PANAY ang hikab ko habang naglalakad sa gilid ng pool, pilit nilalabanan ang antok habang iniisa-isa ang mga dapat i-check. Sanay na akong ganito tuwing umaga, umiikot para siguraduhing malinis ang paligid at maayos ang buong resort bago pa dumami ang guests. Pero feeling ko wala sa ginagawa ko ngayon ang isip ko. Bigla na lang pumasok sa isip ko si Travis, kung gising na kaya siya? Kumusta na ang balikat niya? Nakatulog ba siya ng maayos? Napabagal ang lakad ko nang maalala ko ang lahat ng nangyari kahapon mula sa sandaling iniligtas niya ako sa nagwawalang lalaki, hanggang sa gabing iyon na tuluyan niyang sinabi ang totoong nararamdaman niya. "I love you, Maria!" Napailing ako at napabuntong-hininga. Lutang na lutang talaga ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa puyat kakaisip, o da

