CHAPTER THREE

2156 Words
NAKAUPO SI Lucille sa bar stool sa may bar table at tahimik na umiinom ng margarita. Kanya-kanyang kwentuhan ang mga taong binubuo ng mga lalaki, babae, bakla at tomboy na naroon sa isang night club. May mga sumasayaw na alinsunod sa maingay na musika, may nag-iinuman at the same time ay maingay na nangku-kwentuhan. Sa ibang tao na gustong makapag-isip ng maayos ay hindi iyon ang tamang lugar, pero si Lucille ay may abilidad siyang makapagmuni-muni doon. Minsan kailangan niya ring tumakas sa riyalidad ng mundo, mahal niya ang business niya pero hindi naman pwedeng doon lamang umikot ang buhay niya at ang tingin niyang nakatutulong sa kanya ay ang pagpunta-punta sa mga bar at uminom ng kaunti para makatakas sa lungkot. Tulad ng ngayon ay nagbar-hopping siya, pangalawang bar na niya iyon pero naka-dalawang margarita pa lamang siya. Isa pa, ngayong araw ay ika-dalawang buwan nang wala ang kanyang ina, hindi siya makapaniwalang makaka-survive siya na walang ina na ganoon katagal. Noong una ang buong akala niya’y hindi, pero na-realize niyang walang mangyayari kung ngangawa lamang siya. And speaking about her mother, tama nga itong hindi siya titigilan ng Winston na iyon. Hindi niya alam kung nasaan na ang lalaki dahil wala na ito sa mansyon nito, pero malakas ang kutob niyang ito ang may balak magpa-kidnap sa kanya. Mabuti na lamang ay dumating si Lucas. She owed him her life, iyon ay dahil binayaran ito ng kanyang ina at masyadong itong ‘honest.’ But what if wala itong natanggap na bayad? Magawa pa kaya nitong tulungan siya? “Siyempre hindi, iyon na lang kung masyado siyang magpapakabayani,” sabi ni Lucille sa kanyang sarili. Kumibit-balikat siya at tumawa bago uminom ng margarita. “Tingnan mo nga naman, hindi ka lang masungit. Kinakausap mo rin ang sarili mo.” Napalingon si Lucille sa lalaking bigla nalang nagsalita sa tabi niya. At ganoon niya nalang naibuga ang ininom dahil sa gulat! “What the— what are you doing here?!” “Ako nga dapat ang magtanong niyan. Ano’ng ginagawa mo dito? Ba’t hindi mo ako sinama?” sabi ng walang iba kundi si Lucas! Inilapit nito ang mukha sa kanya at mataman siyang tiningnan na animo wala siyang karapatang pumaroon sa club. Teka, papaanong bigla nalang itong sumulpot sa tabi niya? Hindi niya man lang naramdaman na naupo ito roon! “And why should I? Alam mo naman sigurong pinagtatabuyan na kita!” pinanlakihan niya ito ng mga mata with matching taas-kilay. “At papaanong nalaman mong nandito ako?” Bumuntong-hininga si Lucas at ipinatong ang mga braso sa bar table. “Sinabi sa’kin ng assistant mo na pupunta ka sa pinakamalapit na bar sa shop mo. Pero wala ka doon kaya hinalughog ko na ang mga bar dito sa buong Visayas Avenue.” What?! Pambihira talaga si Ivy. Bakit ba hindi niya nasabi dito na huwag sabihin kay Lucas kung saan siya pupunta? Pero kahit na, that witch should got the message! Sabunutan niya kaya sa bukas? “That Ivy, humanda siya sa’kin pag nagkita kami.” “Pwedeng ‘wag mo na siyang pagalitan? Concern lang naman ‘yung tao sa’yo.” “Whatever,” aniyang uminom. “Suggestion ko lang, maraming relaxing na bar, bakit clubbing pa? Ang ingay naman dito.” “Kanina nasa Sitti’s bar ako, tapos nang lumipat ako dito ako napadpad, bakit ba?” taas-kilay niya sabay irap, inikot-ikot niya ang margarita glass na wala naman nang laman. “Niloko mo pa ako, sabi mo uuwi ka sa bahay niyo. Paglabas mo ng bahay ng customer mo hindi na kita nasundan kasi sumakay ka agad ng taxi. Nandun lang ako nakatago sa may poste.” “Wha—” hindi na nabuo ni Lucille ang salita na sana ay lalabas sa kanyang bibig. “Papaano mo nalaman na hindi ko iyon bahay? At papaano mo nalamang customer ko si Mrs. Perez?” “Well,” Umunat si Lucas  sa pagkakaupo. “Obvious naman sa kilos mo. Isa pa hindi ka kilala nung aso. Saka si Mrs. Perez? Dumaan siya kaninang umaga sa shop mo para mag-order yata ng product mo.” She can’t believe it! Pinagmukha siya nitong tanga! “Lucas, pwede ba? Huwag mo na akong pakialaman," iyon lang ang nasabi niya pagkatapos ay tinapunan ito ng irap. “Bartender, another margarita, please?”  “Bartender, orange juice na lang. Please.” Sabi ni Lucas. Hinawakan pa ng lalaki ang basong iniabot niya sa bartender. “H-ho?” “Orange juice,” ulit ni Lucas. Kakamot-kamot sa ulo na sinunod naman ng bartender si Lucas. “Pakialamero ka talaga, ano?!” Humarap si Lucille ng maayos dito. Pinupuno talaga siya ng lalaking ito! “Orange juice?! Ano’ng akala mo sa’kin, five years old?” Hindi siya nito pinansin, bagkus parang aliw na aliw pa itong makitang umuusok na siya sa inis. “Alam mo ba, Miss Lucille, hindi maganda ang epekto ng alcohol sa behavior ng tao lalo na sa isang babae? Sa mundong ito, marami ang mapagsamantala. Tingnan mo iyon,” Turo ni Lucas sa ‘di kalayuan. Sinundan ni Lucille ang itinuro nito. Nakita niya ang isang babaeng sumasayaw na animo wala ng bukas, kasama ang isang lalaki na hinihipo na ito kung saan-saan. Suddenly, Lucille felt disgusted. Parang naawa tuloy siya sa babae kaya lang ay gustong-gusto naman nito. “Kita mo na? Epekto ‘yan ng espiritu ng alak. Lagi ka bang pumupunta dito?” “Alam mo, dinaig mo pa si Lola Rosie kung makapagsermon. Night club is my haven, hindi mo kasi ako naiintindihan.” “Pwede ka namang magkwento sa’kin, handa akong makinig.” “’Di kita kailangan.” Kumibit-balikat lang si Lucas, para wala itong narinig. “Hi! You like some drink?” biglang sulpot ng isang magandang babae sa tabi ni Lucas dahilan kung bakit sila napatingin dito. The woman looks flirty, kasama nito ang mga kaibigang kinikilig. Aba nagpapa-cute kay Lucas! “Hi! Ah, okay. Thanks,” ginantihan naman ito ng ngiti ni Lucas. Tinanggap ang inumin na na ibinigay ng babae sabay inom! Napanganga si Lucille sa ginawa nito. Ang damuho naman ay ngumisi lang! Pag siya bawal uminom tapos ito pwede? “How dare you!” ungot niya. Kumindat lang ito at bumalik sa pakikipag-usap sa mga babae, or should she say he’s flirting? “Hello there, beautiful lady, care to dance?” Untag ng isang lalaking tila Half-Filipino at Half-Black American kay Lucille. Bahagya siyang nagulat nang tumaas-baba ang kilay nito at tila walang magandang gagawin. Balak niya sanang supalpalin ito gaya ng ginagawa niya sa ibang lalaking nagpapa-cute sa kanya, pero biglang may naisip. Tumingin siya kay Lucas na nakikipagharutan pa rin sa mga babae. “Ahm, sure!” pilit siyang ngumiti sa lalaking nagyaya. Pumaroon sila sa gitna at nagsimulang sumayaw. Natatandaan ni Lucille ang huling sayaw niya sa dance floor, noong bago siya grumaduate ng college kasama lamang ang dalawa niyang best friends na babae, sina Astrud at Myrtle. Kaso nasa Canada at Dubai na ang mga ito respectively, kasama ng kanya-kanya nitong asawa. “Miss, taga-rito ka ba? Madalas ako dito kapag weekend, ikaw?” tanong ng lalaking kasayaw niya sa maingay na musika kasama ang iba pang mga tao. “Sa may Kamuning ako nakatira,” pag-amin niya. What’s the use of lying? Hindi niya naman ibibigay ang exact address niya, eh, “And actually, ngayon lang ako pumunta dito,” pilit siyang ngumiti at gumiling, pretending that this guy was one of her best friends. Hinawakan siya ng lalaki sa baywang at gumiling ito. Aalisin niya sana iyon, kaso ang plano nga pala niya ay bwisitin si Lucas. “May boyfriend ka ba? Sabihin mo kasi baka masuntok nanaman ako,” bahagyang tumawa ang lalaki. “Wala! Ikaw, baka may girlfriend ka?” “Wala rin. I just wanna have fun lang naman. I’m here with my friends,” sabi nito. Hindi naman pala bastos ang lalaki, flirty lang, at sinisigurado niyang hanggang doon lang sila. Sumulyap siya kay Lucas na nakikipagharutan pa sa mga babae. Ngunit nang hanapin siya nito at makitang may kasayaw ay biglang nabura ang ngiti nito. Lucille just smirks by his sudden reaction. Nang ipulapot niya sa batok ng kasayaw ang mga braso at sinabayan ito ng giling ay kitang-kita niya sa dim light kung paano nagtagis-bangang si Lucas at mabilis na humakbang patungo sa kanya! “Excuse me, tama na iyan,” sabi ni Lucas sa lalaki niyang kasayaw at pilit silang pinaghiwalay nito! “Hey! Man!” protesta ng kanyang kasayaw. “Hey! What are you doing?!” pinanlakihan niya ng mga mata si Lucas. Ang plano niya ay bwisitin ito, pero hindi niya alam na lalapitan siya nito. “You told me na wala kang boyfriend?” tila naghinanakit na sabi ni ‘flirty guy’ “Wala nga,” depensa niya. “Ihahatid na kita sa bahay niyo,” hinawakan siya ni Lucas sa braso ngunit binawi niya iyon. “Pwede ba bitiwan mo ako?!” “Hey, man! You heard the girl,” Ani flirty guy. “Who are you, anyway?” Nagtagis ang bagang ni Lucas, tiningnan mula ulo hanggang paa ang lalaki. “I’m her body guard, and you? You look minor, ha! Papaanong nakapasok ka dito?” Nilapitan ng mga kaibigan si ‘flirty guy’, mukhang handa sa away ang mga ito ngunit umayos ng tindig si Lucas at iniliyad ang dibdib. Na-intimidate naman ang mga ito at lumayo na sa kanila, nakihalubilo sa ilang taong nagkukumpulan sa kalayuan. “Look what did you do! Tama bang takutin mo sila? We are just having fun here!” The man impatiently heaved a sigh “Halika na.” “No!” pupunta sana si Luciile kung saan pumunta ang lalaking kasayaw niya, pero ang mga sumunod na eksena ay hindi niya inasahan. Her world turned upside-down, he carry her over his shoulder! Napatili siya. “Ay! Ibaba mo ako!” “Pasensya na, ginagawa ko lang ang trabaho ko,” sabi pa nito bago humakbang na paalis. Nagprotesta at pinagsusuntok niya si Lucas sa likuran hanggang sa makalabas sila ng club. “Put me down! You bastard.” “Huwag mo akong tawaging bastardo, legitimate child po ako, Ma’am Lucille.” Patuloy na nagpupumiglas si Lucille. Hindi niya alam kung dahil sa kakalikot niya ay naramdaman niya na lang ang mga labi ni Lucas sa kanyang hita, skin to skin dahil nakasuot lang siya ng pencil-cut skirt! Lahat ng dugo yata ay naipon sa pisngi niya! Ibinaba siya ni Lucas sa hood ng isang kotse. “p*****t!” kinastigo niya ito sa braso. “S-sorry,” depensa naman ni Lucas. Hindi niya inaasahang mamumula rin ito. “Ikaw naman kasi ang likot mo.” “Ako pa ang sinisi mo?” “Eh, pa’no nakikipag-sayaw