HEALING AND CONFRONTATION‼️

2027 Words

LIMANG oras na lang ang nalalabi kaya lalo akong hindi mapakali. Maya’t maya ang upo at tayo ko, paikot-ikot ang lakad ko sa maliit na waiting area sa labas ng ICU. Nangangalay na ang mga paa ko, masakit na ang ulo ko, at mugto na ang mga mata ko sa kaiiyak. Pero sa lahat, mas nangingibabaw pa rin ang kirot sa puso ko, kirot na mas sumasakit sa bawat segundong lumilipas na wala pa ring malay si Dad. Pakiramdam ko nauubusan na ako ng oras. Hanggang hindi ko na kinaya. Maya-maya, hindi na ako nakatiis at muling pumasok sa ICU. Agad akong lumapit kay Daddy at mahigpit siyang niyakap. “Daddy, ano ba…” umiiyak kong sabi. “Gumising ka na, please naman. Gising na…” Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili pero hindi ko magawa. Nagpapanic na ang isip ko kaya parang hindi na a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD