CHAPTER 4
PAGBABA ko ng taxi, napatitig ako sa malaking signage na nasa harapan ng isang matayog na gusali.
BEAUMONT ESTATES.
Napalunok ako at napahinga ng malalim.
This is it, Maria! Ito na ang simula ng totoong buhay!
First job ko ito at hindi lang basta kung saang company. Ang Beaumont Estates ang isa sa pinakamalaking real estate company sa bansa. At higit sa lahat, pagmamay-ari ito ni Ninong Travis, na sabi ni Dad ay strict, perfectionist, and doesn’t tolerate mistakes, kaya grabe ang kaba ko ngayon dahil sa pinaghalong excitement at takot.
“Hays! Good luck to me!” Bulong ko sa sarili ko habang papasok sa main entrance.
Tinuro ako ng guard sa front desk. Lumapit naman ako doon at kinausap ang receptionist.
“Hi! I’m Mariana Villareal. I’m supposed to meet Mr. Travis Beaumont.” Sabi ko na pilit kinakalma ang boses.
Ngumiti ang receptionist at tumingin sa listahan sa harap niya.
“Yes, Ma’am. You’re listed here as a new trainee. Please proceed to the 20th floor.”
Iniabot niya sa akin ang guest pass.
“Boss Travis is already in his office. Just let his assistant know when you get there.”
“Okay, thank you!” Nakangiti kong sabi.
Pagpasok ko sa elevator, pinindot ko ang number 20. Breathe in, Maria. Breathe out!
Habang umaakyat ang elevator, napatingin ako sa relo ko. 8:30 a.m palang. Nangako ako kay Dad na mas maaga sa schedule ko ako pupunta rito kaya inagahan ko talaga ang gising ko, kahit na halos wala akong tulog dahil sa kaiisip sa nangyari kagabi.
Mabilis kong inalis sa isip ko ang pangyayaring iyon nang maalala ko na naman. I'm sure hindi ko na makikita pa ang lalaking iyon na nakita ko sa bar kagabi kaya kailangan ko na siyang burahin sa alaala ko.
Napabuga ako ng hangin. Yung kagabi ko pa kasi sinasabi sa sarili kong kakalimutan ko na ang lalakeng iyon pero paulit-ulit pa rin siyang kusang pumapasok sa isip ko.
Kinalma ko ang sarili at pinagmasdan na lang ang reflection ko sa metalic wall.
Straight long hair, light makeup, beige blouse paired with slacks. I looked decent professional enough, I think!
Napangiti ako nang magandahan sa sarili ko.
Napaisip ako bigla kung ano kaya ang magiging trabaho ko.
Ano kayang posisyon ang ibibigay sa’kin ni Ninong? Manager kaya? Project Head? Or maybe, Director? Bigla akong na-excite. I could already imagine Mom’s proud smile once she hears about it.
Tumunog ang elevator, hudyat na narating ko na ang 20th floor.
Pagbukas ng pinto, sinalubong ako ng minimalist office interior at halimuyak ng coffee. May mga empleyado akong nadaanan na abala sa paperwork at mga tawag sa telepono.
Tinuro ng isang staff ang dulo ng hallway nang magtanong ako sa kanya.
“That’s Mr. Beaumont’s office, Ma’am.”
Ngumiti ako at nagpasalamat saka ko tinungo ang office ni Ninong. Pagdating ko doon sa malaking glass door. Binasa ko ang nakalagay sa silver nameplate.
TRAVIS BEAUMONT — CEO.
This is it!
Huminga muna ako nang malalim bago kumatok. May ilang beses akong kumatok pero walang sumasagot. Wala akong naririnig na kahit ano mula sa loob.
“Maybe he’s not here yet?” Bulong ko. Masyado yata akong napaaga, pero mas maigi na ito kaysa late.
Naisipan kong pumasok sa loob at doon nalang hintayin si Ninong. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at sinilip ang loob. Wala talagang tao roon kaya diretso na akong pumasok.