ka doon sa lalaking mukhang manyak.” “Pakialam mo ba? Eh, ikaw nga nakikipag-flirt doon sa mga babaeng kakikilala mo lang.” “So, gumaganti ka?” tumaas ang dalawang kilay nito. Ipinatong nito ang mga kamay sa tabi ng dalawa niyang hita at inilapit ang katawan sa kanya. Nai-awang niya ang mga labi at hindi makapagsalita. My… hindi niya talaga gusto ang paglapit-lapit nito sa kanya. Parang nawawala ang hangin sa paligid. “Nagseselos ka ba?” he looked at her suspiciously. She just said a silent ‘what’, then burst in laughing. “Why should I? Bakit? boyfriend ba kita? Baliw!” “Nagtatanong lang,” simple itong ngumiti bago inilayo ang sarili. “Alam mo, ikaw ang— Oh! My!” hindi pa nga tapos ang inis ni Lucille, heto’t may sumunod pa. Bigla ba namang bumuhos ang malakas na ulan! “s**t! Tara sa loob,” Hinila at ipinasok siya ni Lucas sa front seat din ng kotseng iyon. Naupo ito sa driver’s seat. “Unpredictable na talaga ang panahon,” Naikuyom ni Lucille ang kanyang dalawang kamay tipong bumabaon na ang kuko sa kanyang palad. Numipis rin ang kanyang mga labi at nagsipag-untugan ang mga ngipin. She faced the now confused Lucas, then shouted. “I hate you! I hate you! I hate you!” pinaghahampas niya ito ng dalawang kamay, buong pwersa. Sumabog na siya sa inis to the point na naluluha na siya. “Teka lang—” “I hate you! Ba’t ba ang kulit mo? Ba’t ba pinakikialaman mo ang buhay ko?!” patuloy niya sa paghampas. Wala namang nagawa si Lucas kundi ang hayaan lamang siya, ni hindi man lang siya nito pinipigilan kahit natataman niya na ito sa mukha. She’s so pissed off. “Wala kang pinagkaiba kay Winston. Looks like you are obsessed to me, too! I hate you!” Hndi alam ni Lucille kung ilang minuto niyang pinaghahampas ang matigas nitong katawan. She continued shouting at him, hanggang sa mga kamay niya na ang namanhid at huminto lang siya nang mailabas lahat ng inis. Hinihingal siyang natapos sa pinaggagawa, dumiin ang hawak niya sa magkabilang braso ng lalaki bago tumingala sa mukha nito. She was surprised, nakatitig lang ito sa kanya na para bang nag-aalala. “Tapos ka na?” halos pabulong nitong sabi. Hindi siya naimik, bagkus nakipatitigan siya dito dahilan kung bakit lumuwang ang pagkakadiin ng kamay niya sa braso nito. Parang pinakakalma siya ng ngayon ay malamlam nitong mga tingin. “Sorry kung naiinis ka sa’kin. Wala naman akong ibang intensyon kundi ang protektahan ka. Sana huwag mong isipin katulad ako ng lalaking obsessed sa’yo kasi hindi naman kita sasaktan,” pagpapatuloy ni Lucas. Hinawakan ito ang kanyang mukha, pinunas ng magaspang ngunit banayad nitong mga kamay ang luha na dumaloy sa kanyang pisngi. “Sorry ulit. Sana hayaan mo akong magtrabaho para sa’yo. Pangako hindi ka magsisisi. Mabuti akong tao kaya pwede mo akong pagkatiwalaan. Isa pa, irerekomenda ba ako ng mama mo kung masama akong tao?” Kanina’y inis na inis si Lucille kay Lucas, ngayon ay hindi niya na maalala kung bakit naramdaman niya iyon dahil parang pinakalma siya ng mga sinabi nito. Kanina rin lang ay mukhang ang yabang nito, ngayon ay parang tumiklop. Pagkatiwalaan. Madaling sabihin. “P-pagod na ako, gusto ko nang umuwi…” iyon lang ang nasabi niya. Umayos siya ng upo sa kotse, si Lucas naman ay ikinabit ang seat belt niya para sa kanya. “Hatid na kita sainyo,” mahina nitong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD