MAHIGPIT akong napakapit sa gilid ng sink habang nasa restroom, ramdam ko ang lamig ng marmol sa palad ko pero wala na roon ang isip ko. “Calm down, Maria…” sambit ko. Pero imbes na kumalma, mas lalo pang lumala ang kabog ng dibdib ko. At paano ba naman ako kakalma? Nagkagusto ang Ninong ko sa babaeng nakilala niya sa bar, which is ako. Ako, na inaanak niya. At ngayon, paulit-ulit na bumabalik sa tenga ko ang mga salitang narinig ko na sinabi niya kay Dad noong gabing naroon siya sa amin. I’ll do everything just to get her. She’s mine. Napahinga ako ng malalim. And now he's here. May business meeting siya dapat pero nandito siya ngayon. Sinabi niyang worth it na pumunta siya dito. Na parang may double meaning. Na para bang may pinapatamaan siya. Hindi ko alam kung nag-o-overth

