SINAMA ako ni Dad sa isang corporate event. Ayoko sanang sumama, pero sabi ni Dad kailangan ko raw ito. “For experience,” sabi niya. “Kailangan mong masanay sa ganitong klaseng social events, hija. Isa ’to sa mundong gagalawan mo once you enter the business world.” Kaya heto ako ngayon nakasunod sa kanya habang naglalakad sa hallway ng isang five-star hotel. Habang papalapit kami sa function room, pakiramdam ko ay lalo akong kinakabahan. Hindi dahil first time ko sa ganitong event, pero dahil may isang taong hindi ko pwede makita. Si Ninong. Although sinabi ni Dad na may business meeting daw ito tonight at baka hindi makadalo. But still, hindi pa rin ako mapakali. Iba ang pakiramdam ko. “Are you okay, Maria?” tanong ni Dad na napatingin sa akin habang naglalakad kami. “Yes, Dad!” Ma