Napanganga ako nang makita ang kabuuan ng opisina. Malaki iyon. Modern, masculine, pero elegant. May black leather sofa sa gilid, glass wall na tanaw ang city skyline, at sa gitna ay isang malaking desk na mukhang gawa sa solid oak.
Lumapit ako sa desk niya. Bukod sa personal computer na naroon ay mayroon ring laptop, may ilang dokumento sa ibabaw ng mesa, fountain pen at paperweight.
Napamasid pa ako sa paligid hanggang mafocus ang attention ko sa malaking photo frame na nakasabit sa wall. Binasa ko ang pangalan na nakasulat sa ibaba. TRAVIS SEBASTIAN BEAUMONT.
Umakyat ang paningin ko sa larawan ng isang lalakeng nakasuot ng black suit habang nakaupo sa isang executive chair.
Agad akong natigilan. Mabilis na gumapang ang kaba sa dibdib ko, dahilan para bumilis ang pagtibók ng puso ko.
“No way!”
Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko habang nakatitig sa larawan ng lalaking nasa frame. Nakangiti siya at sobrang charismatic.
Siya ‘yun. Siya talaga! Ang lalaking nakilala ko kagabi sa bar.
Ang lalaking nasampal ko!
“Oh my gosh! Totoo ba 'to?"
Napaatras ako. Pakiramdam ko ay biglang nanghina ang mga binti ko.
Tinitigan ko pa nang mabuti ang larawan, umaasang nagkakamali lang ako. Pero hindi! Ang bawat features ng mukha niya, mula sa mga mata, sa panga, hanggang sa labi. Iyon ang mukha ng lalaking kasama ko sa bar kagabi at hindi ako puwedeng magkamali!
Siya ‘yung gwapong lalaki na kinahumalingan ko pa noong una pero kalaunan ay kinainisan ko dahil sa pangungulit niya. Ang lalakeng nasampal ko sa harap ng staff at customers sa bar.
At ngayon, siya si Ninong Travis?! Ang lalaking may-ari ng bar na iyon, ng hotel na tinutuluyan ko, maging ng building na ito.
At ang masaklap, siya ang magiging boss ko!
Pakiramdam ko nanlamig ang buong katawan ko. Bigla akong namutla.
I’m doomed!
Nagsimulang magpanic ang isip ko sa kung ano ang gagawin ko ngayon. Sa nangyari kagabi for sure hindi niya ako mapapatawad.
Hanggang sa maisipan ko na lang na umalis. Hindi ako pwedeng magpatuloy pa at magpakita sa kanya. Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman niya kapag nalaman niyang ang babaeng kalandian niya kagabi sa bar ay ako— ako na inaanak niya. My goodness!
Humakbang na ako patungo sa pinto, nang bigla akong matigilan nang makarinig ng tinig mula sa labas.
“I want the proposal on my desk before lunch. No excuses!”
Boses iyon ng isang lalaki at sobrang pamilyar sa akin.
Oh my God. He’s here!
Mabilis akong bumalik. Wala na akong maisip na iba, ang tanging alam ko lang ay hindi ako pwedeng magpakita sa kanya. Hanggang mapatingin ako sa ilalim ng desk niya. Hindi na ako nag-alangan pa at mabilis na gumapang patungo doon. Buti na lang maluwag iyon, at kasyang-kasya ako.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto.
Ramdam ko ang malakas na kabog ng puso ko kasabay ng yabag niya habang naglalakad papalapit sa akin.
He’s here. Sht, he’s really here!
“Yeah, I’ll check the numbers myself,” sabi niya sa kausap sa telepono.
“Tell Finance I’ll be down in the boardroom in five minutes. Don’t mess this up again.”
Kinilabutan ako nang marinig muli ang tinig niya. Yung boses na kagabi lang ay parang musika sa pandinig ko na napakasarap pakinggan.
At ngayon, heto kami ulit nasa iisang lugar na naman. Ilang beses ko nang inulit-ulit sa isip ko na kakalimutan na siya pero parang sinasadya ng tadhana na pagtagpuin kami muli.
