CHAPTER 1: Si Kat at ang kanyang lihim.
Dear Ewan,
Ewan ko ba naman sa mundong ‘to bakit kailangan walang alam ang mga babae.
Oo, tagalog kong isusulat ang mga salita dito. Para walang mapag iwanan, walang maguluhan.
Mga hanash talaga yung nandito. Walang buhay na kwento kung paano mangloko ng tao. Walang hanggang kung kelan at kung saan nga ba dapat patungo ang kwento.
Simulan natin, ako nga pala si Cat.
Di ko totoong pangalan. Walang ibang makakaalam kung sino ako dito. Tayo lang, walang iba. Ikaw at ako.
Dito ko ibubuhos lahat ng sama ng loob ko, di ka naman makakapagreklamo dahil hindi ka makakapagsasalita.
Sa totoo lang, di ko naman talaga alam kung anong meron dito.
Di ko alam kung saan ako patungo. Ang alam ko lang kailangan kong mabuhay at bumuhay ng mga tao na mahal ko sa buhay. Mga taong alam kong mahalaga din naman ako, pero napapagod na ako. Napapagod na akong mag-isa sa mundo. Kung saan kailangan ko maging tanga pero hindi din pwedeng maging bobo.
Magulo ba?
Ganito kasi, apat kaming magkakapatid. Pangalawa ako, pero maagang nag asawa si ate. Mataas ang pangarap ni mama sa kanya, pero di nya narating kasi di nya daw gusto.
Ang gusto nya talaga ay —-
“Hannah! Bumababa ka nga rine. Kanina ka pa andiyan sa taas, tulungan mo ang kapatid mo dito”
Sigaw ni Aling Marcie
“Ayan na po inay, pababa na po”
“Ate Hannah!!!!!” Sigaw ni Jewel, bunso
“Bwiset naman Hannah! Napakatagal mo, imbes tumulong ka dito lagi kang nasa loob ng kwarto!”
Galit na bulyaw ni Ankel Nato
“Ayan na po ~”
“Aray naman po inay”
“Tang-na ka, kanina ka pa tinatawag sa baba” sabay hila sa buhok nya.
“Opo, ito na po. Tinapos ko lamang po yung module ko Inay” pahikbi nyang sagot, pero pinigil nya ang maiyak
“At sasagot ka pa?!” Isang batok ang natanggap nya mula sa kapatid na si Marko
Habang hawak ang ulo na nasaktan, nakita nya ang kanyang Ankel Nato na nakatingin sa kanya, o mas madaling sabihin na nakatutok sa kanyang dibdib.
Cat o mas kilala sa pangalang Hannah. Pangalawa sa magkakapatid, labing anim na taong gulang. Api sa pamilya, tumatayong panganay dahil maagang nakapag asawa ang kanyang ate.
Istudyante sa umaga at may ibang katauhan sa loob ng isang taon upang makapagbigay ng pera sa pamilya. Pero walang nagtatanong kung saan galing ang pera.
“Ate Hannah, yung module ko, mamaya na kasi yung ipapasa eh.” Ani Jewel habang busy na nagseselpon.
“Ano na bang nasimulan mo doon?” Tanong nya habang inaabot ang module ng kapatid
“Wala pa, kasi sabi mo ikaw gagawa nun diba ate?!” Sagot na pabalng ni Jewel.
“Ikaw na babae ka, kapag bumagsak yang kapatid mo. Malilintikan ka talaga” ani Aling Marcie habang may hawak na sandok
“Di nyo nakikita paghihirap kong palamunin ka ~ kayo!”
Sana pinatay nyo nalang ako - mahinang tugon ni Hannah.
“Mama, may sinasabi si Ate Hannah oh!” Sumbong ni Jewel
“Haaay nakuuu! Ang ingay ng bahay, lalabas na muna ako” sabi ni Ankel Nato
“Kumain ka muna, patapos na ako magluto” Aling Marcie
“Mamaya na, Hannah maligo ka na muna bago mo gawin nyan ng mapreskuhan ka” sabay ngisi ni Ankel Nato
Nangigigil na tumingin si Aling Marcie sa kanya sabay sabing “bilisan nyo na dyan at kakain na !”
Di lingid sa kaalaman nya na minsang binobosohan sya nang karelasyon ng kanyang ina habang sya ay naliligo.
Napansin nya na may maliit na butas sa tapat ng CR at kung sino man ang sisilip sa likod bahay nila ay may magandang pwesto upang mamboso. ‘Di iilang beses nya nang tinakpan ang butas, ngunit paulit ulit na nawawala ang tabing.
Si Hannah ay isang maliit na babae na may malulusog na hinaharap at pwetan, di man sya kagandahan, ngunit ang kanyang katawan ay sapat upang pag pantasyahan ng kalalakihan sa kanilang lugar.
Kahit nakamalaking tshirt sya paglabas ang tila pa din sya isang hubad na naglalakad sa looban. Tila mga asong hayok sa katawan.
Isang gabi, ginabi sya galing sa pamimili ng mga lulutuin kinabukasan. Nagmamadali syang makauwi dahil alam nyang pagdating nya sa bahay ay pagagalitan nanaman sya ni Aling Marcie.
Pagpasok nya sa kanilang bahay, napansin ny agad na wala ang kanyang ina pati ang kanilang bunso, si Marko at ang mga barkda nalang nito ang nadoon.
“Hay buti nalang” saad nya. Dali dali nyang inayos ang mga pinamili at akmang aakyat na nang biglang -
“Pssst”
“Psst”
“Hooy, Hannah!”
“Hoy, tinatawag kita. Napaka isnabera mo naman Hannah” Ani ng lasing na barkada ni Marko.
“A- eh, nagmamdali kasi ako…kailangan ko na makaakyat para sa module ni—-“ aniya sa lalaki pero bigla sya nitong hinaltak at balak na halikan
Pak - isang malakas na sampal ang ginawad nya. Sa bigla ng lalaki ay sinikmuraan nya si Hannah.
Nagtawanan ang mga kasama ng lalaki habang si Marko ay nakatingin at pangisi ngisi na lamang sa sulok. Tila walang balak tumulong sa kapatid.
“Wala ka pala pare eh. Inaayawan ka, Hahahaha” kantyaw ng kasamahan niya.
“Akala mo naman ang ganda mo, hipon ka naman” aniya kay Hannah na tila di na kayang tumayo dahil sa pagkakasakit ng tyan.
Sabay hila kay Hannah sa mas madilim na bahagi, Nagsimula nang sumigaw si Hannah sa sakit ng hawak sa kanya ng lalaki, Humihingi na din sya ng tulong kay Marko pero tila wala ito naririnig. Tila, lulong sa ipinagbabawal na gamot ang mga magbabarkada.
“Tama na po” paos na pagmamakaawa ni Hannah
“Wag po” dagdag nya pa habang patuloy sa pagpalag.
“Aray!” Hiyaw na nabitiwan ni Anton si Hannah at hinawakan ang may kagat nyang kamay. “Abat tarandadong to-“
“Paisa lang naman, patikim ng luto ni Aling Marcie”