First Encounter, First Trouble

2212 Words
CHAPTER 3 Maria POV PABALIK na ako sa hotel mula sa mall. Nagpasya kasi akong mamasyal kanina dahil bigla akong naboring sa kwarto. Hindi ko namalayan ang oras doon at gabi na pala nang makalabas ako. Ramdam ko na rin ang pananakit ng mga paa ko sa kakalakad at kakatingin kung anu-ano, kaya gusto ko na lang na magpahinga. Malapit na ako sa hotel nang mapansin ko ang isang bar na katabi mismo ng hotel. Bigla akong napahinto. Ewan ko ba parang bigla akong nauhaw. At sa isang iglap, parang nawala ang pagod ko. Gusto kong mag-relax kahit sandali. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko, pagod, inis, lungkot, pati kaba sa mga nangyayari sa buhay ko. Sa parents ko, sa future ko… sa career na sisimulan ko pa lang. Naglakad ako papunta sa bar at binasa ang malaking signage sa labas. Beaumont Club Bar. So, pagmamay-ari rin pala ito ni Ninong, kagaya ng hotel na tinutuluyan ko. Grabe! napakayaman talaga ni Ninong. Pagpasok ko sa loob, agad kong naramdaman ang malamig na hangin ng aircon na humalo sa amoy ng alak at usok ng sigarilyo, pati na rin ng perfume ng mga tao sa paligid. Namangha ako sa design ng bar, ang ganda! Very classy, elegant, and definitely not your typical bar. Parang lahat ng nandito ay mayaman, at sanay sa ganitong nightlife. Sa states mahilig rin ako magbar kasama ang mga kaibigan ko, pero masasabi kong kakaiba ito. Lumingon ako sa paligid at pinagmamasdan ang bawat sulok ng bar. Nang mapansin ko ang counter ay parang may kung anong force na humihila sa akin para magtungo roon. Habang naglalakad, ramdam ko ang ilang pares ng mga matang nakasunod sa bawat galaw ko, babae man o lalaki. Hindi ko naman sila masisisi dahil nagagandahan lang sila sa akin. Kumilos ako ng natural. Sanay naman akong pinagtitinginan, pero ewan ko ba, may kakaiba akong pakiramdam ngayon na parang may ibang intensity sa mga tingin nila. Hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang lalaking nakaupo sa corner booth, hawak ang baso ng alak. Nakasuot siya ng dark polo na bahagyang bukas sa dibdib enough to show a hint of tan skin. May kung anong power sa aura niya, na para bang siya ang may kontrol sa lugar. And the way he looked at me, sht! Para niya akong hinuhubaran gamit lang ang mga mata niya. Umupo ako sa isang stool na hindi kalayuan sa kanya at kinalma ang sarili. Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking ‘yon pero ang lakas ng dating niya. He’s not just handsome, he’s dangerously attractive. Napakagat ako ng labi. I shouldn’t be staring, pero hindi ko mapigilan. Siguro nasa thirties siya, or maybe early forties, pero he looks younger. Too damn good for his age. I crossed my legs, inadjust ko ang strap ng white dress ko, at humarap sa bartender. “Cosmo, please!” sabi ko sabay ngiti. Kanina pa ako nauuhaw at pakiramdam ko ay mas lalo akong nauhaw dahil sa presence ng lalaking iyon. Habang iniinom ko ang cocktail, pasimple pa rin akong tumitingin sa kanya. At nang mahuli ko siyang nakatingin sa akin, God! my heart skipped. He was watching me too. I smiled seductively, pero natural lang. Alam kong pinagmamasdan niya ako, at dahil gusto kong mas mahumaling pa siya, mas lalo pa akong nagpapansin. Dahan-dahan kong iniikot ang baso, pinaglalaruan ang straw habang bahagyang sumasabay sa tugtog ng music. I swayed a little on my stool, hinayaan ko ang katawan kong gumalaw sa beat. Ewan ko ba at pakiramdam ko ay nakaramdam ako ng init kahit napakalamig naman ng aircon. Hindi ko alam kung dahil sa alak o dahil sa titig ng lalakeng iyon na hindi maalis sa isip ko. “Another Tequila Sunrise!” sabi ko sa bartender. Hindi ko na napansin kung ilang baso na ang naubos ko. I just wanted to keep going. The more I drank, the bolder I felt. Biglang tumunog ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa bag. Pagtingin ko sa screen, nakita ko ang pangalan ni Larkin, at hindi ko maintindihan kung bakit, pero sa ilang buwan naming magkarelasyon, ngayon lang yata ako hindi na-excite na tumatawag siya. Pakiramdam ko ay parang biglang nawala ‘yung mood ko. I feel interrupted. At ewan ko, siguro dahil