PAGKATAPOS ng mahabang statement sa mga pulis, mabilis akong naglakad papunta sa infirmary, pero hindi pa ako nakakalayo, natatanaw ko na si Travis na mabilis rin ang hakbang patungo sa akin. Huminto ako sa paglalakad nang magpang-abot kami. “Maria, are you okay?” agad niyang tanong nang makalapit siya. May bahid ng pag-aalala ang boses niya. Tumango ako. “Oo okay lang… pero ikaw dapat ang tinatanong ko niyan eh, okay ka na ba?” Tanong kong napatingin sa arm sling na nakasuporta sa braso niya para hindi maipwersa ang balikat niya. “Yah, the nurse said it’s not that deep.” Sagot niya. "O-okay!" Tumango ako. Medyo nakampante ako sa sinabi niya. "So, halika na...Akyat na tayo. You need to rest!” Niyaya ko na siyang bumalik sa room. Naglakad kami papunta sa elevator. Tahimik lang kam

