Wet Dream and Escape🔥

1022 Words
CHAPTER 5 (SPG) “I’ll make you the happiest tonight, babygirl!” Napasinghap ako nang maramdaman ko ang init ng labi niya sa balat ko. Each kiss sending shivers all over my body. Napakasarap ng halik niya. Ito ang una ko at hindi ko akalain na ganito pala kasarap. Ibinuka niya ang mga hita ko at napaungol na lang ako nang dilaan at sipsipin niya ang hiyas ko. "Ah, Ninong ang sarap!" Panay ang ungol ko sa bawat sensasyong dumadaloy sa katawan ko. Mainit at nakakabaliw ang pakiramdam ko, na para bang dinadala niya ako unti-unti sa langit sa bawat hagod ng dila niya. Hawak niya ang bewang ko habang patuloy niyang nilalaro ang pinakamaselang parte ko. “Travis!” Mahina kong ungol, hindi ko na alam kung saan pa ako kakapit. Bahagya siyang tumawa, yung tawang punong puno ng pagnanasa. “You taste so good, babygirl!" bulong niya bago muling nilamon ng halik ang pagkababàe ko. “Ah please, Ninong… I can’t—” Pero lalo lang siyang naging marahas. Every touch, every kiss was claiming me, making me forget everything else, kung sino siya, kung sino ako, kung gaano ito dapat na mali. Hanggang sa... Bigla akong napabalikwas ng bangon. Pagmulat ko ng mata, kisame ng kwarto ko ang una kong nakita. Napahawak ako sa dibdib ko habang hinahabol ang paghinga ko. Napahawak ako sa noo kong basa ng pawis kahit napakalamig naman dahil sa aircon. “Oh gosh!” Napahilot ako sa sentido ko. Nanaginip na naman ako, or should I say binabangungot. Ilang gabi na akong ganito mula nang malaman kong si Ninong pala ang lalaking nakilala ko sa bar nang wala akong kamalay-malay. And I don’t even understand myself anymore. Bakit sa tuwing naaalala ko ang gabing yun, may kung anong init na gumagapang sa dibdib ko? Na kahit anong pilit kong kalimutan, he keeps haunting me, even in my dreams. Apat na araw na ang lumipas mula nang malaman ko sa mismong opisina ni Ninong ang lahat. Simula noon, hindi na ako muling bumalik doon. Noong araw na iyon, dinahilan ko kay Dad na masama ang pakiramdam ko kaya hindi na ako tumuloy sa office ni Ninong. Tatlong araw na akong gumagawa ng parehong dahilan, na nilalagnat ako o nahihilo para lang makaiwas. Kadarating lang ni Dad mula sa business meeting niya, at pinapapunta niya ako ngayon sa bahay. Sigurado akong nag-aalala rin siya sa akin kaya kailangan ko talagang umuwi ngayon. Bumuntong-hininga ako habang bumangon sa kama at inayos ang sarili. Hanggang ngayon, magulo pa rin talaga ang isip ko. Hindi ko alam kung ano na ba ang dapat kong gawin, matapos kong malaman na si Ninong pala yung lalaking kalandian ko ng gabing iyon sa bar. Ayoko na ring bumalik sa States, feeling ko wala na akong babalikan pang buhay doon. Pero hindi ko rin kayang pumasok sa Beaumont Estates knowing na si Ninong ang may-ari. Kaya ang natitira ko na lang na option, kulitin si Dad na sa kumpanya na lang namin ako magtrabaho, kaya gusto ko rin puntahan siya para kausapin. Pagkatapos kong mag-ayos, umalis na ako. Pagbukas ng elevator sa ground floor, tahimik akong lumabas. Pero natigilan ako at halos mapako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang isang pamilyar na mukha —si Travis. Este, si Ninong. May kausap siyang dalawang lalaki malapit sa elevator. Suot niya ang usual niyang black suit. Bakit siya narito sa hotel? Dito rin ba siya nag-stay? Pag-aari niya rin ang hotel na ito at baka nga dito rin siya nakatira. Hindi ko na sana iintindihin pa at diretsong aalis na lang, pero bigla siyang lumingon at nagtama ang mga mata namin. At sa isang iglap, naramdaman ko ulit ang parehong kaba at init na naramdaman ko noong unang nagtagpo ang mga mata namin sa bar. Nang bumalik ako sa reyalidad, agad akong napayuko at nagmamadaling naglakad palayo. “Hey, Miss! Wait!” Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ang boses niya. Hindi ko alam kung ako ang tinatawag niya, pero malakas ang kutob ko na ako nga. Diretso akong naglakad, ni hindi ko na siya nilingon pa dahil baka mas mahalata pa ako. Pinilit kong magmukhang kalmado habang mabilis ang mga hakbang palabas ng building. Ramdam ko ang bilis ng tibók ng puso ko at para bang hindi na ako makahinga sa sobrang kaba. Hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng building. Paglingon ko, nakita kong lumabas din si Ninong. Nakatingin siya sa direksyon ko, at sinusundan ako. Oh, God. Bakit niya ako sinusundan? Ano pa bang gusto niyang mangyari? Mabilis akong naglakad na halos tumakbo na. Nang makakita ako ng taxi ay agad ko itong pinara. Pagkahinto nito sa harap ko, mabilis akong sumakay sa loob at sinabihan ang driver na umandar agad. Napatingin ako sa labas ng bintana. Nakita ko si Ninong kasama ang dalawang bodyguard na papalapit na, pero sakto namang umandar na ang taxi kaya naiwan silang nakamasid na lang sa direksyon ko. Napabuga ako ng hangin. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik. Nakita niya ako kanina, tinawag at sinundan. Ibig sabihin, namumukhaan niya ako. At kung ganon, delikado ako! My gosh! Siguradong dahil ito sa nangyari sa bar. Baka hindi niya matanggap na si Travis Beaumont, ang powerful, influential, at hinahangaan ng lahat ay nasampal ng kagaya ko. Baka gusto niya akong gantihan. Baka wanted na ako sa kanya at may plano siyang hindi maganda. Ramdam ko ang kaba na gumapang sa dibdib ko. Hindi ko akalaing sa ilang araw ko pa lang sa Pilipinas, ganito na ka-komplikado ang buhay ko. Napahawak ako sa noo ko. God! Ano ba itong pinasok ko?! Pilit kong kinalma ang sarili pero hindi mawala wala sa isip ko ang itsura niya kanina nang magtagpo ang mga mata namin, ang init ng titig niya na kagaya noong unang beses ko siyang makita sa bar. What will I do? For sure, hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam na ako ang inaanak niyang si Mariana, ang babaeng nakasama niya ng gabing iyon sa bar. At sa naramdaman kong titig niya kanina, lalo kong naisip ngayon na mas dapat ko talaga siyang takasan. ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD