MAHIGPIT akong nakahawak sa strap ng bag ko habang nakatayo sa harap ng Beaumont Estates, freshly traumatized from last night’s humiliation, and now… ready to face a man I’m not even sure I can look in the eyes. Huminga ako nang malalim. “You can do it, Maria!” Bulong ko sa sarili ko. Ito na ang ang simula ng career ko. Ito na ang simula ng pagtatrabaho ko sa kumpanyang ito at hindi ko alam kung anong journey ba ang pagdadaanan ko. Alam kong mahirap, wala naman kasi madaling trabaho. Pero mas magiging mahirap pa para sa akin dahil ang boss ko, hindi lang basta basta...si Ninong ang boss ko, ang lalakeng nakilala ko sa bar. Ang nakalandian ko, at nasampal ko pa. Napakamot ako sa ulo nang maisip muli ang eksenang iyon sa bar. I have to stay calm. I have to relax. Sinabi ko sa sarili ko k

