NAKASUNOD ako kay Travis habang naglalakad kami papuntang boardroom. Mabagal ang lakad niya, pero hindi ko alam kung normal niya talagang pace ’yon o sinasadya niya lang para hintayin ako. Either way, mas gusto kong nasa likuran lang. Mas safe. Mas konti ang chance na mahalata niya kung gaano ako kinakabahan. At awkward talaga. I mean, ilang araw lang ang nakalipas noong nagkakilala kami sa bar… tapos ngayon, magkatrabaho na kami. Boss ko pa. At, mas malala, ninong ko pa. Pero kahit narito ako sa likod, hindi ko mapigilang pagmasdan siya. Yung broad niyang balikat, yung tindig niyang parang hindi na kailangan pa mag-effort para magmukhang authoritative. Kahit ang mga kamay niyang nakasuksok lang sa bulsa ng slacks niya ay may dating at may presence. And those long strides, kahit hindi k