doon, kaya unti-unti akong nakaramdam ng inis hindi sa kanya, kundi sa timing. “Hey, babe!” Sabi ko, pilit na cheerful ang boses. “Where are you? Nasa bar ka? Alone?” tanong niya. Narinig siguro niya sa background ang ingay ng music. “Yeah, I’m here at the bar... Of course, I’m not alone! I’m with my cousins.” Napakagat ako ng labi dahil sa pagsisinungaling ko. Seloso siya at medyo paranoid. Siguradong mag-iisip lang siya ng kung anu-ano. “Oh, you’re having a get-together with your cousins? Just don’t drink too much, okay?” “Yeah, I’ll just have one glass, promise.” Napalunok ako habang nakatingin sa tatlong basong ubos na sa harap ko. “Take care going home, okay? My dad’s calling me… bye!” Pag end ko ng tawag, agad kong binalik na ang cellphone sa bag ko. Napabuntong-hininga ako. And when I looked up, namilog ang mga mata ko nang makitang katabi ko na ang gwapong lalake. He's right beside me, smiling. At pakiramdam ko ay biglang bumilis ang pagtibók ng puso ko na hindi ko alam kung dahil sa pagkagulat sa bigla niyang pagsulpot sa tabi ko. “Hi!" He said with his baritone deep voice. Gosh! Ang sarap sa pandinig ng boses niya. Napatitig pa ako sa mukha niya. Oh God, mas gwapo siya sa malapitan. Matangos ang ilong, matalim ang tingin, sharp jawline na lalong nagpadagdag sa appeal niya. May halong whiskey sa scent niya at amoy ng pabango that almost made me dizzy. “Hey!” Sagot ko na pilit kinakalma ang sarili. “Beautiful night!” Sambit niya, sabay lingon sa paligid. “Yeah!” napangiti ako. “And great drinks!" Napatitig ako sa mga mata niya. His brown eyes is very intense but calm and the way he looked at me, parang tumatagos hanggang puso ko at para bang binabasa ang nasa isip. Kumabog pa ng mabilis ang dibdib ko, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, eh mukha naman siyang hindi masamang tao. Nasa itsura lang niyang parang kakainin ako ng buhay pero imbes na matakot para pa akong kinikilig. Kinalma ko ang sarili ko, hindi dapat ako magpadala sa titig niya. Malay ko ba kung ano ang intensyon niya sa akin. Baka kapag nagpakita ako ng kahinaan ko, ay bigla niya iyon samantalahin. Kadarating ko lang sa Pilipinas at hindi ko pa ganoon kabisado ang mga tao rito. Liberated ang mga lalake sa states, pero tingin ko mas nakakatakot ang mga lalaking akala mo ay anghel, but deep inside, a monster. Lumunok ako at ngumiti. “You’re enjoying the view?” tanong ko, teasing him. Gusto ko lang malaman kung hanggang saan ang kaya niya. Mas lalo siyang lumapit, halos magdikit na ang siko namin. “Who wouldn’t?” bulong niya, sabay baba ng tingin sa lips ko bago bumalik sa mga mata ko. My breath hitched. Damn it. I was supposed to be in control. Pero ngayon, para akong natutunaw sa titig niya. He was flirting, and I was letting him. No! I wanted him to. Hindi ko alam kung epekto ba ito ng alak o ng mga tingin niya. Ang alam ko lang ay hindi ako okay at ngayon lang ako nakaramdam ng ganito! “You’re too confident.” Nag-roll ako ng eyes ko, na kunyaring naiirita ako, pero hindi ko naman mapigilan ang ngiti ko. “Just honest!" His voice is deep and smooth. He leaned closer habang nanatili ang titig niya sa akin at mapanuksong nakangiti. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Kanina lang iniisip kong mapanganib ang ganitong lalake pero ngayon dahil sa mga titig niya, biglang parang wala na akong pake kahit gaano pa siya kadelikado. Bigla akong natawa, pilit na pinapakalma ang sarili ko. My gosh! I have a boyfriend pero heto ako ngayon, nagpapadala sa isang lalaking hindi ko naman kilala. "I like how you laugh...you're happy I think!" Ngumiti siya, mas namungay pa ang mga mata niya na parang may gusto siyang ipahiwatig. "Yeah! Very happy!" Sagot ko, pilit kong pinanatiling kalmado ang tono ko kahit ang totoo, kumakabog na ang dibdib ko. "Gusto mo bang, mas lumigaya pa?" Tanong niyang may halong sensasyon. "What do you mean?" Napakunot noo ako. Lumapit pa siya nang bahagya na halos magkadikit na ang mga braso namin. Then he leaned closer saka siya bumulong, his voice dropped into something deep and magnetic. “Come with me… to my place. I’ll make you the happiest