HINDI ako mapakali habang nasa kotse. Kahit tuloy-tuloy ang takbo namin, pakiramdam ko ay hindi gumagalaw ang oras. Ang isip ko ay nasa Daddy ko. Sa lagay niya, sa kung anong pwedeng mangyari. Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi ni Manang Rosie na bigla na lang daw siyang nawalan ng malay sa loob ng office niya sa bahay namin. Hindi ko alam kung ano na talaga ang kondisyon niya ngayon, at iyon ang mas lalong nagpapabigat sa dibdib ko. Mahigpit ang hawak ni Travis sa kamay ko habang yakap ako. Ramdam ko ang init ng katawan niya, na para bang pinapaalala niya sa akin na hindi ako nag-iisa. Kahit alam kong sobra rin ang pag-aalala niya, pinipili pa rin niyang maging matatag para sa akin. Hindi siya nagsasalita, pero sapat na ang presensya niya para kahit papaano ay kumalma ako. Nang huminto