Narinig ko ang paglapag ng cellphone sa mesa. Tapos ang tunog ng swivel chair.
Oh no! Umupo siya. Literal na nasa ilalim ako ng desk ni Ninong!
Napaurong ako habang sinusubukang pigilan ang paghinga. Kitang-kita ko ang mahahabang binti niya mula sa suot niyang dark slacks, at ang mamahaling leather shoes. Ang lapit niya sa akin, sobrang lapit na naririnig ko pa ang bawat tunog ng pag-type niya sa keyboard.
Maria, wag kang gagalaw. Wag kang hihinga nang malakas, oh my gosh!
Para akong mababaliw sa kaba habang nakasiksik sa ilalim, na pati tunog ng paghinga ko, ramdam ko sa tenga ko.
Sht! What if he leans down and sees me?! What if he remembers me? What if he finds out?
Binalot ako bigla ng matinding kaba. Hindi niya ako pwedeng mahuli!
Nang bigla kong naramdaman ang pag-vibrate ng phone ko sa bag, kasabay ang pag-ring nito. Nanlaki bigla ang mga mata ko.
No, no, no, please!
Nanginginig kong kinapa ang cellphone sa loob ng bag ko, at agad na pinindot ang mute.
Pero huli na dahil bigla siyang napahinto sa pagta-type niya.
Katahimikan ang sumunod.
Nakita ko ang bahagyang paggalaw niya habang nasa upuan. Oh my gosh mukhang sisilip siya sa ilalim!
Kinagat ko ang labi ko, para pigilan ang paghinga. Lord, please, kahit ngayon lang, wag mo muna akong pabayaan!
Nataranta ako sa kakaisip ng puwede kong idahilan kapag nakita niya ako. Do I say sorry for slapping him last night?
Napahawak siya sa gilid ng desk, expect ko nang makikita niya ako nang bigla akong makarinig ng mga katok sa pinto, kasunod ng pagbukas nito.
“Boss Travis, the board of directors are waiting for you!” Sabi ng isang babae.
“Alright! I’ll be there in a minute.” Sagot niya sa baritonong tinig.
Tumayo siya, kinuha niya ang coat na nakasabit sa likod ng swivel chair hanggang nakita kong isuot niya iyon.
Kahit natataranta ako at labis na kinakabahan, napansin ko pa rin kung gaano siya kaguwapo kagaya kagabi sa bar.
Parang gusto ko namang sampalin ang sarili ko dahil sa naiisip ko.
Maria, ninong mo siya! What the hell are you thinking?!
Narinig ko ang mga yabag niya hanggang sa pagbukas ng pinto at tuluyan siyang lumabas. Pagkasara ng pinto, biglang tumahimik, at doon lang ako nakahinga nang malalim.
“Oh my God!” Napahaplos ako sa dibdib ko, para akong nabunutan ng tinik. Dahan-dahan akong lumabas mula sa ilalim ng desk.
Pagkalabas ko, pakiramdam ko ay gusto ko na lang maglaho.
Gosh! What will I do?! Hindi ako pwedeng magtrabaho dito. Hindi niya ako pwedeng makita!
Mahigpit akong napahawak sa strap ng bag ko, pilit pinapakalma ang sarili ko.
Okay, Maria. Think. Either tell Dad the truth or back out!
Pero paano ko sasabihin kay Dad?
Na sinampal ko si Ninong sa sarili niyang bar para takasan siya dahil gusto niya akong isama sa place niya?
“Oh, God!” Napahawak ako sa noo ko. “What if bumalik na lang ako sa States, without telling Dad anything, at isikreto ko na lang habambuhay ang nangyari kagabi?”
Muli akong napatingin sa mukha ni Ninong sa picture frame na nakasabit, at mas bumilis pa ang tibók ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil pa rin sa kaba o sa ibang dahilan na ayoko nang alamin pa.
Pero kahit sobrang gulo ng isip ko ngayon, isa lang ang malinaw. This is going to be a disaster!
♡