tonight.” Pakiramdam ko ay para akong nakiliti sa mainit niyang hininga na dumampi sa tainga ko pababa sa leeg ko at nagdulot ng kakaibang kilabot sa akin. Pero hindi doon natuon ang pansin ko kundi sa sinabi niya. Gusto niyang sumama ako sa kanya at alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Bumilis ang tibók ng puso ko, nasa tamang katinuan naman ako para makapag isip ng tama, pero dahil sa presensya niya ay para akong nadadala. But no! I have to be strong, ni hindi ko nga magawang ibigay ang sarili ko kay Larkin tapos heto ako, tinutukso ng lalaking kakakilala ko lang? No, Maria. You’re not that kind of girl! “No!” Mahina pero madiin kong sabi. Agad na kumunot ang noo niya na parang hindi sanay marinig ang salitang iyon. He cleared his throat, leaning even closer. Tiningnan niya ako diretso sa mga mata, then pababa sa labi ko, bago bumalik ang tingin sa akin. “Come on, baby!" he whispered na may halong ngisi sa labi. Pinilit kong umiwas sa tingin niya at tumingin na lang sa baso ko. “Sorry, I’m not from here. I don’t even know everybody here, including you. Maybe you should just go with the other girls!” Sabi kong pilit kinakalma ang boses. Pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung tama bang sinabi ko yun. Hindi naman kasi iyon ang gusto kong sabihin pero kailangan. Ngumiti siya ng matamis na parang wala talaga siya balak na sumuko. "Okay, okay! I'm Tra—!" “I’m sorry, I have to go! Glad to meet you, mister!” mabilis kong putol sa sasabihin niya bago pa ako tuluyang bumigay sa karisma niya. Tumayo ako at hahakbang na sana nang bigla niyang hinawakan ang braso ko. “Wait, so you’ll just leave me like that?” seryoso niyang sabi. Biglang tumalim ang mga mata niya at bahagyang nanigas ang panga niya. Sa tingin ko, hindi siya sanay na tinatalikuran ng babae. Sa itsura pa lang niya, gwapo, matangkad at maganda ang tindig ay halatang habulin siya ng mga babae. Kaya ngayong tinatanggihan ko siya, parang hindi siya makapaniwala. At doon ako biglang nakaramdam ng inis. Akala niya siguro lahat ng babae ay kayang mapasunod sa charm niya. Inangat ko ang braso ko para pakawalan ang sarili ko sa hawak niya, pero mas hinigpitan pa niya ang kapit. “I said, I have to go!” Nairita kong sabi. “Hey, relax!” sagot niya at bahagyang ngumiti. “Wala naman akong gagawin sa’yo, okay? Come on, sit down. Let’s talk and drink.” Binitawan niya rin ako kalaunan. Hindi ko alam kung sincere ba siya sa sinabi niya o kinakalma lang niya ang pakiramdam ko para mapaikot ako. Pero pakiramdam ko ay nawala na rin ang gana ko. Kanina pa ako pagod dahil sa pag-iikot ko sa mall at dumagdag pa na para akong nahihilo dahil sa alak na nainom ko at dahil sa presensya ng lalakeng ito kaya gusto ko na lang umuwi. “I’m sorry, I really want to go home!" sabi ko sabay talikod. Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Bigla niyang hinawakan ang bewang ko, para pigilan ako sa pag-alis. Naramdaman ko ang paggapang ng kung anong init sa katawan ko na ewan ko kung dala ba ng init ng palad niya. Pero wala na doon ang isip ko. Naiinis ako dahil sa pangungulit niya na halatang may binabalak talaga na hindi maganda sa akin. Humigpit pa ang kapit niya sa akin na parang wala talagang balak na pakawalan ako at doon ako naubusan na ng pasensya. “Come on, babygirl—” “I said no!” madiin kong sabi. Hindi ko na nakontrol ang sarili ko, kaya't sa isang iglap lang, nasampal ko siya. Nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat. Maging ako, natigilan rin. Parang tumigil ang mundo habang nakatingin siya sa akin, hawak ang pisngi niya na namumula. “Boss, ayos lang ba kayo?” tanong ng dalawang lalaking biglang lumapit na nakasuot ng itim, tingin ko ay bodyguards niya. Doon ako kinabahan. Bigla akong napaatras at mabilis na naglakad palayo. Bago pa ako tuluyang makaalis, napansin ko pa ang ilang staff ng bar na agad lumapit sa kanya, at pare-parehong may pag-aalala sa mukha na para bang siya ang pinaka-importanteng tao sa lugar na iyon. Pero hindi ko na inintindi pa iyon. Ang tanging nasa isip ko lang ay makalabas ng bar. ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD