malaking income ay masaya siya dahil sinong mag-a-akalang lalago ang produktong inimbento ng great-grandmother niya? Ang orihinal na kremang iyon ay itinimpla pa ng great-grandmother niyang si Rosana alinsunod sa pangalan ng nito. Nakakaputi ang produkto, at dahil may kaibigan siyang chemist ay patuloy sa innovation ang produkto. One year na ang shelf life span at higit sa pagpapaputi ay ang naibibigay na rin nito ay higit na kinis at lambot ng balat na animo balat ng sanggol na may taglay na kakaibang bango. Sadyang kakaiba sa ibang produkto ang Rosan's body potion dahilan kung bakit tinatangkilik iyon ng marami. Dahil din sa produktong iyon ay tumigil na siya sa pagtrabaho sa bangko, tumigil na rin sa pagtitinda sa palengke si Lola Rosie at ang mama niya apat na taon na ang nakakalipas. At sa mga natitirang taon ng buhay ng dalawa ay masaya si Lucille kahit papaano dahil nagbuhay-reyna ang dalawang babaeng nagpakahirap na igapang siya. Buti na lang ay naisipan niya ang negosyong ito.
“Andito ka pa pala, Ivy,” ani ni Lucille kay Ivy nang datnan niya ito sa loob ng kanyang opisina. Kalalabas lang niya sa production area, inunatniya ang katawan dahil magdamag siyang nakatayo sa paggawa. A las sais cincuenta na ng gabi, hindi niya namalayan ang oras. “Pasensya ka na, dapat kinatok mo ako sa loob para nakauwi ka na.”
“Iyon nga po sana ang gagawin ko at baka napano na kayo, kaya lang naisip ko rin na busy ka nakakahiya po kung istorbohin ka, ang dami po nating orders ngayon.”
“Eto naman parang hindi tayo close. Dapat kinatok mo ako. Pag oras na ng uwi, oras na ng uwi. Si Tibong umuwi na?”
“Kanina pa pong a las cinco.”
Natigilan si Lucille. “Eh, si Lucas? Nandyan pa ba?”
“Ay! Alam niyo po ba hindi po siya umaalis sa labas ng pinto niyo simula nang pumasok ka po dito. Kamuntik na nga akong maawa kasi mas nakakapagod ‘yung gawa niya kaysa sa pag-load ng mga orders sa multi-cab at pag sagot sa mga inquiries. Pero hindi natitinag si pogi! Ate Lucille, hindi siya nanlalamya, ang galing pala niya sa tayuan!” tili ni Ivy na hinawakan pa ang magkabiglang pisngi.
Napangiwi si Lucille habang pinagmamasdan ang parang bulateng binuhusan ng asin ang kanyang assistant. Kulang na lang ay mag-acrobat ito. Pambihira, grabe talaga ito kung kiligin, hindi man lang marunong magtago ng emosyon. “Hindi ba siya umalis sa pwesto niya kanina?”
“Nung nag-CR lang po, pero sa pwesto niya po siya kumain. Umuupo naman po, pero maya’t maya ang tayo. Ewan ko ba dun parang takot na baka bigla na lang may kumidnap sa’yo, kulang na lang pasukin ka dito. But I admire him more, Ate!” Ivy sighs and smiled.
Umiling siya. “Ay, ewan ko ba sa kanya. Ang mabuti pa umuwi ka na at ikaw na ang mag-lock ng bungad. Pati itong office ko i-lock mo,” aniyang mabilis na inayos ang ilang mga gamit sa mesa at inilagay sa shoulder bag.
“Teka, dito po ba kayo magpapalipas ng gabi? Kasama niyo si pogi overnight?! Ate, pwede naman po kayo sabay umuwi. At least sa bahay niyo may malambot na kama. Dito upuan, table at pader lang ang mayroon,” nag ningning ang mga mata ni Ivy, kinilig na parang kitikiti at parang may inisip na hindi kanais-nais.
Umikot ang mga mga ni Lucille. Pambihirang Ivy. “Sa bintana ng production area ako dadaan.”
“Sa bintana?!” gulantang nitong nanlaki ang mga mata.
“Huwag kang maingay!” idinikit nya ang hintuturo sa mga labi nito. “Ayokong sundan niya ako kung saan ko man gustong pumunta, pupunta nga ako ng bar para makapag-uwind, gusto mo bang sumama?”
“Po?” pumikit-pikit si Ivy. “Ay, pasensya na, Ate Lucille. May sakit kasi si Mama. Ako ang papalit sa kapatid ko para magbantay. Papasok siya ng a las nuebe sa call center, eh. Pero may next time pa naman, ‘di ba?” medyo nanghinayang pa ito.
Tipid na ngumiti si Lucille at hinawakan sa balikat si Ivy. Her assistant was so lucky, may ina pa ito at kapatid, may mauuwian pang pamilya. “Wala iyon, ang mabuti pa umuwi ka na. Pupunta na ako ng production area,” hininaan niya ang boses sa mga huling sinabi at tinuro ang lugar.
“Saang bar naman po kayo pupunta?”
“Kung saan ‘yung pinakamalapit, kailangan may mailagay lang akong kaunting alcohol sa katawan ko kaya good luck to me, sabihin mo kay Lucas sa labas na lang niya ako hintayin, ok?” aniya.
Iiling-iling naman si Ivy nang iwan niya. Buti na lang malaki ang bintana sa ‘di kalakihang production area ni Lucille, kasyang-kasya sa doon at hindi malalaman ni Lucas ang pag-alis niya! Parang biglang nagkaroon ng thrill ang gagawin niya. Kapag tinakasan niya si Lucas, tiyak magagalit ito sa kanya, siya naman ay babaliktaran niya ito, sasabihin niya hindi ito karapat-dapat na maging body guard niya dahil natakasan niya. Siguro naman ay mahihiya ito sa kanya at ito na ang magboboluntaryong umalis. Ay ewan niya ba sa pinag-iisip.
“s**t! ‘bat ang tigas nito?” pilit hinahatak ni Lucille ang bintana sa production area ngunit ayaw nitong mabuksan. Naalala niya, simula ng nirentahan niya ang gusali ay hindi niya naman talaga binubuksan ang bintana sa silid na iyon, exhaust fan lang ang binubuksan niya para lumabas ang amoy sa loob.
“Tsk! hay,” pumakawala siya ng hangin sa baga. Walang silbi kung ipipilit niya iyon kaya kahit inis ay lumabas siya ng opisina. Sa upuang pambisita, doon niya natagpuan si Lucas, nakapatong ang siko nito sa magkabilang tuhod, animo manliligaw na hinihintay ang nililigawan. Tumayo ito nang makita siya.
“Hi!” bati nito at tipid na ngumiti. Matikas pa rin ang tindig nito, pero dahil sa maghapon na walang ginawa ay parang namungay nito ang mga mata, siguro ay inantok at nainip. Bigla tuloy nakonsensya si Lucille sa gagawing pagtakas. Paano kung nagtagumpay siya? Eh, ‘di nagmukha itong tanga.
“Ah, nandito ka pa pala?” iyon lang ang nasabi niya.
“Hindi naman ako umalis,”
“Sabi nga ni Ivy sa’kin,” aniyang tumingin sa wristwatch. “Uuwi na ‘ko, ikaw, hindi ka pa ba uuwi?”
“Hihintayin kitang makasakay,” simpleng tugon nito.
Kakamot-kamot naman ng ulo si Lucille, paano siya makakapunta ng bar? Ayaw niyang kasama ito, baka mamaya niyan ay hindi pa siya painumin nito.
“Huwag kang mag-alala, Lucas. Malapit lang ang bahay ko dito, ang totoo niyan, sa kanto lang naman.”
“Sa kanto lang pala, halika na?” alok pa nito.
Numipis ang mga labi ni Lucille. Ubod ng kulit! “Ah, sige,” pilit syang ngumiti.
Nang maisara na nina Lucille at Lucas ang shop ay agad nag-isip si Lucille kung saan ba patungo ang paa nila sa paglalakad dahil wala naman talaga doon ang condo niya kundi nasa Kamuning pa. May kakilala si Lucille na nakatira malapit doon sa kanyang shop— iyon ay si Mrs. Perez na isa sa kanyang mga suki. Doon na sila dumiretso, bahala na ang mangyayari basta malusutan niya lang si Lucas. Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa malaking gate ng bahay ni Mrs. Perez, kaya lang ay ang ingay ng asong bantay doon!
“Mukhang hindi ka kilala ng aso mo, ah,” sabi ni Lucas na may tipid na ngiti sa mga labi. Mukhang nakakahalata na ito dahil tahol ng tahol ang asong nasa loob ng gate! Nakasilip lang ito doon sa grills sa ibabang bahagi ng gate.
“Actually, ikaw ang tinatahulan niyan,” aniyang tumingin sa aso. “Brownie, behave!” mas lalong lumakas ang tahol nito, napangiwi si Lucille. Hindi naman yata Brownie ang pangalan nito!
“Sino ‘yan?”
Agad napalingon sina Lucille at Lucas sa nagbukas ng gate kung saan ang labasan ng tao. Si Mrs. Perez iyon na maputing-maputi ang mukha. Panigurado, Rosana’s mask iyon.
“Hi! Tita!” ngiti ni Lucille.
“Lucille! ikaw pala!”
Tumingin si Lucille kay Lucas. “Ah Lucas, makakauwi ka na, andito na ako.”
“Ano’ng maipagliling—”
“Ah! Tita pasok na tayo, kailangan ko nang magpahinga pagod na ako, eh. Bye! Lucas!” pilit na itinulak ni Lucille si Mrs. Perez papasok ng gate. Isinara din nila iyon.
“Hachi! Stop!” pinatigil ni Mrs. Perez sa pagkahol ang aso, tumigil naman ito ngunit napangiwi si Lucille, hinatak niya ang ginang sa unahan.
“Napadaan ka Lucille, ano ang maipaglilingkod ko?”
“Ahm, natanggap niyo po ba ‘yung body cream kanina?”
“Oo naman! Matutuwa ang anak ko nun kasi hiyang sa kanya at ipamimigay din niya sa mga kaibigan niya sa Malaysia. Heto nga ‘yung isa sa freebies mo gamit ko, oh!” anito na sinalat ang mask. Sixty years old na si Mrs. Perez, pero mukhang binawasan ng sampung taon ang edad nito.
“Ay! Nakakatuwa naman po sila. Pakisabi maraming salamat po sa pag tangkilik!”
“Sandali, narinig kong tinawag mo akong tita kanina. Ibig sabihin ba nun, sinasagot mo na si Steven?!” nanlaki ang mga mata nito.
“Mrs. Perez, alam naman po nating pareho na mas nakakaubos pa si Steven ng Rosana’s product kaysa sa’yo,” natatawang sabi ni Lucille. Si Steven ang bunsong anak ni Mr. and Mrs. Perez. Pinakilala sa kanya ito ni Mrs. Perez noong unang magbukas ang shop niya sa pag-aakalang mabibighani ito sa ganda niya. Nginitian at kinamayan naman siya ni Steven, ngunit kalaunan ay dumiretso ito sa estante ng kanyang produkto at halos pakyawin lahat ng produktong ng naroon. Pero ngayon, tanggap na rin naman nina Mr. and Mrs. Perez si Steven.
Napangiwi rin si Mrs Perez pero natawa. “Oo nga pala,”
“Ah, paano po? Aalis na ako, maraming salamat po sa pagpatuloy.”
“Teka, ang ipinunta mo lang dito ay kung nakarating sa akin ‘yung mga package?”
“Ah, opo.”
“Walang lukot ang pakakahon nina Ivy at Tibong at wala ring basag kaya ‘wag kang mag-alala!” sabi pa nito.
Hinatid na siya ni Mrs. Perez sa labas ng gate. Mabuti na lang ay wala na si Lucas. Eksakto namang may dumaan na taxi, doon na siya sumakay at nagpahatid sa Sitti’s Bar.